Chapter One
AUSTIN'S POV
Hindi ako makapaniwala, natalo ko si Jairus. Kalalabas lang namin sa bar, nag jamming kasama ang barkada. Pustahan kasi sa grupo namin na kung sinong manalo siya ang taya, kaya ayun, ako ang nanalo so I am oblige to do my part. Hindi uso ang KJ sa grupo kaya walang pwedeng umayaw. Nararamdaman ko ang espirito ng alak. Sht, napadami ako ng inom ah. Istrikto pa naman si papa, nakakasira daw ng reputasyon kaya dapat ingat na ingat ako sa mga galaw ko. Good boy ako tol! Hindi ako yung mahilig magwaldas ng pera, mostly kasi sa mga anak mayaman eh mga spoiled brat, kaya lang ibahin niyo ako. I can manage myself. Gumegewang ako patungo sa kotse ko, ako lang ang kotse ang gamit sa aming apat. Kinukutya nga nila ako, mga motorcycles kasi ang gamit nila. Kauri ko rin sila, kasali kami sa Phil. Motocross Foundation.
"Sht, where's my key??" hanap-hanap. Wala sa bulsa ko. Gumewang na naman ako pabalik. Kinatok ko yung glass dahil hilong-hilo na ako.
"Sir, susi nyo?" tanong nung babae sa counter kanina.
"Yeah! Thanks!!" hinablot ko at bumalik sa kotse.
Napasandal ako sa kotse habang binubuksan. Hindi pa naman ako sanay magdrive na lasing. Bakit parang may nakatingin sa akin. Kanina pa. Lakas ng utak ko pero nanghihina ang katawan ko dahil sa epekto ng alak. Baka mamaya may balak pala sa akin yung taong yan. Lumingon-lingon ako. May isang taong nakatayo sa medyo malayo.
"Hey!! What are you looking at??? Carnaper ka ba???" sigaw ko. Humawak ako sa pintuan ng kotse n nakabukas.
"Sir, kailangan niyo ng drayber? Janitor ako sa building na toh. Pwede ko kayong ihatid sir." ngumiti ito.
Woah. Wag mong sabihing bading ka. Ayoko nga baka pagnasaan mo lang ako. Sayang ang katawang to pag sayo lang napunta. (Forgive me guys. No offense to gay people, I too, have gay friends. This is just my imagination, okay?) Gandang lalaki ka pa naman.
"Huwag na, baka rape-in moh pa ako.!!" sabi ko at natumba na ako sa loob ng kotse.
JAY'S POV
Hindi ako makapaniwala, inuntog ko lang ang ulo ko sa pader.
"ARAY!!!" daing ko. Wahhhhhh gusto kong sumigaw, gusto kong magwala. Wish granted. Birthday ko pa naman. Wahhhhh.... TRUE???? Nakita ko si Austin my loves. Hindi lang yun, nakausap ko pa siya. Wahhhhh. Ang cool ng boses. Si Austin, nagandahan sa akin dahil nahimatay. Pinagsasampal ko ulit mukha ko.
"Aray, aray!! Gaga, asa ka namang maganda ka, syempre nahimatay dahil nasobrahan ng alak." sermon ko sa sarili ko. Ano ng gagawin ko. Ay, oo nga pala, wish no. 2 ay ang halikan siya.
Ay, ngyeh, engot ko naman, mamaya muna ako magpantasya dito. Kailangan ni Austin my loves ang tulong ni super Jay. Tinaas ko ang kaliwang kanan ko at tumakbo papunta sa kotse niya. Inayos ko ang pagkatulog niya at umupo sa drivers seat. Teka, saan ko kaya to dadalhin. Hindi ko alam kung saan siya nakatira. Dinukot ko yung pitaka niya, may lamang pera, baka nasa 5 to 10k siguro pero hindi ko na pinansin, baka pagkamalan pa akong magnanakaw. May isang calling card dun. Binasa ko yung address niya. Hmmm. No wonder, mayaman nga siya kaya siyempre sa sikat na subdivision ang bahay niya. Sinulyapan ko ang gwapo kong katabi.
"Hoy Austin my loves!! Pasalamat ka at hindi ako kidnaper kundi kawawa ka siguro pag gising moh."
Swerte ko naman, kahit hindi ko trineat ang sarili ko, isang napakagandang nilalang naman ang katabi ko ngayon. Take note, hindi lang minuto kundi isang oras ko siyang makakasama dahil babagalan ko ang takbo ng kotse. Oh, di bah? Sulit. Dati-rati, sa papel ko lang siya nakikita pero ngayon, kaharap ko na siya, ay katabi pala. Hmmm. Bango moh Austin. Promise, swerte ng mapapangasawa mo. Naglakas loob talaga ako kanina na kausapin siya. Parang do or die bah... Sayang ang pagkakataon pag pinalampas ko pa. Hihingi pa sana ako ng fan sign kaso lasing nga eh, tsaka wala akong dalang bolpen.
BINABASA MO ANG
BRAT - Short Story ( FINISHED )
Historia CortaThis is a story about a girl who needs a love , attention and affection from those people around her. She had been an angel but because of jealousy, she transformed into a very furious, ruthless, rebellious, and an unfriendly person who trust no on...