Chapter 7
Janna’s POV
Ilang araw na rin ang lumipas after nung narinig ko ang pag uusap nila Raffy at Dane.
Ngayon, parang lagi na lang silang nagkakailangan pag magkakasama kami. Hindi na rin sila tulad nang dati na away bati at parang aso’t pusa.
Dahil don, nagsimula na rin magtanong si Jeff.
Gaya ngayon. Andito kami sa isang coffee shop na bagong discover ni Jeff. Magkakasama nga kaming lima pero parang mga pipi kami na hindi man lang naguusap-usap.
“Huy, ano ba? Mahigit 15 minutes na tayong andito bakit ba hindi kayo nag sasalita? Ayaw nyo ba dito sa lugar na napili ko?” May lungkot na sabi ni Jeff.
Magsasalita na sana ako nang biglang nagsalita si Arman.
“No Jeff, actually the drinks and desserts are exquisite. Plus the ambiance of the whole place is kind of relaxing.” Diretsong sabi ni Arman.
“Oo nga Jeff, nagustuhan ko rin ang lasa ng mga pagkain at yung mga inumin na inorder natin.” Nakangiting saad ko.
“I agree with them Jeff, wag kang mag alala. Nagustuhan ko yung place na to. Rerecommend ko rin to sa iba nating mga classmate.” Plain na sabi ni Dane.
Nginisian lang siya ni Jeff at nagpatuloy na lang sa pagkain ng inorder nyang slice ng black forest cake.
Tinignan ko si Raffy na pinaglalaruan lang yung blue berry cheesecake gamit yung tinidor niya. Tulala na naman siya.
“Rafaela, wag mong i massacre yung cake. Tsaka sayang lang kung paglalaruan mo lang at hindi mo kakainin.” Madiin kong sabi sa kanya.
Napa ayos siya nang pagkakaupo pagkarinig niya sa sinabi ko. Narinig ko rin siyang nagsabi ng ‘sorry’ sa hangin. Kahit na mahina ay narinig ko pa rin. Kasabay non ay ang malalim niyang pagbuntong hininga.
Napabuntong hininga na lang din ako. Ayaw ko itanong kay Raffy kung may problema ba siya kung yung tungkol sa pinag usapan nila ni Dane dahil nakinig lang ako sa pag uusap nila at baka magalit pa siya sakin pag sinabi kong narinig ko ang buong pag uusap nila.
Ganun din kay Dane. Kahit na tinatanong ako ni Jeff tungkol sa nangyayari kay Raffy at Dane ay hindi ko rin masagot gawa nga na baka magalit sila sa akin sa pakikinig ko sa usapan nila.
Sabi ko na lang kay Jeff ay hayaan na lang sila Raffy at Dane at saka nya na lamang tanungin ito kung sila mismo ang mag open –up sa amin.
“Nga pala Janna, balita ko yung company na pinag o-OJThan mo ngayon eh may celebration about sa establishment non dito sa Pilipinas. Ano ano ba mga mero don?” masiglang tanong ni Jeff.
Malapit na kasi yung anniversary ng company ng Manulife dito sa Pilipinas. Ang alam ko 19 years na rin nung nagka roon sila nang branch sa Philippines. Every year naman daw ay may mga nagaganap na parties at kung ano ano pa sa paghahanda ng celebration.
BINABASA MO ANG
Please Don't Ask Me
Lãng mạnSi Janna ay isang tipikal na studyante sa kolehiyo sa hindi sikat na Unibersidad. Alam nya kung ano ang gusto nya at yun ang susundin nya. Pero sa pag daan ng mga araw, unti unti nyang natutuklasan ang mga bagay na hindi nya aakalain pagdaraanan nya...