Chapter 17: Date

3 1 0
                                    

Pumunta si Jungkook sa bahay ni Taehyung, yayayain niya kasi itong lumabas.

"Taehyung?" Tawag ni Jungkook.

Bigla namang nakita ni Jungkook na bumababa si Taehyung sa hagdan, napangiti naman siya ng makita niya si Taehyung.

"Hello!" bati ni Taehyung at niyakap si Jungkook.

"Hi Baby, musta ka?" tanong ni Jungkook habang hinihigpitan ni Taehyung ang yakap kay Jungkook.

"Okay lang ako, bakit ka napadaan?" tanong ni Taehyung, nakayakap parin siya.

"Hmm, gusto mo ba lumabas tayo? gumala tayo?" tanong ni Jungkook.

"Lalabas tayo?" 'di makapaniwalang tanong ni Taehyung.

"Oo, gusto mo ba?" tanong ni Jungkook.

"Oo naman!" excited na sabi ni Taehyung at hinalikan si Jungkook sa pisngi.

"Ang sweet mo yata ngayon?" tanong ni Jungkook.

"Na-miss kita." sabi ni Taehyung at ngumiti.

"Umakyat ka  na, magpalit ka na ng damit." sabi ni Jungkook.

"Kiss muna." sabi ni Taehyung na parang bata.

Ngumiti naman si Jungkook at hinalikan si Taehyung sa  labi, pagkatapos ay umakyat na si Taehyung sa kwarto niya.

Mga ilang minuto lang ay bumaba na ito, naka pantalon ito at naka dilaw na hoodie. Bagay ito sa suot ni Jungkook kasi naka asul na hoodie lang din ito at nakapantalon.

"Ang cute mo naman." sabi ni Jungkook.

Mas lalo pa siyang nacutean kay Taehyung dahil may maliit na relo ito sa kaliwang wrist niya.

"Halika na?" tanong ni Jungkook at hinawakan ang kamay ni Jungkook.

"okay." sagot ni Taehyung at ngumiti.

Nagdrive sila papunta sa mall at nagsimula na silang mag ikot, pumunta muna sila sa bilihan ng damit, gusto kasi bilhan ni Jungkook si Taehyung ng mga hoodie kahit na marami na siya nito.

"Pumili ka na, regalo ko sayo." sabi ni Jungkook.

"Regalo? eh hindi ko naman birthday." sabi ni Taehyung habang namimili ng hoodie.

"Hmm, wala gusto ko lang regaluhan ka." sabi ni Jungkook.

"okay." sabi ni Taehyung at pinagpatuloy ang pamimili.

Binigay niya kay Jungkook ang tatlong hoodie. Isang pula, isang peach at isang baby blue.

Binayaran ito ni Jungkook at lumabas na sila ng clothing store, nakahawak parin ang kamay niya kay Taehyung.

"Kook?" malambing na sabi ni Taehyung.

"Po?" tanong ni Jungkook.

"Sine tayo." sabi ni Taehyung.

"Sige, kahit anong gusto mo." sabi ni Jungkook at hinalikan ang gilid ng noo ni Taehyung at inakbayan.

Pumunta sila sa bilihan ng tickets, namili muna sila ng movie. Napili nilang panoorin ay horror.

Umupo sila sa gitna para sakto lang ang layo sa screen, may hawak na din silang mga chichirya.

Namatay na ang mga ilaw sa sinehan at nagsimula na ang movie, simula palang ay nakakatakot na, kaya nagkakasigawan sa loob ng sinehan.

Sa may parteng may tao sa likod ng babae ay tinakpan ni Taehyung ang mata niya, natatakot na kasi siya kahit mga 30 minuto palang ang tagal ng movie.

Change || Kth•JJkWhere stories live. Discover now