Keum
"Oy donghyun, bakit kanina ka pa nangingiti diyan?" Tanong ni Minhee—kaibigan namin sa kabilang section. Actually, bukod sa aming apat na magkakaibigan, may iba pa akong circle of friends, gano'n din sina Eunsang at Junho tas si Hyunbin. Tropa talaga ni Eunsang tsaka Junho 'tong si Minhee, pati na rin si Dongpyo, at Hyeongjun. Silang tatlo kasi magkakaklase, nakaclose ko lang naman sila dahil do'n sa dalawa.
"Binigyan ng Iced coffee si Zoey eh." Sabi ni Hyunbin, konti nalang talaga tatahiin ko na bunganga nito sa kadaldalan.
"Zoey? As in Zoey Lee?" Tanong ni Dongpyo
"Oo. Siya nga." Sagot ni Hyunbin
"Omg? Crush mo si bestie ko?" Tanong ni Dongpyo
"Bestfriend mo si Zoey?" Gulat na tanong ko
"Oo kaya duhh." Sabi niya
"And hindi ko crush si Zoey. Token of gratitude lang 'yon kasi pinakopya niya ako kanina sa quiz." Sabi ko
"Bakit iced coffee binigay mo kay Zoey?" Tanong ni Junho
"Eh kasi mahilig do'n mga kaibigan niya, kaya inisip ko baka gano'n din siya."
"Pabo. Acidic si Zoey, bawal siya sa kape. Kaya nga hindi nagkakape 'yon eh." Sabi ni Junho
"Alam na alam." Pangaasar ni Hyeongjun
"Seryoso ba?" Tanong ko
"Oo. Pansinin mo kapag magkakasama silang magkakaibigan, laging milktea iniinom niya. Kapag kape kasi sumasama sikmura niya."
"Sayang pala effort ko." Bulong ko
"Baliw hindi ah. Nakakaappreciate 'yon agad si Zoey kahit hindi niya gusto basta nag effort ka, appreciated 'yon." Sabi ni Dongpyo
"Wala raw gusto pero kung magworry, wagas. Okay Keum Donghyun kunyari naniniwala kami." Sabi ni Minhee
Masama bang magworry? Psh.
BINABASA MO ANG
❝ jowa ❞ ➳ k.dh
Short Story❝ jowa ba kita? ❞ ↭ epistolary ↭ producex101 series #2 ↭ date started (07/14/19) ↭ date completed (01/19/20)