22 | keum

479 27 0
                                    

Keum

Badtrip.

Hindi ko alam pero nababadtrip ako ngayon.

"Kamatis ka diyan!"

"Totoo naman kasi."

Napatayo ako bigla para lumabas.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Hyunbin

"Lalabas."

"Sama ako." Sabi niya at sumunod sa'kin.

Nakatayo lang ako sa gilid ng basurahan malapit sa room.

"Bakit ka andito?" Tanong ni Hyunbin pero 'di ko sinagot.

Tinatapakan ko lang yung mga boteng nasa lapag. Nababadtrip talaga ako

"Nagseselos ka 'no?" Sabi ni Hyunbin

"Hindi ah!" Sigaw ko

"Huli." Nakangising sabi niya, "Sige na. Aminin mo na, hindi naman ako magsasalita sa iba."

"Ewan ko. Nababadtrip ako kapag nakikita ko silang gano'n. Hindi ako nagseselos, pero nababadtrip talaga ako."

"Ayaw mo pa kasi aminin sa sarili mo na may gusto ka kay Zoey eh."

"Wala naman kasi talaga."

"'Wag mo na ideny. Last year ko pa nahahalata, Keum."

Last year pa?

"Tanda mo nung nagcamping yung batch natin last school year? Kumanta si Zoey no'n, yung titig mo sa kanya iba eh. Hindi pa natin sila kaklase no'n kaya hindi pa natin sila gaanong kilala. Nasa harapan natin sila sa bus no'n, doon palang iba na yung tingin mo. Tas hanggang sa kumanta na siya no'n, iba pa rin yung tingin mo sa kanya. Habang nagsasalita siya sa gitna no'n, napapangiti ka. Unusual sa'yo 'yon. Tapos nung enrollment? Nag-aya ka bigla sa section one kasi nalaman mo ando'n si Zoey. Eh ang napagusapan natin section two tayo kasi ando'n sila Dongpyo."

"Hindi naman sa camp nag-umpisa 'yon." Sabi ko

"Kitamo na? Edi umamin ka rin." Sabi niya. "Wait. Hindi sa camp nagstart? E'di mas matagal ka nang may gusto kay Zoey?"

"Oo. Nasa canteen 'yon, tapos wala akong maupuan. May laban kayo sa quiz bee ni Junho no'n tapos si Eunsang absent. Edi ako lang mag-isang kakain. Tapos wala akong maupuan, bigla niya akong tinawag tas sabi niya tumabi na ako sa kanila nung kasama niya kasi dalawa lang naman sila. Tapos hindi ko sinasadyang marinig pinaguusapan nila." Sabi ko

"Ano ba pinaguusapan nila no'n?"

❝ jowa ❞ ➳ k.dhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon