CHAPTER 2

17 0 0
                                        

Chapter 2

Pagka balik ko sa pwesto ko. Inayos ko  na lang yung files na mga ita type ko bukas. Since aalis din ako ng maaga kasi nga may pasok pa ako, remember? sabi rin naman ni Ma'am Ana, hindi naman daw dapat ako magmadali.

2pm nung umalis ako sa opisina, nagpaalam na ko sa mga officers sa loob. Hindi ko na rin nakita yung lalaking kung maka ismid eh kala mo close kami. hay nako, bat ko ba iniisip yung lalaking yon!? Erase.Erase.

Pagkarating ko nang school, may sumalubong agad sa akin.

"Bessssssssyyyy... Emeged, bakit ang tagal mo? at bakit hindi ka nagrereply sa mga text ko, hmp." Siya si Raf, short for Rafaela. Isa sa mga close friends ko dito sa school. Siya yung masasabi kong "ka buddy" ko. not the literal na pareho kami ng katawan pero yung lagi mong kasama, partners in crime kumbaga. (malamang, iba nga ng spell, duh)

"Eh kasi po galing pa akong OJT, alam mo namang medyo malayo dito sa school yon at kaya hindi ako nakaka reply ay dahil wala akong load. ok?"

"kinse lang naman kasi ang load pinagdadamot mo pa, UNLI all net na yon." ayan na naman siya.

"Excuse me lang, Globe ang gamit ko kaya mahal ang UNLI don." sagot ko

"Bakit kasi hindi ka na lang mag TM, halos buong klase natin naka TM na.  Mura lang mag UNLI, pati sim mura lang." tignan mo to, nag promote pa.

"Una, ayokong magpalit dahil mahalaga tong no. ko, maraming nakaka alam nito na kamag anak ko at mga kababatang kaibigan. baka mamya mag text sila eh hindi ko ma receive. Isa pa, hindi ko kailangang laging naka unli dahil wala naman akong katext. Di tulad mo na may clan at pati ko nasasama sa GM mo para sakanila". litanya ko.

 

"kuripots mo talaga, hmp" nag pout pa amputs.

"Tara na, baka mahuli na tayo." yaya ko sakanya.

Habang naglalakad, kwento sya ng kwento about sa 1st day nya sa OJT which is kanina lang din, pero hindi kami pareho ng company.

"..ang daming gwapo from other schools, mga mala richie rich talaga yung kutis. kyahhhh..." kinikilig na naman to.

"Daldal mo." yun na lang nasabi ko.

"I know right, wait nga, ikaw naman magkwento, ano na naman nangyari sa 1stday mo? marami rin bang papables don ha?" nag umpisa na naman ang pang uusisa ni Rafaela Denise. hayst.

"Wala, walang gwapo. Suplado meron."

"Kyahhhhhhh.... emeged bessy! Suplado? May naka kuha ng atensyon mo?,  ang lakas ng appeal ng guy na yon. yiiiiiieeeeee. Ano gwapo ba? yayamanin?..." impit na tili nya.

 

"Ang ingay mo naman, hindi nya nakuha ang atensyon ko at wala kong pake, kuha mo?" napaka layo naman ng lintik na new building na yon, gusto ko na maupo at maka alis sa kadaldalan netong si Raf.

"HueHue, ?? kilala kita, kahit 2yrs pa lang tayong mag knowing eh alam ko na ugali mo kahit sa mga guys. haha..." kinikilig pa rin sya.

Please Don't Ask MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon