DID- 26

335 20 1
                                    

Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata. Kulay alikabok ang kesaming tumambad at dun ko napagtantong hindi ito ang aking kwarto.

Hindi ako nakagalaw at nangilabot ng maramdaman ko ang hininga ng kung sino man sa'king leeg. Bumaba ang tingin ko sa tyan na may nakapulupot na braso.

Tangina! Pakshet! Gago! Nilingon ko ang walangyang si Rover na ang sarap ng tulog. Yung damit ko naman kagabe ay ganun pa rin kaya nakahinga ako ng malalim pero nandun pa rin ang kabang nararamdaman dahil nakayakap pa rin siya ng mahigpit ng walang suot na t-shirt. Susmaryosep na mahabagin pigilan niyo kong i-rape ang lalaking toh labag ito sa women empowerment.

Hinawakan ko ang braso niyang at pilit inaalis pero mas lalo niya pang hinigpitan para mas mapalapit ang katawan namin. Ke aga-aga ang init ng pakiramdam ko.

Umikot nalang ako para humarap sa kanya na siyang maling desisyon na ginawa ko. Naglapat ang labi namin na ikinalaki ng mata ko. Holyshit! Hindi ko yon kasalanan ha. Iminulat niya ang mata niya kaya  mabilis akong umatras pero konti lang kase hindi pa niya ko pinapakawakan.

"Good Morning baby!" He huskily said. Mapupungay ang kanyang matang nakatitig sa'kin habang laglag ang panga ko sa sinabi niya.

"W-What? B-Baby!?"

"Yeah baby. You're my baby."

Akmang lalapit siya ng pigilan ko. Napaawang ang bibig niya sa ginawa ko. Umupo ako ng maayos ng naguguluhan. Nandun na tayo sa gusto ko siya, mahal ko na nga. Inamin niya rin sa'kin na mahal niya ko pero hindi niya nilinaw kung anong meron sa'min.

Taena nauna pa label ah.

Umupo rin siya kaharap ko kaya nakabalandra ang dibdib niya potek.

"Ano bang meron sa'tin? I mean anong status ganern?" Alangan kong sambit ng nakaiwas ang tingin ba't kase hindi siya nagt-shirt. Hinawakan niya naman ang baba ko at pinaharap sa kanya.

"Pagmamay-ari kita mula ngayon." Naramdaman ko ang pag iinit ng pisngi ko sa sinabi niya.

"So boyfriend na kita?" Tumaas ang kilay niya sa sinabi ko.

"Bakit parang ayaw mo yata? Sino ba gusto mo si Storm?"

Natawa ako kaya nahampas ko siya sa braso. Sa dibdib sana kaso baka pagbintangang manyak. Pag nalaman toh ng magkapatid kami ng pinagseselosa niya ewan ko lang. Nagtiim bagang siya at marahas tumayo kaya kitang kita ko ang suot niya lang ay boxer. Napasign of the cross ako ng bumaba ang tingin.

"Oh ang saya pa hanep." Masungit na sambit niya at tumalikod. Pinaypayan ko ang sarili habang tawang tawa sa inasta. Pumasok siya sa Cr at ako naman ay niligpit ang hinigaan. Hinawi ko ang kurtina kaya pumasok ang sinag ng araw. Pumikit ako sa sayang nararamdaman. Nilibot ko ang tingin sa kanyang kwarto. All things are organized, theme ng kwarto niya at kulay gray. Napansin ko ang nakahanger na uniform na pang babae kaya hindi ko maiwasang mapangiti. Pinaghandaan ng lalaking yon talaga. Naglakad ako palapit sa study table sa gilid. Tiningnan ko ang mga gamit ng may isang bagay na nakakuha ng aking atensyon.

Love novel? Binuklat ko at totoo nga na love novel. Seriously? Narinig ko ang pagbukas ng pinto na aking ikinalingon. Napakagat ako ng labi dahil sa itsura niyang nakatapis lang ng tuwalya hanggang beyway. Kitang kita ko ang pagtulo ng ilang butil ng tubig na mula sa basa niyang buhok papunta aa kanyang abs hanggang V-line.

Ang aga naman akong parusahan ghad.

"Ang bilis mo namang maligo." Sambit ko para mawala ang kamanyakang iniisip.

"Kung tayong dalawa sana edi matagal." He said bluntly and walked towards me. My jaw dropped of what he said.

"Ang manyak mo ha." Tinapon ko sa kanya ang hawak na libro na agad niya namang nasalo. Humalakhak siya.

Devil in Disguise: Vengeance Series 1Where stories live. Discover now