DID- 22

329 22 2
                                    

Nilibot ko ang paningin sa paligid. Ang pamilyar na tugtog ang bumungad. Mga nagsasayawan sa dance floor na akala mo kanila na ang mundo. Syempre ang mga heartbroken na nilalasing ang sarili. Hindi ko maintindihan kung bakit naglalasing kapag tapos na mag-break like what the hell? Kapag nalasing ba, nakatulog paggising wala na yung sakit? Makakalimutan na ang lahat?

I surveyed the couches to find where my blockmates are. I smiled widely ng makita ko sila agad. Ngiting dumiretso ako at walang pasabing umupo sa bakanteng upuan.

"What the! Nakakagulat ka D!"

"Nakakagulat ba ang ganda ko?" I smiled sweetly. Inismiran naman ako ni Hurricane na nasa tabi ko lang. Inagaw ko yung hawak niyang alak. Nakapalibot kaming nakaupong lahat.

"Iniwan niyo ko mga hangal."

"Nakikipaglandian ka pa 'e." She said nonchalantly. Tinaasan ko siya ng kilay. Pinagsabi ng gagang toh? Kailan pa'ko lumandi?

"Wala pa ang birthday boy na'tin. Ambagan tayo ng pera." Biglang tumigil ang mundo ko sa sinabi. Taena akala ko libre edi sana pass ako kung hindi, mga mandurugas.

Siniko ko si Demonique na nakikipagharutan kay Thunder. Mga walang respeto sa walang jowa porket sila bulgaran ng makipaglandian. Taena kase kung sino pa yung maganda sila pa walang jowa. Napanguso ako napaka-hard to get naman kaseng Rover na'yon gusto pa yata ako manligaw.

"Libre mo ko ha."

"Nak ng! Libre na naman! Mabubuhay ka talaga sa libre D."

I tap her shoulder. " Don't worry kapag nagtapos na'ko ng pag aaral i will pay you double." I smiled surely at her. Naningkit ang mata niya sa'kin.

"Hindi ka naman magholdap sa bangko noh?"

Sinamaan ko siya ng tingin. Ipasalvage ko yata toh sa kilala kong riding in tandem. Bago pa'ko makasagot ay lumagpas ang tingin ko sa kanya. Naningkit ang mata ko. What the hell are they doing here? Maypayuko yuko pako kanina, nagmukha akong magnanakaw tapos wala pa sila dun at nandito sila?

"Anong ginagawa ng Block-Zero dito?" I whispered at her. Sinulyapan niya naman ang table na nasa likod at mukhang alam niya—nila dahil hindi naman siya nagulat.

"Birthday ni Ferrari." Simple niyang sagot bago naglagok ng inumin. Tumingin ulit ako sa kinaroroonan nila at napansin kong wala si Red kaya hula ko wala na rin dito sa tabi ko si Hurricane. Huwag niyo na itanong ang gagawin nila dahil mukhang bawal sa bata. Kaya kung hindi ka pa 18 above mag-solve ka muna geometry dyan.

"Your father." She whispered at me tumingin ako sa paligid para matingnan kung may makakarinig. Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa pangalang sinambit niya. "Tinanong niya kami kung na'san ka?"

I gritted my teeth. Ano na namang kailangan niya? Hindi na'ko umasa sa pera niya i can stand of my own. Nanatiling ako walang imik at hinihintay ang sunod na sasabihin niya. Bumuntong hininga siya at tumingin sa kambal niya kaya napatingin rin ako. Nanatiling seryoso ang tingin ni Daimon sa'kin saka siya tumango.

"Birthday ni Yaera sa Sabado. And i think they will throw a grand party and looks like ipapakilala na siya ng papa mo."

Napayuko ako at tumingin sa basong kanina ko pa mahigpit na hawak. His going to make a rush decision. Wala pa siyang alam sa nangyayari at ipapakilala niya na ang anak ng kanyang kabit na hindi niya naman kaano-ano tapos sunod ang kompanya ang ipapa-handle niya. Kinalma ko ang sarili, wala pa ako sa posisyong magalit.

I look down and poured myself a drink saka tuloy-tuloy na ininom. The burning sensation pouring down my throats creates a familiar feeling in my stomach.

Devil in Disguise: Vengeance Series 1Where stories live. Discover now