CHAPTER I
Semestral break na nila, mabuti na lang at tinawagan siya ng kanyang tiya para maging yaya at tutor ng anak ng amo niya. Nakaimpake na siya ng ilang damit para sa biyahe.
"Siya si Rvy ma'am."
"Kumusta po." Bati niya sa babae. Sa tingin niya ay nasa late 20's lang ito .,
"I'm Elaine, and this is my daughter Marriane." Pakilala naman ng babae. " She will be your yaya and teacher for this semestral break."
Ngumiti ang bata sa kanya. "Helo po ate."
"Helo, napakaganda mo naman." Puri niya dito. "Para kang manika."
"talaga po? Sabin g tito ko para daw akong nuno sa punso." Sagot ng bata.
"Huwag kang maniwala sa kanya, you're beautiful."
"Mukhang magkakasundo kayo ni Marriane." Wika ng amo nito.
Inayos muna niya ang mga dalang damit. 2 weeks din and semestral break nila, consistent dean's lister siya at kung papalarin ay running for magna cumlaude pa siya. Siya din ang President ng student council nila.
"Paano kaya kapag nalaman nila na isa akong yaya?" wika nito sa sarili.
Kilala siya bilang striktong president sa kanilang school at alam niyang maraming naiinis sa kanya dahil lahat ng patakaran niya ay against sa mga pasaway na mga lalaki at babae sa kanilang school at sa mga mayayamang parating nakataas ang kilay sa kanilang mahihirap.
"Ate Rvy?"
"Pasok ka Marriane, may kailangan ka?" tanong nito.
"Tapos ka na bang mag-ayos? Magmeryenda na muna tayo." Yaya nito sa kanya.
Sumunod siya sa bata, itututor niya ito sa English at math. Mabuti na lang at mabait itong bata, mas madali sa kanya ang turuan ito.
"Ate, talaga bang ganyan ka manamit?"
Ngumiti ito. Nakamaong ito at t-shirt lang.
"Mas comfortable kasi ako." Sagot niya dito.
"Si Ate Lorraine ang class manamit, madalas naka high heels at make up kahit sa bahay nila."
"Lorraine?" wika niya sa sarili
"Pero maganda ka pa rin ate kahit ganyan ang suot mo."
"Salamat." Sagot niya dito.
Madali naman niyang napalagayan ito ng loob, madalas ay garden sila namamalagi, minsan ay sa may lawa malapit sa talon. May maliit na bahay doon na ipinatayo. Isang linggo na rin siyang naroon madalas ay isinasama din siya sa pamamasyal ng mag-ina.
"May boyfriend ka nab a?" tanong ni Elaine sa kanya.
"Naku ma'am wala pa po." Sagot niya dito.
"Kahit si tito ay wala ding girlfriend, pero madalas nakasunod si ate Lorraine sa kanya."
"Marriane?" saway ng mama nito. "May younger brother ako, siya ang susunduin natin sa pier. Napagalitan na naman kay papa kaya minabuting dito pumunta."
"Parati na naman akong aasarin ni tito. Pagtritripan na naman ako nun mama." Wika ni Marriane.
Mahigit isang oras na rin sila sa may pier na naghihitay.
"Hi sis!"
"Akala ko ba ay alas otso darating ang sasakyan mo?"
"Well, nagkaroon ng aberya." Sagot ng lalaki.
"Marriane!"
Napamulagat si Rvy.
"Tito sungit." Sigaw ng bata dito.
BINABASA MO ANG
The President is my Maid
RomanceMeet my boss... Sutil, pilyo, asar, makulit, hard-headed. Para tumira ako sa kanya kailangan pa niya akong i-blackmail. Matatagalan ko ba ang makasama siya?