1

2.8K 46 37
                                    

Kalon

"kal tapos ka na?" tanong saakin ni ricci, kasalukuyan kaming nasa rodics, kumakain kaming dalawa dahil niyaya niya ako.

"oo bakit?" sagot ko. Umiling lamang siya at nangiti. Kumunot ang noo ko.

"weird kang bata ka. Bakit ang dami mong fans?" biro ko, lumaki lalo ang ngiti niya.

"ikaw lang naman may ayaw sa akin, ang swerte naman talaga ni Gomez De Liano sayo!" pang-aasar pa niya. Nanlaki ang mga mata ko,

"baka gusto ko si Juan." sarcastic kong sabi, tumawa si ricci, kaya tumingin sa amin yung mga tao.

"akin ka na lang, mas sosyal lang apelyido ni juan pero mas gusto kita" pang-aasar pa ni ricci, umirap lang ako at uminom ng tubig.

Naglalakad na kami ni ricci ngayon papunta sa gym, dala-dala niya yung backpack niyang napakalaki.

"libre mo ko milktea." sabi ko bigla, ngumiti siya, naglakad kami papunta sa milktea shop na malapit sa gym nila.

"Kalon, wag ka na kay Juan ha? Kahit 'di na sa akin, wag lang kay juan." sabi ni ricci at tumakbo papunta sa gym.

Naiwan akong nakatulala habang hawak ang milktea ko. After ko magising sa katotohan ay umupo ako sa isa sa mga mesa, nilabas ko ang laptop ko, at nagsimulang trabahuhin yung assignment ni ricci.

Two years ago, sabi sa akin ni ricci na gusto niya ako, and everytime, I would say no. Si Juan kasi mahal ko since high school. Since first year high school magkaibigan na kami ni juan, nadaanan ko lahat ng girlfriends niya, hindi man lang ba siya nagtaka na wala akong naging boyfriend? Second year college na ako, siya pa rin? 6 years ko na siyang mahal.

"Si ricci?" tanong ko pagpasok ko sa gym, everyone was looking at me, lahat silang players nakatingin sa akin, Even juan. Usually kasi, ang hanap ko lagi si juan, pero iba kasi ngayon.

"oh bakit? Nilibre na nga kita ng rodics at milktea may kulang pa ba?" he asked, nagpupunas siya ng pawis, sakto ako sa break nila. Ngumiti ako, inabot ko yung gatorade na binili ko kanina.

"para saan 'to?" tanong niya at tinignan yung gatorade. Tinitigan ko muna si ricci, mga 10 seconds, nakatingin din siya sa akin, nakakunot ang noo.

Hinila ko yung t-shirt niya kaya napayuko siya, pumikit naman ako at hinalikan siya. Everyone started to cheer, kobe being the loudest. After ilang seconds ay lumayo ako. Nakangiti lang ako habang nakatulala si Ricci.

"oh, practice na ulit." sabi ni coach, nakatulala pa rin si ricci sa gitna ng basketball court. Natawa ako, nakahawak pa rin siya gatorade ng mahigpit.

"bukas ulit, uwi na ako! Bye guys!!" I waved and went on my way. Sumakay ako ng jeep palabas ng up, pabalik sa katipunan at pauwi sa antipolo.

Nagbabasa lang ako ng handouts sa jeep nang tumunog ang phone ko,

Tangina kal, hindi ako ready.

natawa ako sa text ni ricci. Ngumiti lamang ako.

Tapos na practice?

Luh pafall ka?

   Bakit? Nagwowork ba? ;)

Kalon Klaire! Magtigil!

Wag papatuyo ng pawis sir.
Ligo ka na agad baka
magkasakit ka.

Wag kang ganyan!!
Usap tayo bukas.

Sige po. Bukas. Text mo ko pag
nasa condo ka na ha?

Ah wow, jowa?

Ah sige, ayaw?

Ingat ka madam.

Sige sir. Ikaw din!

Mukha mang tanga, pero nakangiti ako habang nasa tricycle. Sinend ko kay ricci yung file ng assignment niya via messenger. Nang biglang magchat sa akin si juan.

Kayo na?

Why so sunget?

Answer mo na lang Kal!

Bukas pa namin pag-uusapan.

Tsk! Sabi ko na nga ba kay Rivero
bagsak mo eh.

Luh

Double date tayo pag napagusapan
niyo na sitwasyon niyo.

WHAT? May girlfriend ka na?

Yes!! Last month pa, was waiting for
the right time to let her meet my bestfriend!!

You'll like her kal, I swear!! Ang dami niyong similarities!

Sure yan ah. Sige na matutulog na ako, pagod ako sa biyahe.

Hindi ko na hinintay ang reply ni juan. Nag offline na ako. Magkapareho pala kami, bakit hindi nalang ako? Pareho lang pala kami eh.

Umiiyak ka ba?

Text ni Ricci, kumunot ang noo ko.

Hindi sir. Ba't naman ako iiyak.

Nasa gc namin, yinaya ako ni juan.
Okay ka lang ba kalon?

Full name ah. Oo okay lang ako, wag u magalala sir. Okay 'to.

Shet nafall ka na ba sakin kal?

Ayaw mo ba?

Wala nang bawian yan!

Pag-usapan natin bukas lahat Ricci. :) pero tulog na muna ako, pagod ako sa byahe eh.

Dapat hinintay mo kasi ako, para naihatid kita, hindi yung kiss and run ka.

Wala na yung dramatic effect kapag hinintay kita diba, eh kanina nga tulala ka, o edi panis! Tsaka pag hinatid mo ako, mas mapapagod ka sa byahe.

So what?

Ayaw ko napapagod ka sir.

Luh pafall.

Luh nafall.

Charmolypi | Ricci Rivero Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon