MY SEATMATE. BOW. SABAW.
"Ok so ano'ng section nyo nga ba?" tanong ng professor namin sa history.
"Section 2 po." sagot naming lahat.
"Ahhhhh ok magsilabas ang lahat."
Ang weird nya talaga pero nagsilabasan na kaming lahat. Inutusan nya pa kaming mag form ng straight line. Nasa corridor lang kami yung iba umupo, yung iba nagdaldalan at ako syempre tahimik lang.
Brenan:"Dude! Sakto pagdating mo pinalabas kami ni Ma'am!"
Napalingon ako kay Brenan.
(TUG...TUG...TUG...)
Nandito na sya...
Ang Prinsipe.
Hindi ko alam pero hinahanap hanap ko na sya since that day. The happy hearts day.
Brenan:"Astig ka ha bakit ba ngayon ka lang pumasok?"
Prince:"Bakit may ginawa na ba kayo? Adjustment period pa lang naman ha."
Natuwa ako na nandito sya. Hindi ko sya napapansin noong 1st year dahil tingin ko sa kanya isa syang gangster.
Pero ngayon nagbago ang lahat.
Sinimulan na ng professor ang pagpapasok sa'min.
Kris:"Hala guys may seating plan pa si ma'am! Huhuhu pano na tayo nyan?"
Gelly:"Jusme naman pang high school lang ang peg nuh!!!"
Nauna ng pumasok sina Gelly , Kris at Ellah ngayon ako naman.
"Ms.Salva, dito ka."
Umupo na ko medyo 4th row dahil nga S ang surname ko, alphabetically ang arrangement.
Katabi ko sa kaliwa si Yael, hindi kami close kaya HINDI ako mag-eenjoy sa bagong seat plan na 'to nakakainis lang.
Yael:"Ui Gadi seatmate na tayo"
Me: "Alam ko po."
"Mr.Carl Prince Sanchez.... dito ka sa tabi ni Ms.Salva"
Sobra ang kabang naramdaman ko ng banggitin yun ni ma'am.
Pumasok na si Carl Prince Sanchez and evrything was like in slow mo.
Para bang habang naglalakad sya eh background music and Kundiman ng Silent Sanctuary.
May kampanang nag-iingay, mga bulaklak na naglalaglagan at mga paru-parong nagliliparan.
IMAHINASYON NGA NAMAN.
May isa pa palang bakanteng upuan sa kanan ko. At siya ang uupo sa tabi ko. Binabawi ko na. Mukhang magiging masaya ang bagong seat plan na to!
Prince:"So hi..."
Me:"Oh Hi din"
Prince:"Kamusta ka na pala?"
Kinikilig lang ako kapag kausap sya. Crush ba to? Infatuation lang?
Hindi ko na din alam pero di ko na matatangging gusto ko na sya.
Pero ayokong kunsintihin itong nararamdaman ko dahil ayokong umasa at masaktan. Lalo na sa isang tulad nya.
Fast forward ilang linggo simula ng pasukan.
Nasa canteen kami. Kasama ko ang kaibigan kong madadaldal.
Lately napapansin ko na nagbubulungan sila pero hindi ko na pinapansin.
Gelly:"Gadie, di mo ba kami namimiss?"
BINABASA MO ANG
"The Untitled"
RomanceNOT YOUR ORDINARY STORY. There are things we lost in the fire, there will be a voice saying you had enough but then on the other side you will choose to fight and sacrifice. Keep reading. Have Fun. God BLESS! SmellsLikeChocl8