DID- 11

478 21 0
                                    



Gusto ko lang mag-aral ng tahimik pero putangina naman pusang gala oh sadya talagang habulin ako ng gulo. Sabagay ang ganda ko kase.


Maaga akong nagising kaya dumietso ako sa laging tinatambayan sa rooftop, may isang space dun na nilalatagan ko ng karton tsaka dun ako humihiga para pagmasdan ang malabughaw na ulap, ang payapa at ang sarap sa pakiramdam.

Pero ang pisteng pananahimik ko na yon ay nagulo ng makarinig ako ng kalabog at impit na sigaw ng babae.

"P-please pakawalan niyo ko!"

"Oh! Ang sarap sa pandinig ang boses mo babe!"


"Katulad nga pare ng kanyang katawan!"




"M-maawa kayo please!"


Hindi ko yon pinansin kase wala akong pake pero tangina naman ang sakit nila sa tenga. Lalo na ang boses ng babae ang tinis. Bumuntong hininga ako at tumayo pinagpag ko damit ko pinuntahan ang ingay.

And there you are.

May dalawang lalaki at isang babae na nakkasandal sa pader at pilit nagpupumiglas sa hawak ng dalawa. Napailing-iling ako. Ang panget ng dalawang rapist piste.

Bago pa lumapat ang maduming bibig ng lalaki dun sa babae ay nagsalita na'ko.

"Pwede ba humqnap kayo ng isang lugar ng wala kayong maistorbo, ang papanget ng boses niyo at ang sakit sa tenga. " With matching kalikot ng tenga.

Nagsilingon ang dalawa at hindi ko pa'rin makita ang mukha ng babae. Masama akong tiningnan ang dalawa at maya maya ay tiningnan ako na parang hinuhubaran.

"Alam kong maganda ako don't state the obvious." then i flip my hair at rumampa palapit sa kanila. Ngiti ngiti naman ang dalawa at binitawan ang babae saka humarap sa'kin.

"Napaka-pakielamera mo pero sabagay mas maganda ka kesa sa babaeng yan." Tinuro nito ang babae na naka-upo at tila iiyak na dun ko lang napagtanto siya yung isang staff sa canteen.







Malificent Liu.


Tsk! Hindi manlang lumaban acting like a weak.

Hindi ako kumilos at hinintay na makalapit sila at dun ko lang napagtanto na ang papanget ng mukha nila.

"Panget na nga boses, panget pa ang itsura ano ng kinaganda ng buhay niyo?" Parang naawa ako sa kanilang tumingin. Nagtigas bagang ang dakawa sa sinabi ko.

"Ang talas ng dila mo babae. Hindi mo ba kami kilala?" Matapang niyang sambit na tinaasan ko lang ng kilay. Kapag napapasabak ako lagi ganito ang mga tanong punyeta wala bang originality?





"Kailangan ko bang kilalanin ko kayo?"



"Hindi nga tayo kilala turuan kaya natin ng leksyon."




"Ayyy! Teacher ba kayo kaya tuturuan niyo ko ng leksyon?" Inosente kong sambit na ikinangisi nila pero bago pa sila makagalaw ay nasipa ko na ang paa ng isa. At umiwas sa suntok nung isa. Nabasa ko kase ang pagtitinginan nila kanina.






FEW MINUTES...








"Ano pang tinutunganga mo dyan? Tara na."



"Saan?"

"Sa puso niya HAHA chos! Sa canteen malamang nagutom ako dahil sa itsura nung dalawa."




Devil in Disguise: Vengeance Series 1Where stories live. Discover now