>Rvy
Kinancel niya ang flight nila ni Bradley papuntang Paris. Siya na lang ang aalis sa mismong araw ng kasal nina Brix at Darlene.
"Kung hindi mo kayang pumunta ako na lang ang sasama kay Bradley." Wika ni Anie.
"Ok lang. Ihahatid ko lsng siya sa simbahan at aalis din. Para wala ng masabi ang media."
"Eh yung nararamdaman mo? Ok lang na pinapanood mo sila habang kinakasal?"
Hindi niya ito sinagot. Tinignan niya ang anak... "Ang gwapo mo. Tara na..."
Sa Baguio Cathedral sila ikakasal. Pinipigilan niya ang pag iyak. Naalala niya ang gabing kasama niya su Brix sa Tagaytay. Yakap yakap siya ni Brix hanggang umaga. Hindi siya binitawan ng lalaki. Pero kahit nasa iisang kwarto sila ay nirespeto siya ng lalaki.
Nasa Baguio Cathedral na rin sila. Nakatuxedo si Brix. Nasa harap ito ng simbahan. Nakatingin ang lahat sa kanya. Si Anie na ang sumama kay Bradley papunta kay Brix.
"Kaya mo?"
Si Relina.
Hindi niya kaya peri kinakaya niyang naroon siya para sa anak.
"Hindi ko kayang magsinungaling sa inyo, pero kailangang andito ako eh?" Sagot nito. " aalis din naman ako mamaya para sa flight ko."
"Tara na, walang makakalapit na reporter sa iyi." Si Athena.
Tinignan siya ni Brix. Ngumiti na lang siya at pumasok sa simbahan.
Ilang minutes pa ba? Mag uumpisa na.
>Brix
Natiis kong yakapin lang si rvy sa Tagaytay. Kung alam lang niya. Nauna na ako dito sa simbahan, hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Kung tama ba na magpakasal ako kahit hindi ko mahal si Darlene. May usapan na kami, papakasalan ko siya pero magpapa- annul din kami, Hindi ko lang masabi kay Rvy dahil siguradong mas lalo siyang lalayo sa akin.
Dumating na sila kasama ni Anie. Gustong-gusto ko siyang lapitan pero andaming media. Huminto ito at kinausap si Anie. Sina Anie at Bradley na lang ang lumapit sa akin. Mabuti na lang at dumating sina relina at Athena.
"Dad, best widhes po." nakangiting wika ni Bradley. Hindi niya alam na gugulo ang buhay niya sa ngayon.
"Ano? Paninindigan mo taaga? Bahala ka, basta kami sinabihan ka na namin." si Anie.
"I know." sagot ko.
Palapit na silang tatlo. Ngumiti lang ito at pumasok na sa simbahan. Napapikit na lang ako.
>Darlene
Wedding Bells....
Ito na, ikakasal na talaga kami ni Brix. Masaya ba ako? Sa totoo lang hindi, alam ko kasing napipilitan lang si Brix sa pagpapakasal namin. Nag-usap na kaming itutuloy ang kasal at magpapa annul after a year para hindi lang ako mapahiya sa buong industriya.
Perfect Wedding sana ito para sa lahat. Pero nakapagdesisyon na rin ako.
Naglakad na si Brix, my God hindi ko maiwasang umiyak. Sumunod na ang mga flower girls at bridesmaid. My turn, the most beautiful bride at ang kinaiinggitan ng lahat dahil sa pagpapakasal kay Brix. Nakita ko si Rvy kasama nina Relina.
>rVY
"Aalis na ko." paalam ko kina Relina.
"Anong oras ba ng flight mo?" tanong ni relina.
"Mamayang gabi, baka hindi ko maabutan." sagot ko.
"Tatwagan ko angprivate plane namin para mas mabilis kang makarating sa Manila at makapgpahinga ka pa."
"Thanks." Sumama si relina palabas.
Tinignan niya si Brix. Malapit na si Darlene sa kanya. Nginitian niya lang ito at kumaway sa kanya. Tumingin din si Darlene sa kanya at hinawakan si Brix.
"Ok na, after 30 minutes andun na. Ipapahatid na kita sa driver."
"Marami na akong utang sa inyo."
>Brix
Kay Rvy lang ako nakatingin habang nagsisimula. Gusto kong tumakbo at kunin siya. Ano bang pinasok ko? hindi ko kakayanin pa. tumayo na ito kasama si Relina, kumaway ito sa amin.
"Huwag mo akong ipapahiya Brix." hinawakan ni Darlene ang kamay ko. Pinanood ko na lang ito habang palabas ng simbahan.
Nagsimula ng magsalita ang pari. Nasa kawalan ang isip ko. Kay Rvy, kay Rvy lang....
"Kung sino man ang tumututol sa kasalang ito ay tumayo na o habang buhay na mananahimik."
Wala kahit isa.
"Kung ganun..."
"Ako."
Lahat napatingin sa kanya...
"anong sinasabi mo?" Tanong niya kay Darlene.
"Ayoko ng magpakasal sa kanya." Sagot nito. "Ayaw kong maitali sa isang relasyon na hindi ako magiging masaya. Isa pa, i'm pregnant at hindi ikaw ang ama."
Panay bulungan na sa loob ng simbahan. Niyakap siya ni Darlene.
"Ayan, kaysa msghintay ng annulment. Sundan mo na siya. Kailangan ka niya ngaun sa tabi niya."
"Ito pa ang sinasabi mong desisyon?"
"Yap. Diba ok lang naman? Gagawin mo lahat para kay Rvy?"
"Thanks Darlene."
BINABASA MO ANG
The President is my Maid
RomanceMeet my boss... Sutil, pilyo, asar, makulit, hard-headed. Para tumira ako sa kanya kailangan pa niya akong i-blackmail. Matatagalan ko ba ang makasama siya?