Chapter 17:Jeff and David

57 7 2
                                    

Chappy 17: Jeff and David

            Mikee's POV

"Eh hindi naman pala bagay yung nasusunog eh kundi yung bonfire."

Kaagad na kaming lumapit sa mga kagrupo namin.

"Saan ba kayo nanggaling at ang tagal niyo ha. Tingnan niyo oh nakagawa na kami ng apoy." Singhal ni Joy saamin.

Hindi ko na siya pinansin at umupo naako sa tabi nila. Ganon ba kami katagal sa paghahanap ng lighter ni Kapal? Grabe naman yata yun..ang bilis nila ha. Tsk.

"Ba't ang tagal niyo kanina Jeff?" Tanong ni Ma'am kina Jeff. Oo nga noh. Ba't ang tagal naman yata nilang dalawa kanina. Ano kaya ang ginawa nila?

"Nag CR lang nmn kami kanina. Yun lang." Confident na sagot ni Jeff.

"Anong nag CR? Eh yung CR natin eh malayo sa tent niyo." Sagot ni Mae.

"Siguro masyado lang kaming mabilis at ang bagal niyong nakarating." Sagot ni Jeff.

"Hindi niyo kami maloloko noh! Tsaka bakit nagtatawanan pa kayo kanina?" Si Joy

"Eh kasi na feel releived na kami." Ngayon si Joel na ang sumagot.

"Ang lakas ng tawanan  niyong dalawa noh! Eh parang may topak nanga kayo sa ulo eh." Sabi ni Jesson.

Bigla nalang tumayo si Kapal.

"At bakit sa mga oras na yon ay nawawala yung lighter ko ha!"

Kaagad niyang kinuwelyuhan si Jeff kaya kaagad namin silang inawat.

"Ano ba boys itigil niyo nga iyan!" Singhal ni Ma'am sa kanilang dalawa.

Pero mukhang walang pakialam si Kapal at galit paring nakatingin kay Jeff.

" Nasaan yung paborito kong lighter ha!" Muli siyang lumapit kay Jeff pero tinulak siya ni Joel kaya napahiga siya at nilapitan ko siya tsaka pinatayo.

"Bakit kasi may dala kang lighter huh?,naninigarilyo ka ba?" Tanong ko sakanya.

Tinabig niya yung kamay ko at galit na tiningnan si Jeff.

"Nasaan yung lighter ko!" Galit at may diin na sabi ni Kapal.

Nag smirk lang si Jeff at may tinuro.

"Nandiyan oh..sorry kung napili kong paglaruan yung lighter mo dude." Nakangising sagot ni Jeff.

Sinundan ko ng tingin yung tinuturo niya. Yung...apoy.

        

               David's POV

Bullsh*t na Jeff yan ha! Sinunog niya yung lighter ko! At dahil jan magbabayad siya.

Nilapitan ko siya at buong lakas ko siyang sinapak sa pisngi.

"Hoy! Ano ba! "

Inawat kami ng mga kagrupo namin.

"I'm so confused boys..now follow me in the office. You'll receive your punishments." Utos ni Ma'am saamin kaya sumunod nalang ako.

Nakasunod lang kaming dalawa kaya nasa likod kami ni Ma'am.

"Bakit mo ginawa iyon Jeff? Alam mo bang paborito ko ang lighter na iyon? Tapos sinira lang ng isang kagaya mo?" Hindi niya ako sinagot hanggang sa nakarating na kami sa office.

Pinaupo kaming dalawa at tahimik na nakikinig sa utos ng Principal.

"Hindi ba't pinagbabawal ang pag aaway dito? Haynaku! ang parusa niyo ay ang matulog sa labas mamaya at bukas kayong dalawa ang maghahanap ng mga kahoy sa gubat."

"Di po ba't mapanganib iyong pinapagawa niyo sa kanila Ma'am?"

"Ano pa ba ang ipapagawa ko sakanila?"

"Uhh..eh kung silang dalawa nalang ang maghuhugas ng plato at maglilinis sa labas.."

"Mas pipiliin ko pang maghanap ng kahoy na panggatong at matulog sa labas kesa sa naisip niyo Ma'am Farmiga." Walang gana kong sagot sakanya. Tumango nmn si Ms.Principal.

"Payag rin ako." sang-ayon nmn ni Jeff.

---------------------------------------------

Pinalabas na kami pagkatapos nung pag uusap.

"Talagang ayos lang na matulog kayong dalawa dito sa labas huh? Baka magka dengue kayong dalawa o di kaya eh may mabangis na hayop ang umatake sa inyo."

Alam kong nag aalala lang si Ma'am saaming dalawa pero ayos lang nmn talaga yun kesa sa maghugas ng plato at maglinis sa labas.

"Ma'am wag na kayong mag-alala saamin,malalaki na kami." Ano bayan napaka awkward naman nito at mukhang siya pa yung nanay namin.

"O,sige basta mag iingat kayo at stay alert ha." Tumango lang kaming dalawa.

Pagkatapos nun umalis na si Ma'am at naiwan kaming dalawa na busy sa pag aayos ng mahihigaan namin. Marami ngang lamok dito sa labas.Pagkatapos kong ayusin yung akin eh agad na akong humiga.

"Argh! ang kati kati naman!" Bumangon ako at kamot ng kamot.

Hindi pala siya nakatulog at tahimik na nakatingin sa mga bituin. Parang hindi nakakagat ang isang ito ah.Tumingin rin ako sa langit...ang ganda ng mga bituin..kitang-kita sila dito sa pwesto namin.

"Gusto mo ba siya? Kung hindi eh sabihin mo na." Bigla nalang siyang nagsalita kaya napalingon ako sakanya.

"Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong ko sakanya.Nakatingin parin siya sa langit.

"May gusto ka ba kay Mae?"

"Mae?" Napaisip nmn ako,bakit napunta ang usapan kay Mae?

"Dahil ako,gusto ko siya...hindi..MAHAL KO SIYA." Natawa pa siya nung sinabi niya iyon.Napaka dramatic niya nmn.

Nakakaloko,may gusto pala siya kay Mae.

"Edi ligawan mo na at baka maunahan ka ng iba jan.." Suggest ko sakanya.

Kaagad siyang humiga at tumagilid.

Humiga nalang ako at nagtaklob ng kumot tsaka pilit na pinikit yung mga mata ko hanggang sa nakatulog naako.

a:n/ VOTES AND COMMENTS PLEASE.

Hate this Feeling (Slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon