Merry Xmas Pres

644 24 2
                                    

CHAPTER VI

“Merry Christmas and Happy New Year, Mine”

            Walang imik habang nagdadrive si Brix. Naiinis kasi siya kapag sinasabi ng lalaki na toy niya ito. Ganun ba talaga siya kagustong pagtripan ng lalaki? Hanggang kalian? Hanggang nasa apartment siya nito. Akala niya ok na, Brix always tells her that word but she don’t want to believe it. Kahit naiinis ay ipaghahanda niya ng pagkain si Brix. Yun ang pagkakapareho nila, mahilig silang kumain.

            “Ang bango ha? I’m starving.” Wika ni Brix..

            Nagbago ang mood ng lalaki, kung kanina ay bad mood ito ngayon nakangiti na at gaya ng dati ay Nakatopless na naman ito, madalas ay ganun ang itsura niya pagkatapos maligo

            “Wow, sexy ka pala kapag ganyan?”

            “Brix!” ngayon lang siya nagshorts, wala siyang choice, hindi pa siya nakalaba.

            “But don’t dare to go out with that outfit.Dito sa loob ng apartment ka lang pwede magshorts.” Sabay tawa nito.

            “Napaka ewan mo. Stop joking.” Sabi nito.

            “Ilang ulit ko bang sasabihin, I’m not joking mine.” Sagot ulit nito.

            “Mine, mine ka diyan. Gf mo ba ako? Nanligaw ka na ba?”

            Tumawa si Brix. “So, yun pala. You want me to court you first? Fine, I’ll do it para lang maging Villamor ka na.

            “Ewan ko sa iyo, Villamor? May Joyce ka pa nga  eh?”

            “Selos ka noh?”

            “Mukha mo!” sigaw nito.

            Tawa lang ni Brix ang narinig niya. Tahimik lang sila habang kumakain, alam niyang nakatitig lang sa kanya si Brix, naaasiwa tuloy siya dito.

            “Ano ba Brix, huwag mo nga akong titigan ng ganyan. Nakakaasiwa na talaga.” Himutok nito.

            “Maghanda ka para bukas, pupunta na tayo kina ate.” Wika nito

            “Kay  Ma’am Elaine?” ulit ni Rvy.

            “ATE Elaine.” Madiin na wika ni Brix.

            “oo nga, ate mo.” Tuloy ni Rvy.

            “Natin!” tinignan niya ng matalim ang babae. “Doon tayo magcecelebrate ng Chritmas.”

            “Christmas?” ulit niya.

            Tumango si Brix. “May regalo ka na ba sa akin?”

            Kaunti lang ang ipon niya, kailangan pa niyang bumili ng regalo para sa tiya niya at sa kapatid ng lalaki.

            “here.”                                                                                           Inabot ni Brix ang isang sobre. “sahod mo yan.”

            “Sahod? Brix naman. Libre na nga ang pagstay ko dito, hindi ko yan matatanggap.” Sagot ni Rvy.

            “Basta kunin mo or else sasabihin ko sa buong school na live-in na tayo.” Nakangising wika nito.

The President is my MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon