Chapter 1
Umaga na naman. hay, bat nga ba nakaka tamad yung ganto lalo na pag antok na antok ka? ang bigat sa katawan, kasalanan to ng gravity eh. tsk, may masisi lang. -_-
Ako nga pala si Janna Camille Esteves. 19 yrs. old, 3rd year college sa di masyadong kilalang school pero may kalidad ang edukasyon.
Monday na naman, anong bago? ayun, simula na nang OJT. Last week lang nagpasukan at lahat, busy agad sa paghahanap ng mapag-OJThan nila.
Bumangon na ako at naligo. pagka baba ko ng hagdan, sinalubong agad ako ng kapatid kong si Hale, 5 yrs old pa lang sya at talagang sobrang cute nya.
"Good morning Ate Ja" sabay yakap sa binti ko. "Good morning baby boy, ang aga mo naman gumising, naunahan mo pa ko."
Humagikgik sya at tumingala sa akin "papasok na rin kasi ako sa school ate" sabay ngiti nya.
"Aba, edi mabuti, makaka kilala ka na ng new friends mo, wag ka mang aaway ha. behave lang lagi at makikinig ka kay teacher, ok?" yumuko ako para halikan sya sa noo nya.
"opo ate" at ngumiti sakin.
"Good morning, anak, tara na at kumain na tayo." si Mama yon, nakapag handa na pala sya ng almusal, hay, ang tamad ko.
"Good morning din po, papasok na daw si Hale sa school, totoo ba yon?" tanong ko nang naka upo na kami sa lamesa. andun na rin si Papa at si Hale.
"Oo anak, sa nursery school jan sa malapit. kasi naman, sobrang naboboring sya dito sa bahay. kawawa naman." ani ni Mama.
"Mabuti yon, para ma enhance agad ung talent nya sa pagdo drawing, ang ganda kasi kahit sobrang bata palang nya, kita mo na agad na may talento sya sa pagdo drawing." kumento ko.
"Sang ayon ako jan, kanino ba magmamana yan kundi saken lang" singit ni Papa. Architect kasi kurso ni Papa noon, at kasalukuyang nagta trabaho sa isang private company. Si mama naman, business course ang natapos. Kaya ako, eto, business course din kinuha ko, mana mana lang yan.
"Kamusta pala yung pag OJThan mo anak, ngayon simula mo diba?"
"Opo Ma, mamyang 10am pa naman yon kasi iseseminar muna kaming mga pumasa, ang arte lang. Pero ayos na rin, nang maging malinaw ang mga gagawin namin." sagot ko.
"Galingan mo Ja, suportanta ka" ngiti ni Papa sakin, "Salamat po" balik ko. "Good luck ate" sabi ni Janny. sobrang sweet nya talaga.
Natapos na kaming kumain at niligpit ko na rin ang kinainan namin. "Janna, 9am aalis kme ni Hale, 9:30am kasi ang pasok nya. babalik kami ng ala una kaya paki lock mo na lang ang pinto bahay ha."
"sige po Ma" maikling tugon ko. umakyat na ulit ako para mag ayos, malapit lang naman kasi ung kompanya na pagte trainingan ko kaya hindi ako nagmamadali, 8:30am plng nmn. 30 minutes lang ang byahe papunta don.

BINABASA MO ANG
Please Don't Ask Me
RomanceSi Janna ay isang tipikal na studyante sa kolehiyo sa hindi sikat na Unibersidad. Alam nya kung ano ang gusto nya at yun ang susundin nya. Pero sa pag daan ng mga araw, unti unti nyang natutuklasan ang mga bagay na hindi nya aakalain pagdaraanan nya...