CHAPTER 8

5 2 0
                                    

A NOT SO GOOD NEWS.


It's almost  8pm ng magising ako.

Nakatulog na pala ko sa pagdadrama ko kanina.

KRUUUGGG

Napalunok ako, tiyan ko yun.
Gutom na ko.

Bumaba na ko para kumain.

Nakakapanibago, "Teka wala pa ba si mama, wala pa'ng pagkain. Nagwawala na ang alaga ko sa tiyan."

Napaupo na lang ako. Gutom na gutom na talaga ko kaya kumuha na lang ako ng pera at sa labas na lang ako kakain.

Saglit lang ang distansya ng McDonald's sa bahay namin kaya doon na ko dumiretso.

Nasa counter na ako at pumila.

"Hmm, ang hirap mamili ng lalamunin. Tsk."

BFF bundles na lang kaya, eh kaso mag-isa lang ako, eh kung McSpicy mag-aala Jessie Mendiola naman ako. Hahaha sige na nga para kahit minsan Maria Mercedes ang peg.

So yun, turn ko na para umorder.

Matamis na pagbati agad ang bungad ng crew sa'kin (hahaha lalim), maganda sya at mukhang magkasing edad lang kami :)

Nagpa take-out na lang ako at sa bahay na ko kakain, syempre kapag sa pampublikong lugar ka kumain diba ang hinhin mo kunwari at sosyal na ang method ng pagnguya? Hahaha :D

Papalabas na ako ng biglang may tumawag sa'kin. Hindi ko malaman kung sino, sa dami ng tao sa may counter.

"Gadie!!!"

Sa paglingon ko natanaw ko siya, si Majay.


Napangiti ako at agad pinuntahan siya :)

Maj: Oi ano? Kamusta na tagal na nating walang gala?

Ngumiti ako sa kanya, "Oo nga, kayo kasi mga madadaya hindi man lang marunong magparamdam." Hinampas ko pa siya. Hahaha ;P

Maj: Sorry naman, may work na ko eh. Ilang buwan lang nakalipas dami ng nangyari kung alam mo lang.

Medyo napaisip ako sa sinabi niya, "Ano? Bakit ano na ba'ng nangyari hindi kasi ako tsismosa." Sabay dila :P

Maj: Baka gusto mo munang maupo tayo nuh?

"Ayy oo nga. Teka, hmmmm ayun, dun tayo maj."


Naka-upo na kami at hinintay ko na muna din siyang kumuha ng order at habang kumakain pinagpatuloy namin ang pag-uusap.

Hindi na pala siya nakapag-enroll ngayong semester dahil sa financial problem kaya ngayon nag-iipon siya para makapagbayad sa kulang niya sa tuition fee. Namasukan muna siya bilang messenger sa munisipyo.

May balita din siya sa iba pa naming kabarkada. Si Munch may Boyfriend na, si Gyn nakikisama na sa mga aktibista, sina James at Dylan ganun pa din kaya lang nag shift na naman ng course si Dylan.

Pero ang hindi ako makapaniwala, ang sinabi niya na ilang buwan ng hindi nagkakausap sina Nam at Kent. Hindi na raw sila M.U (Mukhang Unggoy JOKE).

"Weh??? Paano mo nalaman? May sinabi na ba silang dalawa sa'yo? Bakit naman ganun?! 4 na taon na tsaka pa sila nagkahiwalay." o_o

Maj: Eh kasi si Nam hindi na daw niya kaya si Kent, alam mo naman kung gaano KATORPE si Kent. Ni roses nga never niya pa'ng nabigyan si Nam.

Nakakapanghinayang sila, "Pero kahit na ba, ano ba naman yang si Nam palagi na lang niya dinadaing yung walang maibigay sa kanya si Kent."

Maj: Yun nga eh, kung mahal talaga siya ni Nam  hindi siya para humingi ng patunay para sukatin ung pagmamahal ni Kent.

"So ano na daw, hindi na talaga sila nag-uusap?"

Maj: Oo, tapos na daw sila sabi ni Nam. Sawa na siya sa paghihintay sa kung ano ang kayang ibigay ni Kent, kung paano papatunayan ni Kent yung pagmamahal niya.

Nalulungkot ako, nanghihinayang dahil sa Apat na taon saksi ako kung gaano inalagaan ni Kent si Nam, kung gaano siya nagpaalipin, kung paano niya pinatunayan yung pagmamahal niya sa sarili niyang paraan.


Wala man siyang makayang ibigay na mga materyal na bagay, Bulaklak, Chocolates, Teddy Bears o anuman, alam ko sa puso ni Kent may plano na siyang nakalaan para sa kanilang dalawa pero nasayang lang lahat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"The Untitled"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon