Keum
"Uy, pinakopya ka ni Zoey?" Tanong ni Hyunbin
"Hindi ah." Sabi ko
"Nakita ko 'yon."
"Malabo lang mata mo." Sabi ko. Kami lang dalawa magkasama ni Hyunbin ngayong break kasi nasa library si Eunsang tsaka Junho. Nagpatutor kasi 'tong si Eunsang kay Junho sa calculus. Nababagot ako sa subject na 'yon kaya 'di na ako sumama. Si Hyunbin naman, matalino na 'to eh. Sisiw nalang sa kanya 'yon.
"Ano ba pwede ibigay sa babae? Token of gratitude ganon." Tanong ko.
"Depende sa babae 'yon. Sino ba pagbibigyan mo?"
"Wala."
"Kunyari ka pa. Si Zoey ba? Mag thank you ka lang do'n, maappreciate na niya 'yon. Tas maging active ka rin sa research."
"Kaya ko magthank you pero yung maging active sa research? Uh no thanks."
"Tamad."
Hindi ko nalang pinansin yung huling sinabi ni Hyunbin tas bumili nalang ako ng iced coffee para kay Zoey. Mahilig kasi mga kaibigan niya sa iced coffee, kaya siguro gano'n din siya? Lagi kasing may dala sa room na iced coffee mga kaibigan niya eh.
Hinanap ko agad siya sa room, sakto naman, ando'n siya may pinapanood sa phone niya
"Zoey." Kalabit ko sa kanya, tinanggal niya sa tenga niya yung earphones niya tas humarap sa'kin, "Uy Keum bakit?"
"Thank you pala sa pagpapakopya sa'kin kanina. Eto oh, thank you gift ko nalang." Sabi niya
"Iced coffee ba 'yan?" She asked
"Oo. Nakita ko kasi sila Krisha laging may dalang iced coffee kaya naisip ko na baka gusto mo rin." Sabi ko. Matagal niyang tinitigan yung hawak ko, parang nag-aalangan siya. "Ayaw mo ba ng iced coffee? Okay lang naman, ibibili nalang kita ng ib—" naputol yung sasabihin ko ng kunin niya yung iced coffee sa kamay ko
"Thank you lang okay na eh. May paganito ka pa, thank you, donghyun." Sabi niya. Ngumiti lang ako ng tipid at lumabas na ng room.
Cute.
BINABASA MO ANG
❝ jowa ❞ ➳ k.dh
Conto❝ jowa ba kita? ❞ ↭ epistolary ↭ producex101 series #2 ↭ date started (07/14/19) ↭ date completed (01/19/20)