Keum
"Krisha, bakit absent si Zoey?" Tanong ko sa kanya. Tatlong araw na kasing absent si Zoey. Balak ko sana siyang kausapin nung Monday para magsorry kaso di ko siya nakausap.
Pumasok siya nung first subject pero late pa siya no'n, bigla naman siyang nawala nung second subject kasi umuwi na pala siya.
"Uhm, ano, masama pa rin daw pakiramdam." Sabi niya.
Bakit parang may mali?
Ilang araw nang weird yung pakiramdam ko sa kanila. Una sa lahat, tatlong araw nang absent si Zoey na walang pasabi sa mga groupmates niya or kahit sa ibang friends niya rito sa room. Pangalawa, mga kaibigan niya umaako sa mga responsibilities ni Zoey dito sa school
"Sige Keum, may aayusin lang ako." Sabi ni Krisha tas umalis na sa harapan ko. Hinanap ng mata ko si Erika, nung makita kong wala siyang ginagawa, dali-dali ko siyang nilapitan
"Erika, pwede ba kita makausap?" Tanong ko
"Ah oo naman. Tungkol saan ba?" Tanong niya
"Pwede sa labas tayo mag-usap?"
"Ay oo sige." Sabi niya, lumabas ako at pumunta kami sa may fire exit.
"Ano ba pag-uusapan natin? Bakit kailangan dito pa?"
"Kamusta si Zoey?"
Nung tinanong ko 'yan, halatang nabigla siya.
Bingo.
"Please, gusto ko lang malaman kung okay siya."
"Why do you care?"
"I... I don't know. Hindi lang talaga ako mapakali knowing that she's not here and I don't even know where on earth she is right now."
She took a deep breath before saying, "Anxiety. Inaatake na naman siya ng Anxiety niya. Inadvice-an siya ng guidance na magrest muna. Mukha mang okay si Zoey pero sobrang daming pinagdadaanan no'n."
"Pwede ko ba mahingi address niya?"
"Give me a valid reason why should I give you her address."
"I just want to check her. 'Yon lang."
"Hmm okay. Itext ko nalang yung address."
"Thank you, Erika."
"Sige mauna na ako."
BINABASA MO ANG
❝ jowa ❞ ➳ k.dh
Kısa Hikaye❝ jowa ba kita? ❞ ↭ epistolary ↭ producex101 series #2 ↭ date started (07/14/19) ↭ date completed (01/19/20)