DID- 5

585 30 0
                                    


Dahil nga minsan ay umaandar ang pagiging tsismosa ko ay agad na'kong tumakbo ng mabilis. Pagkapasok sa loob ay tumambad sa'kin ang binagyong cafeteria, mga estudyanteng nasa gilid at masayang nanonood ng...

Pagkatingin ko sa gitna ay lumapad ang aking ngiti. Aba may laban nga, umupo ako at kinuha ang isang box na pizza na wala pang bawas, pake ko kung kanino? At kung akala niyo aawat ako duh no way. Sayang beauty ko noh.

Masayang kong kinagat ang pizza habang nakamasid sa ka-block ko na nakikipagbugbogan, ngayon palang matatawa ko sa itsura nilang puro black eye. Nangunot ang noo ko ng mapagsino ang kalaban ni Hurri, yung babaeng nagtapon ng bola sa'kin kanina. Aba nasa block- zero pala ang gaga hindi halata ha.

"Ano ba! Kitang nanonood dito, umiistorbo litse!" Singhal ko sa kung sino mang kalbit ng kalbit sa'kin pinagpalit lang naman sa malapit chos.

Kalbit ulit. Wengya naman oh!

"Ano ba hi—" Napatigil ako ng lumingon ay tumambad sa'kin ang masamang tingin nitong lalaking epal kanina nasa likod niya yung tatlo niyang barkada.

"At talagang enjoy na enjoy ka pa sa panonood no!" Tinaasan ko siya ng kilay. Aba anong gusto niya gawin ko don't tell me? Napatakip ako sa bibig.

"Gusto mo bang sumali ako?"

"Stupid!" Singhal niya at napapikit pa na tila stress na stress.

"Bakit mo kasi 'di mo manlang awatin yong ka-blockmate mo." Singit nung pinakamaliit sa kanila. Ang cute niya nagpipigil lang akong pisilin yung pisngi niya mukha siyang siopao.



"Luh? Bakit ako? Ka-blockmate niyo rin yan ah."



"Bakit naman hindi ikaw at ikaw ang nauna dito kesa sa'min."



Napabuntong hininga ako. Na parang sumusuko na'ko sa kanila na parang ako na yong mali. Naiiyak tuloy ako kapag ganito kasi naiiyak ako dahil hindi ko manlang maubos yung pizza paano kung bumalik na yong may-ari at kunin na niya yong pizza tapos pagbayaran sa'kin dahil may bawas na.

"Tingnan niyo ko." Sabi ko sa kanila saka nagpose pa na parang model. "Ang ganda ko diba?" Napaubo naman sila, watda?

"Pag umawat ako baka masuntok ako nila duh ang laki ng mga braso nila noh." I said then flip of hair, dahil feeling ko humahaba na yong buhok ko.

"Awatin mo yang ka-block mo." Seryosong sambit nitong lalaking epal at pinakamasungit. Ayaw ko sanang sumunod kaso sinamaan na'ko ng tingin. Ang sungit sungit tsk!

"Pilitin mo ko!" Paghahamon ko pero sinamaan niya ko ng tingin to the highest level yung tipong tagos sa buto, atay, balonbalunan at puso.

"Oo na ito na nga oh!" Naglakad na'ko punyeta na yan kasi. Ha! Akala niya aawatin ko talaga noh dumiretso ako sa staff dun sa counter nitong cafeteria, humingi ako ng dalawang kutsilyo. Nagtaka pa nga pero nagbigay naman.

"Tumigil na kayo!" Buong sigaw ko pero wala manlang nakinig at pumansin sa napakaganda kong boses, mga hunghang. Tiningnan ko yung apat na lalaki na hindi ko kilala feeling close amputcha.

Wala akong choice umakyat ako sa mesa at kumanta chos!



"MGA HUNGHANG MAY KUTSILYO DITO PARA MAPADALI YANG GINAGAWA NIYO!" Buong sigaw ko na nagpatigil sa lahat at sa akin ang atensyon. Tangina spotlight na naman ang peg.



"What do you think your doing?" Sigaw nung epal na lalaki hindi ko pa rin kilala at hindi din naman ako interesadong kilalanin. Salubong na salubong ang kilay.




"Pinapatigil sila." Inosente kong tanong at itinuro ang naglalaban na ang sasama ng tingin.





"Grabe naman kayo makatingin sa'kin sige ituloy niyo—"


Devil in Disguise: Vengeance Series 1Where stories live. Discover now