CHAPTER 5

7 0 0
                                        

Chapter 5

Hindi naalis yung titig nung babae kay Arman. Kaya hindi ko rin maalis yung pag titig ko sa kanya.

May binubulong sa kanya yung isang babae pero hindi naalis yung tingin niya kay Arman.

 

“Huy bessy, sino ba yang tinititigan mo?” hindi ko napansing kanina pa ko kinakausap ni Raf, kung hindi pa siya pumunta sa harap ko, baka natulala na ko dun sa babae.

 

“Ah wala, a-ano kasi y-yung..” bago ko pa matapos yung sasabihin ko, kinalabit na kami ni Dane.

“Hey, tapos na daw practice nila. Antayin na lang daw natin sila saglit.” Sabi ni Dane.

“ok” sabi naming ni Raffy.

Lumingon ulit ako dun sa pwesto ng dalawang babae pero wala na sila.

Nagsisi uwian na rin yung ibang students sa gymnasium. Nakita naming papalabas na rin sila Jeff at Arman sa locker room nila.

“Oh, salamat at hinintay nyo pa kami.” Nakangising sabi ni Jeff.

“Sabi mo kaya antayin naming kayo. Adik lang tol.” In sarcastic tone na sagot ni Dane.

“O.sya, tara na. Gagabihin pa tayo.”

Naglalakad na kami palabas ng school. Nagkukulitan sila Jeff at Dane.

“Tol, kanina may mga chicks na taga ibang school na nanonood sa inyo. May trip yata sa isa sa members nyo. Hehe.” Nakakalokong sambit ni Dane.

“Ows? Haha. Anong school dre?” tanong ni Jeff.

“Mga taga La Salle pa nga tol. Haha, anlayo nun dito ha. Siguro may kotseng dala.” Ngisi ni Dane.

 

“Nako, wag lang nilang aagawin ang Kira ko kung hindi, magkaka alaman na!” naka pout na sabi ni Raffy. Maka angkin lang dun sa Kira, kala mo pag aari niya na eh.

 

“Feeler ka na naman daldal, kala mo naman magugustuhan ka ni Kira.” Pang aasar ni Dane.

 

“Hoy parrot, sa ganda kong to malabong hin-“ di ko na pinatapos si Raffy dahil mag aasaran na naman sila.

 

“Tama na yan Raffy, magkaka sagutan na naman kayo eh.” Sabi ko. Nasa sakayan na pala kami.

 

“oh, andito na tayo sa sakayan. Sige na, ingat kayo ha.” Hinila na ni Jeff si Raffy at sumakay. Hindi na siya nakapag paalam sakin.

“Dane, mag iingat ka sa pag uwi.” Sabi ko kay Dane, nakatingin kasi siya sa sinakyan nila Jeff.

Please Don't Ask MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon