Kasal na ba sila?
Kasal na ba sila?
Kasal na ba sila?
Andito na ako sa loob ng plane.... Taking off.... Bakit ba hindi ko naamin na mahal ko siya... Na mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. Na kailangan ko siya... Ang tanga ko talaga, kung sinabi ko ba may magbabago????
Susundan kaya niya ako???? Bakit pa ba ako umaasa sa isang bagay na hindi na mangyayari.... Paano niya ako masusundan??? Paris... Sa Cebu lang naman ako pupunta at magpapalipas ng oras.
Alam niyang susunod doon si Brix kapag nagkataon... Just an hour of travel... Kapag namiss niya ang anak niya.... Inioff na din niya cp niya... Airplane Mode.... Ayaw niyang makasagap muna ng kahit anong balita.
-Brix-
(30minutes ago)
Kahit papaano ay may malasakit pa din pala si Darlene... Now she sets me free... Pero saan ko pupuntahan si Rvy... Ayaw magsalita ni Anie...
"Austene...."
"Paris... Iyon ang sinabi niya." sagot nito.
"Kung ako si Rvy hindi ako pupunta doon... Malayong biyahe kapag namiss ko ang anak ko." si Zach
"May point si Zach... Malamang andito lang siya sa Pilipinas ..." si Rence...
"Ilan ang isusushol mo sa akin para sabihin ko kung asan siya?" Nakangising wika ni Darlene. "Someone sends me a photo... Xerox copy lang ba ni Rvy iyon???"
Agad siyang tumayo at lumapit dito.
"Tell me...."
Nag isip ito....
"Make sure na ninong at ninang kayo ni Rvy ng baby ko...."
Napangiti ito.
"Deal."
"Here...." iniabot ni Darlene ang phone niya... " Mas mabilis ba private plane sa passenger plane???
-Darlene-
Nagpapagood samaritan ba ako?? Malamang. Linulubos ko na. Kung hindi naman kasi ako bad sa love story nila malamang tapos na ito. Pero ito talaga role ko eh....
Ayoko naman talagang maging hadlang sa kaligayahan nila. Lalo na at may anak na silang dalawa.... Alam ko ang pain na lumaki ng wala ang papa ko sa tabi ko. At gumaan naman talaga ang pakiramdam ko ngayon.
"Malamang nasa airport pa yun ngayon." wika ni zach...
"wait..." nagdial ng phone si Darlene.... "Hello... pinsan."
"Ate Len"---
"Sa airport pa kayo???"
"Oo ate. Why?"---
"Well... Im helping someone .... My future husband sana kaso inayawan ko."
"Hindi tuloy ang kasal niyo ni kuya Brix ate???---
"Yeah... Buti nakilala mo si Rvy kahit nakadisguise siya???
'Syempre naman ate... Fan niya ako. Lalapit sana ako para kumuha autograph eh?"---
"Dont worry, sa pagpapadala mo ng picture sa akin hindi lang autograph makukuha mo soon. Thanks pinsan. Ingat ka." paalam ni Darlene. Tinignan niya si Brix. "Ano pang tinatanga-tanga mo???"
Nagtawanan sila sa sinabi ni Darlene.
"Kapag hindi ka pa umalis baka di mo na makita.... Mahirap maghanap ng babaeng nagtatago" wika ni Zach
BINABASA MO ANG
The President is my Maid
RomanceMeet my boss... Sutil, pilyo, asar, makulit, hard-headed. Para tumira ako sa kanya kailangan pa niya akong i-blackmail. Matatagalan ko ba ang makasama siya?