DID- 21

308 18 0
                                    

Taas noo akong naglakad sa mahabang pasilyo. Tila malalim ang iniisip pero ang iniisip ko lang naman paano ako magkakapera? Nyeta naman oh! Ba't kase ako naglayas layas hays!


"Tangina mong hayop ka!"




"Mas tangina ka!" Napahinto ako sa pagliko sa isang hallway ng marinig ko ang mga malulutong na mura. Dahan dahan akong naglakad sa isang daan.

Pagkadating ay tumambad sa'kin ang dalawang nagpapalitan ng suntok habang ang ilang estudyante o barkada ng dalawa ay nakapaligid lang.


I comfortably lean my back at the nearest wall.


"Gago ka! Kaibigan kita tapos tinrydor mo ko!"

"Gago ka rin! Yon na nga kaibigan kita tapos maniniwala ka dun sa girlfriend mong malandi."


"Hindi malandi ang girlfriend ko!" Sabay sapak na inambangan rin ng sapak niya.


"Pwede ba 'wag ka ngang magpauto dyan sa girlfriend mo!"



Ngumiti ako at inayos ang collar ng uniform at naglakad palapit.


"Sige sapakin mo pa!" Sumali ako sa mga nagsusulsol. Nagsapakan naman ang dalawa. Dumugo na nga yung bibig.



"Pustahan tayo ano mga pre. Ano dali na." Inilahad ko yung kamay ko. Ngiti ngiti naman silang nagbigay ng pera.




"Oh! 1000 for Jupiter!"


"Ito 1500 yung akin. Matatalo yan ni Saturn!"

"Sige banatan mo pa, Jupiter."


"Tadyakan mo oh! Sapakin mo kaya mo yan Saturn!"

Nagki-cheer up rin ako mukhang ganang gana sa pakikipagsuntukan ang dalawa. Hawak ko naman yung mga pusta kaya napapangiti ako.
ng todo, tiba tiba na naman.

"Oh! 50 para kay Uranus." Sambit ng seryosong boses tsaka naglahad sa'kin ng 50 pesos kaya tumigil ako at napatingin doon. Seryoso 50?

Bigla namang tumigil ang lahat at pati na rin ako ng marealized na.



"Sinong Uranus?" Sabay sabay naming tanong. Lumingon ako at nanlaki ang matang napaatras. 

Lahat namang nandito ay nakaramdam ng takot sa taong nasa harap namin na seryoso ang ekspresyon ng mukha. Maya't maya ay nagsitakbuhan ang iba.

"The both of you." Itinuro niya ang dalawang lalaking bugbog sarado ng mukha.  "Meet me at disciplinary office and also expected to those students who involved in this fight." Then he shifted his gaze at me.

Mabilis na nagsialis yung dalawa at ako naman ay pasimpleng ibinulsa ang pera ng nagsipusta at akmang tatakbo na ng mahila yung kwelyo ko sa likod.

Damn!



"At saan ka pupunta?" Binitiwan niya ako kaya ngumiti akong humarap sa kanya.

"Ay hihi!"Sa puso mo sana chos. Napakamot ako sa batok.



"You're supposed in my office right?" Matalim ang tingin niya sa'kin kaya napanguso ako. Wala naman akong ginagawa sa office. Kundi umupo kung tapos na maglinis, sumasakit ang pwet ko. Bigla niyang inilahad ang kamay kaya nangunot ang noo ko. Ano gagawin ko dyan?

"Give me the money." Sumama ang tingin ko at dinuro duro siya.


"Aba hoy! Sariling sikap ko toh ha. Makipagpustahan ka rin kaya."


Devil in Disguise: Vengeance Series 1Where stories live. Discover now