19

496 28 4
                                    

Zoey

Wala kaming prof ngayon kaya wala kaming ginagawa, wala rin naman kasing iniwan na gawain kaya free time lang talaga

Busy akong nanonood ng episode 16 ng pinapanood kong kdrama nang biglang may tumabi sa'kin

"Uy umiiyak ka na." Sabi niya sabay abot ng tissue sa'kin. Hindi ko namalayang naiiyak na pala ako, masyado yata akong focused sa pinapanood ko.

"Salamat, junho." Sabi ko, siyempre kinikilig ako HAHAHAHA

"Ano ba pinapanood mo?"

"Hotel Del Luna."

"Iniyakan ko rin 'yan HAHAHA."

"Ay napanood mo na?"

"Oo. Last month ko pa natapos, inabangan ko talaga yung release ng last episode."

"Happy ending ba?" Tanong ko

"Secret." Natatawa niyang sabi

"Dali na." Pagpupumilit ko. Gusto ko lang naman malaman kung happy ending ba o hindi para mahanda ko sarili ko eh

"Hindi ko talaga sasabihin." Sabi niya, nagpout nalang ako. "Makikinood ako ha." Pagpapaalam niya

"Ay osige." Sabi ko tas binigay sa kanya yung isang side ng earphones ko.

Pinipigil ko talagang 'wag maiyak kaso sobrang iyakin ko kasi kaya hindi ko mapigilan sarili ko. Naiiyak talaga ako.

"Pinipigilan mo pa sarili mo, sige na 'wag ka na mahiya." Sabi ni Junho, pagkasabi niya niyan, napa-hikbi nalang ako. Narinig kong medyo natawa siya pero binalewala ko nalang

Hanggang sa matapos namin yung episode 16 na wala akong ibang ginawa kundi umiyak.

"Ganda 'no?" Sabi niya

"Alin?" Tanong ko na medyo lutang pa.

"Ikaw."

Ikaw

Gulat akong napatingin sa kanya, "Ha?"

"Hatdog."

"Parang gago." Bulong ko.

"Nagmumura ka pala?"

"Siraulo ka eh." Sabi ko

Natawa siya, "Ang lutang mo kasi. Ang sabi ko, ang ganda 'no? Nung drama."

Ah

"Ah oo hahaha." Sabi ko. Shet naman talaga, Zoey.

"Guys excuse me." Sabi bigla ni Krisha, "May homework na binigay sa Calculus, next week na raw ipasa. By pair 'yon, same pa rin ng pairings last time. Wala raw klase sa calculus today kasi nasa seminar yung ibang prof. Pwede na raw tayo umuwi." Pag-announce niya.

"Partners tayo ulit." Sabi ni Junho tas tumayo na, "Chat kita mamaya, mauna na muna ako. Bye." Sabi pa niya, nginitian ko nalang siya.

OMG

❝ jowa ❞ ➳ k.dhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon