Chapter 25:Welcome Home!

47 8 2
                                    

(Si Henry po pala kung nakikita nyo >>>>)

Chappy 25:Welcome home!

Mikee's POV
Baliw talaga na Kapal yun ah niyayakap ako without permission!

"Hoy Kapal!"

"Bakit gusto mo pa?" Nagsmirk siya saakin at tumalikod ulit. Sa inis ko tinapon ko sakanya yung bottle ng tubig ko,nasa gilid lang kasi yun ng bag ko.

*bogsh!*

Saktong tumama yun sa likod ng ulo niya.

"Aray!" Humarap siya saakin at galit akong tinitigan,binelatan ko siya."Ble,yan ang bagay sayo!"Hindi niya nalang ako pinansin at mabilis na nakipag-unahan sa bus.

Nagmadali din akong tumakbo. Pagpasok ko sa bus umupo na ako dun sa 2 seats sa may gilid ng bintana ako pumwesto. Nilagay ko muna yung bag ko sa taas at umupo ulit.

Pumasok narin yung mga kagrupo namin. Kinuha ko ung phone ko sa bulsa at ini-on yun. Pagtingin ko maraming txt messages galing sa classmates ko pero karamihan galing kay Kuya,may 115 missed calls na rin siya. Lagot talaga ako kay Kuya nito! >_<

Kaagad ko siyang tinawagan,buti may load pa ako.

*rring rrring*

"Hello Kuya?"

"Ba't ngayon mo lang sinagot ang Tawag ko! Alam mo bang nag-alala ako sayo!"

"Kuya chill lang okay? Ayos lang ako at papauwi na kami ngayon."

"Haay mabuti naman kung ganun,malalagot ako kay Mama at Papa nito kung may nangyaring masama sayo eh!"

"Sorry talaga Kuya kung hindi kita nasagot ha. Naka-off kasi yung phone ko eh."

"Okay,basta sa susunod dapat itext mo ako para di na ako mag-aalala sayo okay?"

"Okay Kuya,miss na kita Kuya!"

"Heh! Pa sweet sweet ka jan,O sige Miss na rin kita Ba bye!"

"Hahaha okay ba bye Kuya!"

"Mag-iingat ka jan ha?"

"Okay Kuya thank you!"

*call ended*

Nilagay ko na ulit sa bulsa ko yung phone.

"Guys listen!"

Napatingin naman kami kay Ma'am na nasa gitna ngayon.

"Siguraduhin niyong wala kayong nakalimutan na gamit ha?"

"Yes,Ma'am!"

Siguro wala na kaming naiwan kasi walang bumaba or anything.

"Okay,ilang segundo nalang aalis na tayo."

Hinintay muna namin yung driver,bumaba kasi umihi muna.Pagkapasok nung driver umandar na kami. Excited na akong umuwi sa bahay,na miss ko yung kama ko.

Habang busy ang iba sa pagchichika nakatunganga lang ako sa bintana at nagmuni-muni.

Wala akong katabi. Kaya bored ako. Bigla nalang may umupo sa tabi ko.

"Haha! Napagalitan ka ng Kuya mo noh!"

Tsk.Kapal Alert! @_@
Tiningnan ko siya ng masama.

"Konti lang naman."

Yung bag niya nilagay niya sa taas at umupo sa tabi ko.Tiningnan ko siya ng nagtataka. Komportable siyang nakaupo at nilagay ang kamay niya sa likod ng ulo niya at sumandal doon.

Hate this Feeling (Slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon