60 | keum

426 24 5
                                    

Keum

Andito ako sa secret garden, nakaupo. Taimtim kong tinitignan yung scenery.

Talo na naman ako.

Alam ko namang crush ni Junho si Zoey, at kung ano man nangyayari do'n ngayon, alam kong talo na ako.

Ano ba laban ko sa nag-iisang naging crush ni Zoey?

"Oh, Donghyun. Mag-isa ka lang?"

"Hello po, Nana Jessa. Opo ako lang po."

"Hmm. Mukhang gusto mo mapag-isa, sige iiwan muna kita. Tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka ha?"

"Opo. Thank you po."

Bakit kasi ang dami kong kaagaw kay Zoey? Bakit kasi si Zoey pa nagustuhan ko? Bakit kasi nung bumabalik yung pagkagusto ko sa kanya, hindi ko pinigilan? Nakakainis ka, Keum. Naiinis ako sa'yo.

"Nakakainis ka talaga, Keum." Bulong ko sa sarili ko at bumuntong hininga

"Oo nakakainis ka talaga. Asungot talaga psh." Napabalikwas ako nang marinig ko boses ni Zoey sa likod ko

"Zoey?"

Tumabi siya sa'kin tas tumitig din sa scenery

"Kung pupunta ka dito sana inantay mo na ako kanina."

"Eh mukhang busy kayo ng boyfriend mo eh."

Bakit ko sinabi 'yon?! Bakit ba 'di nakikicooperate 'tong bibig ko?!

"Boyfriend? Sino? Si Junho?"

"Oo."

"Hindi ko boyfriend 'yon 'no."

Napatingin ako nung sinabi niya 'yan, ngumiti lang siya ng tipid tas umiwas na ng tingin.

Eto na ba chance ko?

"Zoey, gusto kita." Sabi ko, bwisit talaga 'tong bibig ko! Kung ano naiisip ko, sinasabi bigla!

Lalo akong kinabahan nung walang reaksyon si Zoey.

"Zoey?"

"Alam ko."

"Ha?"

"Alam kong may gusto ka sa'kin."

"A-ano?"

"Matagal ko nang alam, hindi naman ako manhid 'no. Sadyang gusto ko nalang manahimik at ayokong pangunahan ang mga bagay-bagay. Ngayong narinig ko na mula sa'yo, nakakakaba pala." Natatawa niyang sabi

"Bakit ka kinakabahan? Ako nga 'tong dapat kinakabahan? Tsaka andami nang nanligaw sa'yo dati, andami nang nagsabi sa'yo niyan, para namang bago pa sa'yo." Natatawa kong sabi

"Oo bago pa sa pakiramdam. Nakakakaba kasi nanggaling siya sa taong gusto ko."

Lalong lumakas kabog ng dibdib ko. Mas lalo pang lumakas 'yon nung tumingin siya sa'kin.

"Akala ko naman nararamdaman mo rin. Gusto rin kita. Kung tatanungin mo kung kailan pa, hindi ko rin alam. Basta namulat nalang ako isang araw, gusto na pala kita, Keum."

Natahimik kaming dalawa. Walang may gustong magsalita. Inabot kami ng 20 minutes bago ako nagsalita.

"Zoey, jowa na ba kita?"

❝ jowa ❞ ➳ k.dhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon