Nagising si Taehyung at Jungkook dahil sa ingay na naririnig nila sa labas ng kwarto nila, kahit na malaki ang bahay ay maingay padin.
"10pm palang." sabi ni Jungkook at kinuskos ang mata niya dahil medyo malabo pa ito dahil kagigising niya palang.
"Good Morning." sabi ni Taehyung at ngumiti bago hinalikan si Jungkook sa pisngi, ganoon din ang ginawa ni Jungkook.
Nag sipilyo sila at nag palit ng damit, sabay silang bumaba.
Nakita ni Taehyung ang mga pamangkin niya sa mga pinsan niya, nag iisang anak man siya pero mayaman naman siya sa mga pinsan.
"Taehyung!" bati ni Rachelle.
"Oy! musta?" bati ni Taehyung.
"Ayos lang, sino yon?" tanong ni Rachelle at pasimpleng tinuro si Jungkook gamit ang nguso niya.
"Ah, si Jungkook yon boyfriend ko." sabi ni Taehyung.
"Ang gwapo ah." sabi ni Rachelle at ngumiti.
"Manahimik ka nga, may Gab ka na." sabi ni Taehyung.
"Speaking of Gab, nasan siya? kasama mo?" tanong ni Taehyung.
"Nandon sa sala, inaalagaan si Carl." sabi ni Rachelle.
"Ah si Carl, nanganak ka na pala." sabi ni Taehyung at tumango naman si Rachelle.
"Mag almusal na kayo don." sabi ni Rachelle.
"sige. Jungkook, halika na." sabi ni Taehyung, lumapit naman si Jungkook sa kanya at dumeretso na sa dining room.
"Maupo na kayo, kumain na." sabi ni Taeya.
"Fried rice gusto mo?" tanong ni Taehyung, tumango naman si Jungkook kaya nilagyan niya ito ng fried rice sa plato.
"Thank you." sabi ni Jungkook at hinalikan si Taehyung sa pisngi.
"Welcome." sabi ni Taehyung at kumain na rin.
"Ang cute niyong dalawa." sabi ni Janna, habang kumuha ng piraso ng ham.
"Janna, wag kinakamay ang pagkain." sabi ni Taeya.
"Sorry po." sabi ni Janna.
"Good morning, Taehyung." sabi ni Janna.
Ayaw ni Taehyung na tinatawag siyang Tito, kasi pangmatandan daw kaya mismong name niya nalang pero kahit ganon ay nirerespeto siya ng mga pamangkin niya.
Natapos silang kumain kaya naupo sila sa upuan sa may pool sa likod ng bahay nila.
Magkatabi si Taehyung at Jungkook habang pinapanood ang mga pamangkin ni Taehyung at pinsan na naliligo sa pool.
Biglang lumapit sa kanya si Rachelle, kinalabit siya nito.
"Taehyung." sabi nito.
"oh?" respond ni Taehyung.
"paki bantay naman saglit si Carl may bibilhin lang kami ni Gab." sabi ni Rachelle.
"Para sa fiesta ba yan?" tanong ni Taehyung.
"Oo eh." sabi ni Rachelle.
"Sige, akin na." sabi ni Taehyung kaya binigay na sa kanya si Carl.
"Thank you, yung gamit niya nasa sala pati gatas niya andon." sabi ni Rachelle at umalis na.
Karga-karga ni Taehyung si Carl, 1 year old palang ito at chubby siya kay siya lagi ang pinanggigigilan.
"Hi Carl, pataba ka ng pataba ah." sabi ni Taehyung at hinalikan si Carl sa pisngi.