CHAPTER 5

23 3 0
                                    

A SURPRISE.

Nasa jeep na ako.

Ang aga ng klase, antok pa ko.

1 hr bago ko makarating sa school kaya mas gusto ko na lang umidlip muna.

Medyo ma traffic na din kapag 7 a.m

*crossfinger "Sana di ako malate, 7:30a.m pa naman ang klase ko."

7:29 a.m na pagbaba ko ng jeep.

"Wow may 1 minute pa ko para tumakbo!"

Hahaha, halos 5 minutes kasi ang paglalakad papasok ng school, another 2 minutes naman pag-akyat sa room ang problema nasa 5th floor nga pala kami.

Binilisan ko ang lakad.

Overtake dito,

Overtake doon,

Kanan, kaliwa...

Medyo hinihingal na ko pero malayo pa din ako sa school. Nadaanan ko na si Jollibee katapat nya si Mcdo nakangiti sila sa'king pareho, na para bang nang aasar. Ang pinaka nakakatuwa sa lahat, Mercury Drug katabi si The Generics Pharmacy at katabi pa ang "Botika ni Aling Nene."

Hulaan nyo na lang kung sino ang mas mabenta sa kanila. Hahahaha.

Palagi kong pinagmamasdan yung bawat lugar na dinadaanan ko madalas natatapilok ako pero ok lang. "POISE PA DIN"

Habang palapit na ko sa school nabitawan ko yung folder na hawak ko naglaglagan sa ere ang mga papel na nasa loob.

"Ano ba naman to, kung kailan malapit na ko..."

Pupulutin ko na ang mga papel ng makita ko sa gate ng school si Prince kasama sina Ellah, Gelly at Kris.

May inabot si Prince sa kanila isang box pero hindi ko makita kung ano yung laman.

Mabilis kong pinulot ang mga naglaglagan kong papel at patagong sinundan ang mga bruha at ang prinsipe.

Nasa hallway na kami. Ang bilis nilang maglakad, nag elevator sila paakyat sa room hawak pa rin ang pulang box.

Ako naman tumakbo agad sa hagdan,

2nd floor...

3rd floor...

4th floor...

Hinga Gadie hinga...

Isang floor na lang,

5th floor na...

Kumanan agad ako papunta sa room kaso bakit nakasarado ang pintuan?

Kumatok ako, "nasa loob na kaya si sir. Late na naman ako..."

Bumukas ang pinto, nakakapagtaka ang dilim.

At

"HAPPY BIRTHDAY GADIE!!!"

O_O

I was so surprised.

Super surprised sa ginawa nilang greeting card na kasing laki ng cartolina may mga pirma nila at messages... " Happy Birthday Class Pres., wish you a happy bday mwaaa :*, take care, sana matupad lahat ng wish mo, reach for your dreams, we love you at kung anu ano pa PERO ang nakapukaw sa'kin ang message ni Prince.

"Hi, happy birthday. I wish you'll grow more beautiful and good health. Kumain ka sa tamang oras, wag magpuyat. Ingat ka. ~ Prince."

Short, but sweet.

Wala kong masabi sa surprised ng mga kaibigan ko, grabe hindi ko nga alam na bday ko pala!

Niyakap ako nila Gelly. Nagthank you ako sa kanila, napakaganda ng ginawa nila para sa'kin.

"Happy birthday friend tanda mo na ha, papanget ka lalo nyan, smile ka na."

Medyo maiiyak iyak ako sa tuwa at that point.

"Gadie may isa pa kaming surprised..."

"Ha?"

"Tingin ka sa labas."

Sinamahan nila kong lahat sa may corridor, at doon nakita ko SIYA, Si PRINCE.

May hawak syang cake, black forest may mga kandila pa.

Papalapit sya ng palapit sa'kin.

Yun ba yung nakalagay sa pulang box?

Nakangiti sya sa'kin.

HINDI KO MAINTINDIHAN.

PARA SAAN TO?

HINDI KO ALAM.

BAKIT NYA TO GINAGAWA SAYO GADIE?

HINDI KO ALAM.

ALAM NA KAYA NYA?

PERO....

ng dahil sa ginawa nya mas lalo akong naguguluhan at            nahuhulog.

Nasa harap ko na sya.

Puno ng hiyawan, may hawak ng lobo sina Gelly.

"Hmm, hi Gadie..."

At nakita ko na naman ang dimples nya.

"Happy BIRTHDAY sayo. Blow your candles :) "

Nakatingin lang ako sa mga mata nya.

Siniko ako ni Kris at binulungan "ui loka loka blow your candles na wag ka ng tumitig jan matunaw pa si Prince."

"Ahh, ahh so- sorry..."

Hinipan ko na ang mga kandila.

Nagpalakpakan naman sila.

"YEY! Kainan na!"

Pero ako nakangiti pa din sa kanya at siya nakangiti din sa akin.

:)

8:10 a.m na ng magsimula ang klase. Late si Sir kaya naisakatuparan nila ang kanilang balak.

Tahimik lang akong nakaupo at nasa tabi ko si Prince. Tahimik lang din sya.

Inabot nya sa'kin yung pen na naiwan ko sa upuan.

"Thanks."

"Wala yun"

"Salamat din sa surprised."

"Ikaw pa ba."

At that point nakalimutan ko lahat ng sakit ng nakaraan. Totoo kapag nagmahal ka maisasantabi mo lahat.

Teka, tama ba? Mahal ko na sya? O dahil lang sa naging mabait sya sa'kin.

Diba't ang pinakamahirap sa lahat ay yung Magmahal ka ng mag-isa lang... hindi masusuklian, hindi mapapansin at masasayang lamang.

Pero bakit?

Naalala ko ang sinabi ni mama, "Kung anuman ang binigay mo sa kapwa mo hindi ka dapat humingi o umasa na ibabalik din nila ang anumang ibigay mo."

Kung anumang pagmamahal ang binibigay ko sayo, hindi na ko aasa na ganun din ang ibibigay mo.

Yun ang sagot ko sa sarili ko.

Hindi ako dapat umasa, pero mamahalin pa rin kita.

"The Untitled"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon