Chapter 20: Gwancheon

0 0 0
                                    

Nagliligpit na sila Taehyung dahil ngayon na siya makakalabas ng ospital, finally makakalabas na sila.

"Yung damit mo naiwan mo sa loob." sabi ni Taehyung at inabot kay Jungkook ang puting t-shirt niya na naiwan niya sa CR.

"thank you." sabi ni Jungkook at inilagay sa bag ang puting t-shirt niya.

Lumabas na sila ng ospital at dumeretso sa kotse ni Jungkook, pumasok sila sa loob ng kotse at nagsimula ng mag drive.

Biglang nag ring ang phone ni Taehyung, agad naman niya itong sinagot.

"Ma?" bati ni Taehyung sa kabilang linya.

"Taehyung, umuwi ka na dito." sabi ng nanay ni Taehyung.

"Ma, malayo layo pa yung pasko ah?" sabi ni Taehyung.

"may fiesta kasi dito satin, sige na lang naman anak?" pag mamakaawa ng nanay ni Taehyung.

"Taeya, hayaan mo nalang muna yang si Taehyung!" narinig ni Taehyung ang sigaw ng tatay niya.

"Ano ka ba Junghyun, kailangan niyang pumunta sa fiesta!" sabi ng nanay ni Taehyung.

Hindi naman mapigilan ni Taehyung na mapangiti habang pinapakinggan ang mga magulang niya na nagkukulitan sa telepono.

"Sige na anak, pumunta ka na." sabi ni Taeya.

"O sige ma, pupunta na ako." sabi ni Taehyung.

"Okay anak, next week na yung fiesta, ingat. mahal ka namin ni papa mo." sabi ni Taeya.

"Okay ma, ako din love ko kayo." sabi ni Taehyung at binaba na ang telepono.

"mukhang parents mo ah." sabi ni Jungkook habang nag dra-drive.

"Hmm, kailangan kong pumunta sa gwancheon para sa fiesta." sabi ni Taehyung.

"kelan ka aalis?" tanong ni Jungkook.

"You mean 'tayo'." sabi ni Taehyung.

"Kasama ako?" tanong ni Jungkook.

"Siyempre, next week aalis na tayo." sabi ni Taehyung.

"Okay, mami-meet ko na rin parents mo." sabi ni Jungkook.

"Bakit ba gusto mo silang ma-meet?" tanong ni Taehyung.

"Wala." sabi ni Jungkook at hinawakan ang kamay ni Taehyung at nagfocus na ulit sa pagmamaneho.

Nakarating sila sa bahay ni Taehyung, agad naman nag dive in sa kama si Taehyung.

"Namiss ko to!" sabi ni Taehyung at niyayakap ang unan niya.

"Ako nga namiss kita." sabi ni Jungkook at binaba ang gamit ni Taehyung.

Humiga siya sa tabi ni Taehyung at tintitigan ito, kahit kailan hindi siya mag sasawang titigan ang napakagandang mukha ng boyfriend niya.

"Thank you." sabi ni Taehyung at ngumiti.

"Para saan?" sabi ni Jungkook.

"Kasi inalagaan mo 'ko, thank you." sabi ni Taehyung at kiniss ng saglitan si Jungkook sa lips

"I love you." sabi ni Jungkook.

"I love you too." sabi ni Taehyung.

"Ano ba magandang gawin?" Tanong ni Taehyung.

Bigla namang niyakap ni Jungkook si Taehyung at hinalikan ang tenga nito.

"Ganito." sabi ni Jungkook.

"Jungkook." sabi ni Taehyung.

"Na-miss kita." malambing na sabi ni Jungkook at pinagpatuloy ang paghalik sa tenga ni Taehyung.

Change || Kth•JJkWhere stories live. Discover now