CHAPTER 2

25 5 7
                                    

A SUMMER TO FALL…

I need to go to our school.

Aayusin ko pa pala yung papers ng scholarship ko sa CHED.

Dumiretso ako agad sa Faculty Office para magpapirma ng grades sa Dean. As usual naghintay na naman ako, pero lumabas ako sa may dome lang may mga bench kasi dun kaya pwede ka ding tumambay.

10 minutes na wala pa si Dean.

20 minutes wala pa din.

21, 22, 23…

Aba 9:30 na wala pa din sya.

“Oi anong ginagawa mo dito?”

"Ayy tokwa!" Nagulat ako ng may tumabi sa’kin.

Si Carl Prince Sanchez  isa sa mga classmate ko.

“May papapirmahan ako eh. Ikaw bakasyon nasa school ka?”

Prince: Eh magpapapirma din ako eh.

Me: Para saan?

Prince: Para sana sa contest na sasalihan namin next month. Waiver lang para payagan kami makasali sa Dance Competition.

Patuloy lang sya sa pagsasalita.

Ang ganda ng mga mata nya parang may eyeliner pero wala naman, matangos yung ilong, bumagay pa sa tan skin nya yung pagkabrown ng buhok nya, woah teka may dimples din sya?????? Oo meron!!!!! Aakalain mong artista, Lee Min Ho nga daw ng Pilipinas sabi ng iba.

Prince: Hey? (Sabay kalabit)

Me: Hmm? (Sabay Ngiti) Ang cute ng dimples mo… (Ooops! O_o)

Prince: What? Hahaha (Sabay tawa)

Shemay! NOOOOO! Ang engot mo Gadi! Pano kung isipin nyang gusto mo siya?! Pistiiiiiii! Nakakahiya! Hindi ko to kaya! Ang engot engot ko Juicecolored!

Hindi ko na alam ang gagawin!!!

(TUG.. TUG… TUG… TUG… TUG…)

Puso ko ba yun? Hinawakan ko yung dibdib ko.

(TUG.. TUG… TUG… TUG… TUG…)

Teka, puso ko nga O_O

Prince: Ui? Ok ka lang?! Ui anong nangyayari sayo?!

Me: Hinn..... Hinnn..... Hiiindi ako makahinga

Napakapit ako sa balikat ng Prinsipe.

Naramdaman ko na lang binuhat nya ko na parang Prinsesa.

---


Ang lamig.

Hinatak ko yung kumot, ano ba naman to ang nipis.

Wait*

O_O

O_O

O_O

(Boom…)

Nasaan ako?!

O_O

O_O

O_O

May lumapit na matandang babae sa’kin.

"Ano po'ng ginagawa ko dito? Sino po kayo?"

“I’m the doctor here, nasa clinic ka di mo ba matandaan?"

Huh???

At that point unti unti naalala ko na.

Doc: Iha pagod ka ba? Nagpupuyat? Nagpapagutom o diet? Hindi tama yan, kita mo hindi kinaya ng katawan mo.

Me: Hindi lang po ko nakakain at di po ko nakakatulog ng ayos nitong mga nakaraang araw.

(Tok…Tok..)

“Excuse me Doc.”

Doc: Yes? Prince ok na tong girlfriend mo pagpahingain nyo lang sya.

Prince: Yes Doc. Thank you.

WOAHHHHH….

WHAT?

GIRLFRIEND? O_O

Napatingin si Prince sa’kin at tinaas nya lang yung kilay nya na parang ibig sabihin hayaan ko na lang.

Umalis na yung Doctor, lumapit sakin si Prince.

Pero bakit hindi nya nilinaw di naman kami?

Pero hindi na ko nagtanong, hindi na ko nagsalita pa, nakakailang at nakakahiya na syang kausapin dahil sa nangyari kanina.

Prince: Are you alright?

I bite my lips just not to talk. Tumalikod ako sa kanya, kinuha ko yung bag ko.

Prince: Hey? Nga pala okay na pala tong papapirmahan mo.

Me: Huh? Ano ba yan hindi mo na dapat ginawa yun eh. Prince: Ikaw naman parang di tayo magkaklase.

Me: Pero kasi …

Hindi nya na ko pinatapos sa pagsasalita, kinuha nya sa balikat ko yung bag.

Prince: Sige na tayo ka na diyan hatid na kita.

I don’t know. Tumayo ako, sumabay sa paglalakad sa kanya.

Hindi ko na alam pero ang gaan gaan ng loob ko sa kanya. Ang bait nya.

Pero ayokong isipin na may iba pa ‘tong ibig sabihin.

Pero parang gusto ko na...

Gusto ko ng isipin na ako ang Prinsesa.

5pm na ng makarating kami sa bahay. Gusto ko sana syang papasukin kaso baka isipin ng mga magulang ko na boyfriend ko sya.

"Salamat ha"

Prince: Wala yun. Magpahinga ka na (Sabay ngiti)

Ang cute ng dimples nya at yung mata nya hayyyyy nakakatunaw 

Me: Salamt ulit.

Inabot na nya sa’kin yung bag then pumasok na ko sa bahay namin.

Pagpasok ko sa kwarto. I open my laptop and play New Perspective ng Panic! At the Disco.


And today I can say, I have a happy heart.

"The Untitled"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon