CHAPTER 3

20 1 0
                                        

Chapter 3

Mas maaga ako nagising ngayon. Since 8 a.m. pasok ko sa OJT.

Nasa kusina na si Mama pagka baba ko.

Good morning Ma.” Bati ko sa kanya.

 

“Good morning din anak, ang aga mo ha” nakangiting balik nya.

“Diba po kasi, 8 a.m. pasok ko sa OJT, kaya inagahan ko na para matulungan ko po kayo maghanda ng agahan.” Sabi ko.

“Nako, hindi na. Alam ko naman na marami ka rin gagawin sa papasukan mo at sa school mo pa, dabi mo nga kagabi may pasok ka pa.” saad ni mama habang nagluluto ng sinangag.

“Hindi ko na nga po kayo laging natutulangan dito sa bahay dahil sa school at ngayon nadagdag pa yung OJT sa mga schedules ko.”

“Ngayon pa na pumapasok na rin si Hale sa school, mas lalo lang po kayo mapapagod.” Sabi ko habang nag aayos nang hapag kainan.

“Okay lang naman anak, andito lang naman ako sa bahay. Minsan ko na lang puntahan yung business natin kaya walang kaso kung hindi mo na ako matulungan dito sa bahay.” Tugon ni Mama.

Sa totoo lang, hindi kami ganon kayaman. Wala rin kaming katulong sa bahay dahil sabi nga ni Mama, hindi naman na kailangan dahil apat lang kami sa bahay at naroon lang naman siya lagi

Nagkataon lang na maganda ang trabaho ni Papa at may business din na tinayo si Mama para maka tulong din sa tuition at allowances ko.

“Kahit na po, wala naman po tayong katulong dito sa bahay para may katulong kayo sa lahat ng gawaing bahay, obligasyon ko din po kayong tulungan. Napapagod din po kayo Ma.” Sinserong saad ko.

“Naiintindihan ko anak, at salamat dahil napaka maalalahanin mo. Pero mas mahalaga ay yung mag aral ka ng walang bumabagabag sayo at wala ka na ring iniintindi dito sa bahay dahil andito naman ako.

 

At mas obligasyon kong pangalagaan kayo.” Nakangiting sagot nya habang sinasalin ang mga niluto nya.

Napabuntong hininga na lang ako. Napaka bait at maalalahanin talaga ni Mama, sana may mga ganoon din akong katangian gaya ng kanya..

“Aba, anong pinag uusapan ng mag ina ko at ke aga aga nagtsi tsismisan kayo?” si Papa na nakangisi sa amin ni Mama habang papunta sa upuan nya.

“Good morning ha, talagang ang description mo sa pinag uusapan namin ng anak mo eh pagtsi tsismisan lang, hmmp” sabay lapag ni Mama ng prinitong itlog at hotdog sa harap ni Papa.

“Eh ano ba kasi pinag uusapan ninyo nitong unica hija ko?” pabirong sabi ni Papa habang tinitignan ako.

Please Don't Ask MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon