sixteen - Naughty Night

602 7 9
                                    

ELI.

"So, Elien? Short for Eli Reign?"

Sambit nito sakin. Nakatayo kaming dalawa ngayon sa tapat ng pintuan sa loob ng bahay para hindi magkalat ng tubig habang hinihintay ang kuya ko.

Napatingin ako sa kanya at sumagot.

"Uhm, di ah."

"Why make it Elien when you have Eli Reign? Which is pretty by the way."

Hindi ko na siya pinansin dahil nakaramdam ako ng lungkot. Sa akin na yun. No one has to know why I don't like to be called like that.

"Ang lakas na ng ulan. Maybe stay here for the night, Ashken." Sambit bigla ni kuya habang papalapit samin na may dala dalang pajama at dalawang twalya. "Here. I have my old pjs with me. Hiramin mo nalang muna. While you Eli, go upstairs and change your clothes. Magkasakit kayong dalawa niyan."

Tumingin ako kay Ashken bago ako umakyat. Seriously? Papatuluyin ni kuya si Ashken dito? Kung sabagay. Wala namang alam si kuya sa totoong ugali ni Ashken.

Si Ashken? Mabait siya. He's hiding it but sometimes if he's not careful, he somehow shows it. Just remove the point that he's a lustful kind of person.

Natapos na akong magbihis kaya naman bumaba ako at nahuli ko naman ang pinsan kong vinivideohan si Ashken habang nag-aayos ng buhok sa salamin namin.

"Ate Fara---"

"AY KABAYO!" Nasabi nito sakin sa sobrang gulat. "Ano ka ba? Kapag ako nahuli dito sasabunutan talaga kita."

"Sorry."

"Wag mong sasabihin kay Kuya Daff to ha."

Inirapan niya ako bago niya itago ang phone niya saka umalis. Stalker! Siguro ipagmamayabang nanaman niya to sa mga kaibigan niya.

'Ay yung anak ng boss ng pinsan ko nandito sa bahay. Ang pogi!' Tsk! Tsk!

Napatingin naman ako kay Ashken ulit. Ang hangin niya kahit wala siyang sinasabi. Simpleng pagsasalamin niya lang ang yabang yabang na ng dating niya. Okay, gwapo siya pero pwede naman maging humble kahit minsan.

Napatigil ako ng mapansin kong nakangiti ito habang nakatingin sa salamin. I just realized na sakin siya nakatingin through our reflections.

Napaiwas ako ng tingin at pumunta na ng kusina para tulungan ang kuya ko.

ASHKEN.

It really makes me happy everytime I make fun of Eli. But...

Behind those stuff I do to her, I'm feeling something.

The Lust Of Ashken Lim (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon