Chapter 18:Getting Closer

63 8 2
                                    

Chappy 18:Getting Closer

(Pic ni David>>>>>>>>>>)

*Toink Toink Toink*

Arghh sino ba yang pumipindot ng pisngi ko? Nakakairita,inaantok pa ako .

"Ano ba..inaantok pa ako kaya pwd ba itigil mo yan."

Tumagilid ako tsaka hnd pinansin yung nangugulit saakin. Para siyang si lola,lagi kasi akong kinukulit ni Lola at pilit akong pinapabangon sa umaga.

*Toink Toink Toink*

"ARGH! Kanina kapa huh! Inaantok pa ako diba?!"

Kaya bumangon naako at tiningnan kung sino yung nangungulit saakin.

"Kaya naman pala.."

Nag-inat na muna ako bago tumayo.

"Anong ibig mong sabihin sa "kaya naman pala." huh? Kanina pa kita ginigising. Tulog mantika."

Si Nerdy Nerd lang nmn yung kanina pa nangungulit saakin. Bagay silang dalawa ni Lola.

"Hindi ako tulog mantika okay! Kahapon kasi.."

Napatigil ako at nilingon ang side ko.

"Mas nauna siyang bumangon kaya tulungan mo na siyang maghanap ng kahoy doon."

"Ah..okay"

Niligpit ko na yung banig at kaagad na pumunta sa gubat.Naglakad na muna ako para maghanap ng kahoy.Madali lang ito kumpara sa paglilinis ng mga pinggan at sa labas. Nakakuha na ako ng kahoy pero hindi ko parin nakikita si Jeff.Nasaan na kaya siya? Baka nakabalik na yun sa camp site.Wala pa kaming nagagawang activity katulad ng pagkakapanalo laban sa GROUP B na nasa kabilang side nitong camp.

Pagkarating ko sa camp binigay ko na yung mga kahoy na panggatong at umupo muna sa gilid ng puno.Nakakapagod palang kumuha ng mga kahoy kung ikaw lang mag-isa.Ang sakit na ng braso ko pati na yung likod ko.

"Buti't nakabalik kana Mr.Espuerta."

"Ma'am nasaan po pala si Jeff?"

"Ah nandun na siya sa loob kasama yung mga kaibigan niya."

"Okay."

Pumasok narin ako sa loob ng isang lumang bahay.Doon kasi sila nagluluto ng pagkain,may bahay pala dito sa gubat at merong may-ari ng lugar na ito pero nakapag-usap na sila ng mga guro pati yung principal kaya pumayag nmn ito.

"Oh anjan ka lang nmn pala Kapal.Tulungan mo naman akong ayusin itong pinggan."

"Ayoko.Baka mabasag pa yan."

"Hahawakan mo lang nmn itong pinggan then ilalagay mo dito sa--

"Oo na oo na."

Lumapit na ako atsaka ko siya tinulungang ilagay yung mga pinggan at baso sa lalagyan.Natapos naman kami kaya lumabas na muna kaming dalawa.Sabay kaming pumunta sa tent namin at doon na muna kami nagpahinga.

"Hindi ka pa naliligo noh!" -Nerdy nerd

"Eh ano naman!" inamoy ko nmn yung damit ko pati narin yung kili-kili ko.Natawa nmn siya sa ginawa ko.

"Hahahaha,talagang ang kapal ng mukha mo at hindi ka pa nahiyang amuyin yan sa harap ko."

"Eh masanay kana. Tsaka hindi kapa naliligo noh?"

"Halata pala?" Kaagad niyang kinuha yung salamin niya sa bag atsaka tinignan ng mabuti yong itsura niya.

"Oo naman."

"Ngee...ang gulo pala nung buhok ko.Kainis nmn oh."

*Brrrrtt* (sound effect po yan ng tiyan niya)

Natawa ako ng biglang tumunog yung tiyan ni Nerd.Namula naman siya tsaka tinakpan yung tiyan niya.

"Kawawa ka nmn pala--

*Brrttt*

Yikes..hehe tumunog rin yung tiyan ko.Natawa rin siya kaya nainis ako.

"Bwahaha! Kanina pa ako gutom noh! Akala mo ikaw lang ang magugutom huh!"

"Aba malay ko bang tutunog yung tiyan ko.Naman oh".

Ginulo ko yung buhok ko.

"Hey Nerd.Anong niluluto nila dun?"

"Rice and ang ulam natin ay Vegetables na may isda."

akala ko pa nmn eh may manok.Pero nung narinig ko yun mas nagutom tuloy ako.

"Halika na,siguradong tapos na yung niluluto nilang pagkain."

Kaagad naman akong tumayo at lumabas ng tent.Gutom na talaga ako.Buti nmn at tapos na silang magluto.

Naupo na kami at nagsimula nang kumain.

"Okay GROUP A may challenge na magaganap between Group A and Group B kaya magready na kayo ng pang cheer niyo okay?"

"Yes Ma'am!"

Hayy 2nd day namin ngayon sa camp kaya dapat manalo kami dahil 5 days kaming magtatagal dito. Sino kaya ang may best cheer mamaya? Sana manalo kami.

VOTES AND COMMENTS PLEASE. ARIGATO GUSAIMAS!

Hate this Feeling (Slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon