Chappy 12: Is this TRUE?Mikee's POV
OMG! Excited na si aketch!! A day with Mark? Paano ko makakalimutan iyon? Siguradong matatameme ako mamaya sa oras na makaharap ko siya ng FACE-TO-FACE!
"Thank you kuya at pinayagan mo ako!" Tuwang tuwa ako kasi pinayagan ako ni Kuya.
"Basta wag kang uuwi ng matagal ha bunso?" Tumango lang ako habang iniisip ko kung ano ang mangyayari saakin mamaya.
"Bye Kuya! Promise uuwi ako ng maaga. Thank u!" Agad agad akong lumabas at nakita ko na yung kotse ni Mark. Nagwawave pa siya saakin."Mikee!" *kaway kaway* OH-MY-GOSH! para siyang prinsipe na hinihintay ako sa labas ng palasyo namin. My gosh!
"Hi Mark! Good evening." Then nginitian ko siya. Napaka awkward..hindi panaman kami close.
"Halika na." Then binuksan niya yung pintuan ng kotse then pinapasok na niya ako.
"Thanks.." Nahihiya ako dahil napaka gentleman niya tas ang cute pa niya. Samantalang ako eh pangit nmn ako..nerd pa.
"Waahh Miss Nerd ang lampa mo!" Shemz naalala ko nanaman yung sinabi ni David saakin. Sinabi niya yan noong natapilok ako.
Friday. .*iling iling* I should'nt think about that! Nakakainis lang siya."Ayos ka lang ba Mikee?" Waah!!"O-oo naman Mark o-okay lang ako." Bigla siyang lumapit saakin.My gas! WHAT SHOULD I DO!!??
"M-Mark..." napatingin siya saakin."Huh?" anong 'huh'? "A-ano bang ginagawa mo?" Nagbago bigla yung expression niya at parang nagtataka dahil sa tanong ko.
*Click*
Ngeh...Yung seatbelt lang pala...kahiya...."Hahaha" tumawa siya ng mahina kaya mas lalo paakong nahiya."Mark naman eh.." mas lalo pa siyang natawa. Siguradong pulang-pula na yung mukha ko dahil sa hiya.
Kainis naman siya! Tinatawanan niya lang ako. Hawak pa niya ang tiyan niya. Oo ako na ang assuming kainis nmn.
"Bababa nalang ako." Tapos nag action naakong lalabas sa kotse nang bigla niyang hinawakan yung kamay ko.
"Hey teka lang. Grabe nagtampo ka agad? Ang cute mo". Nambola pa."Binobola mo pa ako. Haisyh". Bigla niya akong hinila papasok sa kotse. "Wag ka nang magtampo Mikee." Para paakong baby na pinagsasabihan ng tatay.
"6:00 na Mark.Kanina pa tayo nasa labas oh. Hindi pa tayo nakakapunta ng park."
"Ay oo nga noh! Nakuu nakalimutan ko."
"Ano ba kasing gagawin natin doon?" Curious ako eh.
"Hayy pupunta lang nmn tayo dun kasi manonood tayo ng fireworks."
Weh?? May fireworks pala dun ngayon? Hindi ko alam yun ha.
"Talaga? Anong time mag iistart?"
"Mga 6:30 pm." Malungkot niyang sabi saakin.''Makakahabol pa tayo Mark,Huwag kang malungkot."
Sus! Makakahabol pa nmn kami noh.
"Let's go!" Masigla kong sagot sakanya. Bigla namang nagningning yung mata niya."T-talaga?"
"Oo nmn makakahabol pa tayo noh"
"Your right"
Agad niyang pinaharurot yung kotse niya. Hmm time check...6:15 pm...ayos lang yan.OMG time is running! Malapit na ang time ng pagstart ng fireworks.! Napansin agad iyon ni Mark kaya mas binilisan pa niya ang pagdrive ng kotse niya.
-------------------------------------
*BOOM! TSUUNG!* tunog ng mga fireworks.
"Yes! nakahabol tayo!" Masayang masaya si Mark habang pinapanood namin ang mga nag gagandahang fireworks. Napangiti rin ako..mas lalo siyang naging cute tingnan.Masaya siya ngayon."Umm Mark."
"hm?"
"Mahilig ka pala sa fireworks?"
"Yep. noong bata pa kasi ako, kapag magkakasama kami nila mama at papa lagi kaming nanonood ng fireworks..kaya kapag nanonood ako ng fireworks..lagi ko silang naaalala kaya sumasaya ako."
Grabeh."Mark,nasaan yung mga magulang mo?" Pagkasabi ko nun nag-iba yung expression niya..nalungkot yung mukha niya. Napatingin siya sakin. "My parents died when I'm 13 years old.Because of an accident." Nalungkot rin ako dahil sa sinabi niya.How sad nmn.
*BOOM! BOOM!* (fireworks po yan ha. *hehehe*)
"It's so colorful right?" Tumango lang ako dahil sa ganda ng fireworks.Colorful nga.I feel relaxed kaya ipinikit ko ang mga mata ko habang pinakikinggan yung mga tao sa paligid,at yung tunog ng fireworks.
I leaned on Mark's shoulder while enjoying the fireworks.Naramdaman kong niyakap niya ako."You're so beautiful Mikee." Napadilat ako at napatingin sakanya,nakatingin lang siya saakin.
Tameme si aketch at walang masabi dahil super lapit ng mukha namin.
*DUG-DUG...DUG-DUG..* my gosh...FACE TO FACE kami ngayon at mas lalong bumibilis yung tibok ng puso ko.
"Mikee..." WAAAHHH!! ang cute niya!!!!! My gosh! ANO ANG SASABIHIN NIYA?!
"B-b-bakit M-Mark?" Sheezz...-~- sinasabi ko na nga ba mauutal ako eh!
Mas nilapit pa niya ang mukha niya.
"I like you,Mikee".
O_O < ME? ayan dilat na dilat ang mata at speechless.
Seryoso siyang tumingin saakin."Mikee...I wanna ask you...May I court you?"
O/////O < Namula ako at dilat na dilat parin ang mata ko.Totoo ba toh? As-in SERYOSO SI MARK?
"H-ha?...ah eh.." Nag aalangan kong sagot.
"It's okay...alam kong biglaan tong nangyayari." Then ngumiti lang siya at niyakap ako ng mahigpit."Ayos lang kung tatanggi ka ngayon...pag-isipan mo muna yung sinabi ko."
OH MY GOSH....PAPAYAG BA AKO? GOD! HABA NG HAIR KO!
*ABANGAN*
A/N: VOTES AND COMMENTS PLS.
![](https://img.wattpad.com/cover/21718182-288-k94817.jpg)
BINABASA MO ANG
Hate this Feeling (Slow update)
Novela JuvenilAlam mo yung feeling na inis na inis ka sakanya? Yung lagi ka niyang inaasar at inaaway? Yung feeling na parang gusto mo siyang ihulog sa bangin pero di mo magawa? At narealize mo na... Nahulog ka na pala sakanya? I hate this feeling! -Hime Kaze- L...