3

1.7K 34 17
                                    

Nakatitig si ricci sa nachos niya, while I'm smiling at Danielle. Mabait naman siya, palangiti and everything. When juan and danielle started talking, nakatingin pa rin si ricci sa nachos niya. Hinawakan ko ang kamay niya.

"hi." bulong ko, tinignan naman niya ako at ngumiti. I held his hand tighter, kahit na isang kamay lang gamit ko sa pagkain okay lang.

"paano ba yan guys, una na kami ni danielle. Hatid ko lang siya," pagpapa-alam ni juan, I nodded, umapir siya kay ricci at bumeso sa akin.

"bye kalon, it was nice meeting you, hang out ulit tayo soon ha!" sabi ni danielle sa amin, ngumiti ako at bumeso rin sakanya.

"oh bat tahimik ka?" tanong ko kay ricci habang naglalakad kami papuntang grocery.

"pareho kasi kayo ni danielle." kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni ricci,

"wala nga kaming similarites masyado" I said,

"for starters, pareho kayo ng height, body mass, pareho kayong maputi, pareho kayong kulot, pareho kayong maiksi buhok." he explained, binibilang pa niya gamit ang fingers niya to prove a point.

"pero may difference naman kami." I said,

"hindi kal, masyado kayong pareho, pati pabango niyo ata pareho, tanga tanga rin si juan eh, pareho lang pala kayo ni danielle, di pa ikaw jinowa niya"

"alam mo difference namin ni danielle?" tanong ko sakanya, dismissing his words about juan not choosing me.

"ano?"

"sayo kasi ako." I said, nangiti naman si ricci,

"luh kilig siya." sabi ko, ngumiti lang si ricci.

After namin mag grocery for my toothbrush and ice cream ay umuwi na kami sa condo ni ricci.

"tagal ka pa?" I asked him, nakaupo na kami sa couch. Suot ko yung tshirt niya at shorts. Nag momobile legends kasi siya.

"yeah, kakastart lang namin maglaro ni noah." he said, tumango lang ako.

After 10 minutes of boredom ay tumayo ako para kumuha ng ice cream, nang makaisip ako ng idea.

"kal, penge naman" sabi ni ricci, pero nakafocus pa din siya game niya. Sinubuan ko siya ng chocolate ice cream.

"B." tawag ko sakanya,

"hmm?" he asked pero di pa rin siya tumitingin sa akin.

"I'm boreeeeeeed"

"penge pa ice cream" he said, ignoring me being bored.

"wala na." sagot ko naman

"hanap ka ng sweets dyan, alam ko may chocolates na iniwan diyan si mama nung nakaraan." he said,

Kiniss ko siya.

"oh, natulala ka nanaman" sabi ko at ngumiti. Hayyyy this guy is melting my heart.

"wala ng chocolates, ako nalang yung sweet sa buhay mo." sabi ko, pero nakatulala pa rin siya.

"tagal ka pa?" I asked, pinatay niya ang phone niya kahit hindi pa sila tapos.

"priorites" he said at yinakap ako. I smiled.

"hanap ako ng condo or dorm bukas." sabi ko, I was playing with our hands, napaupo naman siya.

"why?" he asked,

"nag-usap na kami nila mama, kukuhain na nila si cj, so wala nang matitira sa bahay." my parents fell inlove with canada and lived there, me and my brother stayed here. Kaso, kakagraduate lang ng kapatid ko sa high school, and sa canada niya gusto mag college.

"wouldn't you be sad?" he asked, hugging me tighter than usual.

"nah, I got you b, I wouldn't be sad as long as I have you"

Charmolypi | Ricci Rivero Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon