"Ang pagmamahal ay laging may kaakibat na pagtitiwala. Ngunit paano kung biglang naglaho ang buong tiwala mo sa taong minamahal mo? Sapat pa rin ba ang pagmamahal para magpatuloy o sapat na ba ang pagkawala ng tiwala para lahat ng nararamdaman ay m...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Minsan sa buhay akala natin alam na natin ang lahat, akala natin nasa punto na tayo ng buhay natin na pinakamasaya, pinaka-nakakakilig, yung tipong masasabi nating kontento na tayo.
Pero yun pala babawiin din agad sa atin, matapos ang matinding saya ay ang matinding kalungkutan. Kalungkutan na nag-iiwan sa ating puso ng sugat, malalim na sugat. Pahiram lang pala ng tadhana ang lahat. Ilang beses ba tayo dapat masaktan? Ilang beses dapat magtiwala at ilang beses ba tayo dapat madapa para matuto?
Tanaw na tanaw ko ang ganda ng langit, ang lawak ng karagatan na hindi kayang sukatin ng aking paningin. Kay gandang pagmasdan ng bawat alon na humahampas sa dalampasigan. Sana tulad ito ng buhay na puro maganda ang makikita at mag-iiwan ng ngiti sa labi ng bawat makakakita. Pinikit ko ang aking mga mata dahil sa nagbabadyang luha. Sana huminto ang oras, sana dito nalang ako habambuhay.
Unti-unti kong minulat ang aking mga mata, inalala ang masasama at magagandang ala-ala ng nakaraan. Minsan pala sa buhay ng tao, talagang darating ang panahon na pipiliin mong balikan ang mga nangyari sa mga nagdaang araw, buwan at taon. Masaya man ito o malungkot, maganda man ito o masama, parte pa rin ito ng ating pagkatao.
"Ang ganda ng tanawin noh? Nakakawala ng stress at problema."
Napalingon ako sa gawing kanan ko. Nakita ko ang isang lalaki. Mukha syang disente, mamula-mula ang kanyang mga pisngi.
"Excuse me? Are you talking to me?" takang tanong ko.
"May iba ka pa bang nakikita maliban sa ating dalawa?"
"Tss, hindi ako nakikipag-usap sa hindi ko kilala."Sabay baling ng aking mukha sa harap ng dagat. Sa totoo lang ginawa ko ng bisyo ang pagpunta sa harap ng dagat kapag magulo ang isip ko o kaya naman gusto kong makapagmuni-muni. You know part of growing up! Haha...
"Ang sabi nila, mas mabuti daw na makipag-usap sa isang stranger. Dahil sa hind kayo magkakilala, hindi ka nya madaling huhusgahan." Napalingon akong muli sa sinabi nya. Nag-isip-isip ako habang nakatingin sa kanyang mga mata. Teka parang narinig ko na ang linyahang yun ah! San nga ba yun? Hmmm san nga ba?"Pwede mong ibahagi sa akin kung ano mang gumugulo sa isipan mo, at pangako hindi kita huhusgahan." dugtong nya pa.
Nagbitiw ako ng isang malalim na hininga. Well, sa totoo lang may point naman sya, I can open up to someone I really don't know, for sure di naman na ulit kami magkikita nito.
"I met this guy. . ." kumunot ang noo ko sa knya dahil apat na salita pa lang ang nabibitawan ko eh nakuha na nyang ngumisi. Damn!"Pinagtatawanan mo ba ako? Akala ko ba no judgement dahil hindi tayo magkakilala?!" singhal ko sa kanya.