Hello. Dedicated tong chapter na ito sa high school BFF kong si Diane Raῆoco at sa kanyang baby girl na aking inaanak na rin, si Rafaela Denise.. Lam na ;)
Chapter 4
Sobrang inet nang panahon kaya binuksan ko yung payong ko habang naglalakad.
Papunta na ako sa new building, nang may tumawag sa pangalan ko.
“Janna!” kaya napalingon ako sa likuran ko.
“Arman!” Gulat na banggit ko.
Tumatakbo siya palapit sa akin. Nung makalapit siya ay yumuko siya at pinatong yung dalawang kamay sa tuhod nya. Napansin kong hinihingal at pawisan siya.
“Oh, bakit parang nag marathon ka ng 10km jan? San ka ba galing?” takhang tanong ko.
“Oh.” Abot nya gamit yung kanang kamay nya ngunit hindi pa rin naka tingin sa akin.
“Panyo ko? Bakit na sayo to?” tanong ko ulit.
Tumayo na siya nang maayos at pinagpagan ang uniporme niya.
“Nalaglag mo nung nasa gate ka pa lang.” sagot niya na mukang hindi na gaanong hinihingal.
“Oh? Hindi ko napansin. Anyway, salamat ha. Nag abala ka pang ihabol. Sana sa classroom mo na lang binigay.”
Tumingin siya sa ibang direksyon at napansin kong namula ung tenga niya. Bakit kaya?
“Ano, kasi baka hanapin mo kaya hinabol na kita. Tsaka nasa likuran mo lang ako noh. Hindi mo lang napansin dahil malalalim ang iniisip mo.” Saad niya nang hindi pa rin tumitingin.
Ganoon ba ka halata na malalim ang iniisip ko? Parang hindi naman.
“Oy, hindi naman ah.” Pagkakaila ko sa kanya.
“Tss.” Yun na lang nasabi niya atsaka ako tinignan.
Medyo nawala na yung pamumula ng tenga niya. Pero pinagpapawisan pa rin siya
Maaraw nga pala tapos tumakbo pa siya para ihabol yung panyo ko.
Pinayungan ko siya ng payong ko, kahit nahihirapan ako dahil sa katangkaran niya ay pinayungan ko pa rin siya.
“Wag na” tinabig niya yung kamay ko. Pero nagpumilit ako kaya inagaw na niya yung payong ko.
“Ako na nga!” at pinayungan niya kaming dalawa.
BINABASA MO ANG
Please Don't Ask Me
RomanceSi Janna ay isang tipikal na studyante sa kolehiyo sa hindi sikat na Unibersidad. Alam nya kung ano ang gusto nya at yun ang susundin nya. Pero sa pag daan ng mga araw, unti unti nyang natutuklasan ang mga bagay na hindi nya aakalain pagdaraanan nya...