34

481 28 8
                                    

Zoey

Napabalikwas ako nang mabasa ko message ni Donghyun sa akin. Dali-dali akong bumaba tas pinagbuksan siya gate. Nakita ko naman siyang nakaupo sa may hagdan sa labas

 Nakita ko naman siyang nakaupo sa may hagdan sa labas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Keum?" Tawag ko sa kanya. Napatayo siya agad.

"Uhm hi zoey."

"Ano ginagawa mo rito?"

"Gusto ko lang sana magsorry. Pasensya na wala akong dala kahit na ano, dumiretso kasi ako dito pagka-dismissed."

"Sorry saan?"

"Du'n sa chat ko. Honestly, may nangungulit kasi sa'kin. Tas panay chat niya tapos nagagahol na kasi ako sa paggawa nung research kasi male-late na naman ako sa deadline tas akala ko siya yung nagchat, ikaw pala. Kaya nareplyan kita ng ganon. Sorry talaga."

Napatitig nalang ako sakanya.

Gosh, keum why are you so cute?

Napangiti ako bigla, "'Yun lang ba pinunta mo rito?"

"Ha?"

"Aminin mo, namiss mo ako 'no?" Pagbibiro ko, hindi naman kami gaanong close ni Keum pero 'di ko alam kung bakit ako nagjoke ng ganyan.

"Oo."

Napahinto ako at napatitig sa kanya. Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?

"Miss ka naman namin lahat do'n." Sabi pa niya. Ah lahat.

"Ang weird ba? Na andito ako sa labas ng bahay niyo?" Tanong niya

To be honest, hindi. Hindi tayo close pero bakit feeling ko sobrang safe ako with you?

"Hindi ah! Okay nga lang kasi may kausap ako." Sabi ko

"Musta ka na?" Nung tinanong niya ako ng ganyan, bigla nalang ako naluha. Ngayon nalang ulit ako nakarinig na kinakamusta ako. Ewan ko ba.

"Sorry. Ang emotional ko lang talaga netong mga nakaraan." Sabi ko habang nagpupunas ng luha. Nagulat nalang ako nung bigla niya akong yakapin, do'n na bumuhos iyak ko.

Sobrang bigat lang ng pakiramdam ko kaya siguro ganito ako.

"Sige na, iiyak mo lang lahat. Andito lang ako."

❝ jowa ❞ ➳ k.dhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon