Nasa sala na sila Taehyung at si Jungkook, wala kasi yung family ni Taehyung kasi may pinuntahan, umuwi narin sila Garnet kaya sila at ang maid nalang ang naiwan sa bahay.
"Kook, gusto ko ng donut." sabi ni Taehyung at tumayo.
"oh..kay? san ka pupunta?" nagtatakang tanong ni Jungkook.
"Sa mall, bibili ng donuts." sabi ni Taehyung.
"O sige, tara na pala." sabi ni Taehyung at sabay silang umakyat ni Jungkook para mag bihis.
Pumunta sila sa isang donut shop, bumili sila doon at lumabas narin ng shop pag katapos.
"Parang gusto kong kumain." sabi ni Jungkook.
"Wag na sa bahay nalang." sabi ni Taehyung at pinagpatuloy ang paglalakad
Habang nag lalakad sila sa mall ay may nakapukaw ng atensyon ni Taehyung.
"Minjae!" sigaw ni Taehyung sa lalaki.
"Oy! Taehyung!" sabi nito pabalik.
Bigla namang nagulat si Jungkook dahil hindi niya alam na may kaibigan pa palang iba si Taehyung maliban kay Jimin.
Nakita niya itong nagyayakapan, kaya ayan nanaman, nag seselos nanaman siya.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Minjae.
"Ah, may binili lang kami." sabi ni Taehyung.
"kami? may kasama ka ba?" tanong ni Minjae.
"Oo meron. Jungkook!" tawag ni Taehyung kay Jungkook, hinatak niya ito.
"Si Jungkook pala boyfriend ko." sabi ni Taehyung.
Ngumiti lamang ng konti si Jungkook, hindi siya natutuwa sa nakikita niya, imbis na siya ang akbayan ni Taehyung, iyong lalaki pa.
"Si Minjae pala, childhood friend ko siya, lumaki kami ng sabay kaso napunta lang ako ng seoul kaya nawalan ng communication." sabi ni Taehyung, walang emosyon naman siyang tinitigan ni Jungkook.
'ah so matagal na silang close?' pag iisip ni Jungkook.
"Huy! kain tayo libre ko!" masiglang sabi ni Taehyung.
tsk! kanina gusto kong kumain ayaw niya, tapos nakita niya lang tong lalaking 'to mas nagmukha pang boyfriend niya.
"Tara na Minjae." sabi ni Taehyung at lumakad kasama ni Minjae at iniwan si Jungkook sa likod.
Nakaupo sila sa restaurant, naka-order na rin sila kaya inaantay nalang nilang dumating ang pagkain nila.
Kanina pa siya na a-outcast si Jungkook dito sa kanilang dalawa kasi panay sila tawanan at kwentuhan tungkol sa mga pinagsamahan nilang dalawa noon.
Dumating na ang order nila, habang nag kwe-kwentuhan sila Taehyung at Minjae kumakain naman si Jungkook ng tahimik.
"Jungkook, alam mo ba si Minjae dati hindi siya marunong maglaro ng basketball, grabe!" sabi ni Taehyung at tumawa.
"Hoy! grabe ka naman, marunong ako noh." sabi ni Minjae at nagtawanan silang dalawa.
Hindi na talaga kaya ni Jungkook yung pag ka outcast niya dito, para bang hangin nalang siya dito, kaya tumayo siya at napukaw niya ang atensyon ng dalawa.
Akmang aalis na sana siya pero tinawag siya ni Taehyung.
"Jungkook, san ka pupunta?" tanong ni Taehyung.
"Kausapin mo nalang ako kapag hindi na ko display sa inyong dalawa." sabi ni Jungkook at lumabas na ng restaurant.
Hinabol naman siya ni Taehyung pero hindi niya na ito makita.
"Sorry Minjae, aayusin ko lang muna 'to." sabi ni Taehyung at umalis na ng mall.
Hinayaan niyang si Minjae ang magbayad.
Nakarating si Taehyung sa bahay nila at saktong nakita niya palang si Jungkook na kakapasok lang pinto kaya tumakbo siya sa loob ng bahay.
"Jungkook! ano ka ba? bakit ka umalis don?" tanong ni Taehyung.
"Anong gagawin ko don? panoorin kayong nagtatawanan?" sabi ni Jungkook.
Habang nagtatalo sila hindi nila alam na pinapanood na sila ng parents ni Taehyung.
"Anong nangyayari?" bulong ni Taeya sa asawa niya.
"mukhang nagtatalo sila." bulong pabalik ni Junghyun.
"Bakit kasi hindi ka nagsasalita?" tanong ni Taehyung.
"Kasi mukha kayong masaya, anong silbi ko don? sirain yung pag uusap niyo?" tanong ni Jungkook.
"Jungkook nagseselos ka ba?" tanong ni Taehyung.
"Malamang Oo! Boyfriend mo ko!" sigaw ni Jungkook.
"Ang ayoko lang naman yung parang wala lang ako sayo! nakita mo lang yung kaibigan mo biglang naging invisible na kaagad ako sayo! wala na kaagad ako sayo!" pasigaw at galit na sabi ni Jungkook.
Biglang nasaktan si Taehyung sa sinabi ni Jungkook. Ganon na ba talaga ang tingi ni Jungkook sa kaniya?
Napansin ni Jungkook na unti-unti ng lumuluha si Taehyung, doon lamang siya kumalma at nagsisi na.
"Taehy--"
Hindi na niya natapos ang sinabi niya ng biglang tumakbo si Taehyung at pumasok sa kwarto niya.
Napahawak na lamang si Jungkook gilid ng noo niya, ngayon iisipin niya kung paano susuyuin si Taehyung.
"Jungkook, anak." sabi ni Junghyun kay Jungkook na nakatambay sa terrace nila.
"Po?" malumanay na sabi nito.
"Kamusta na kayo ni Taehyung?" tanong nito.
"Kanina ko pa po kinakatok sa pintuan niya, ayaw parin po ako pagbuksan." sabi ni Jungkook.
"Nadala lang naman po ako ng emosyon, nasaktan din po kasi ako kanina." sabi ni Jungkook.
"Alam ko, pero sana wag kayong matutulog ng mag kaaway, mas lalong lalala ang sitwasyon kung ganon." sabi ni Junghyun.
"Mamaya lalabas yun para uminom ng gatas, hindi niya yon nakakaligtaan." sabi ni Junghyun, tumango lamang si Jungkook.
Bumalik siya sa sala para maghintay, umupo siya sa sofa at sumandal.
Mga ilang oras ay bumaba si Taehyung galing sa kwarto niya para uminom ng gatas, kumuha siya ng baso at gatas na galing sa ref bago ibuhos ito sa baso niya.
Nagtataka siya kung bakit ang tahimik na ng bahay at wala parin si Jungkook, kaya pumunta siya sa sofa.
Nakita niya si Jungkook na nasa sofa at natutulog. Umupo siya sa tabi nito at pinagmasdan, sa totoo lang kahit siya nakokonsensya din sa ginawa niya. Talaga naman kasing na outcast niya si Jungkook.
"I'm sorry." sabi niya at sinandal ang ulo niya sa balikat ni Jungkook.
Habang natutulog si Jungkook ay naramdaman niyang may mabigat na nakapatong sa dibdib niya kaya naman tinignan niya kung sino iyon.
Nakita niya si Taehyung na natutulog at nakasandal sa kaniya, mahimbing itong natutulog kaya naman dahan-dahan siyang bumangon.
Pinalupot niya ang mga binti ni Taehyung sa baywang niya at binuhat ito, sinandal niya ang ulo ni Taehyung sa balikat niya na para bang ang binubuhat niya ay si Garnet o si Carl.
Habang naglalakad siya papunta sa hagdan ay biglang nag salita si Taehyung.
"I Love You, I'm sorry." sabi ni Taehyung bago nakatulog ulit.
Nang mailapag siya ni Jungkook ay humiga narin siya.
Iba parin talaga pag magkatabi silang matulog, at may kailangan pa siyang kausapin.