Chapter Eleven

801 8 0
                                    

Here's my new chappie... hope you'll love it... jejejeje

Now I can give an update... GRiniNg from Ear to EAr..!! ~_____~

JAIRUS'S POV

I'm in the middle of an important meeting nang mag ring ang phone ko, Sh*t! I didn't put off my phone. Nag-excuse muna ako at sinagot ng makita ang no. ni Alia. Kinabahan ako. She never texted me, how much more ang pagtawag. I think, something happened.

"Hello!"

"Makati Med sir, We just want to inform you that something happened to the owner of this phone, she's admitted at room 102."sabi sa kabilang linya.

Mabilis kong tinakbo ang kotse ko at pinuntahan siya. What happened??? Ang malaking katanungan sa isip ko. Please sana naman okay lang siya. Tumakbo ako papunta sa room 102. pag-open ko ng pintuan, nakita ko siya. May bandage sa kaliwang brasot. Ito na ang kinakatakutan ko na mangyari. Ang makita siyang may sugat o di kaya ay nasasaktan. Pinunasan ko yung luha ko, kalalaki kong tao pero naluluha naman ako. Hinawakan ko ang kamay niya. I kissed her on the forehead. Hindi ko maiwasang mag-isip ng negative, paano kung mas higit pa ang ginawa nila sa kanya, just thinking about it makes my Blood reach the highest temperature at gusto kong pumatay ng tao, pero medyo kumalma ako ng mapansing intact pa naman ang damit niya.

Napansin ko  yung jacket niyang nakahang sa upuan, sira ito. Sinong may kagagawan nito. Inon ko yung TV.

News Report: Ulo at lider ng HOY POLOY gang, nahuli na.

Pagkatapos ng nangyaring madugong labanan sa _______ , Makati kaninang tanghali, nahuli na rin ang pinaka wanted na lider ng hoy poloy gang na tinaguriang pinakamatinik na grupo ng mga criminal. Pati ang mga maliliit na grupo ng gangs na ginagamit nila para magbenta ng mga ilegal na droga ay nahuli rin matapos maraid ng ating mga pulisya ang bodega kung saan naganap ang gulo. Ayon sa mga pulisya, may tumawag daw at nagsumbong na may nangyayaring gulo sa lugar na yun.

"May tumawag sa opisina, babae ang boses at sinabi ngang may nangyayari sa lugar na yun kaya agad-agad na rumesponde ang pulisya natin. Kung sino man siya, gusto naming pasalamatan dahil malaking tulong siya para mahuli natin sila. Matagal na kasi nating pinaghahanap ang mastermind sa pagpatay at pagnakaw sa bahay ng isang foreign na businessman. At ngayon, mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay niya dahil nahuli na nga sila. " SPO2 Agassi.

Tumingin ako kay Alia, malamang siya yung nagsumbong sa mga pulisya. Gusto kong sugurin ang mga taong yun pero hindi tamang magpadala sa galit, bahala na ang Diyos na mag bigay parusa sa kanila. Makukulong din naman sila. Ang pinagpapasalamat ko lang ay hindi siya namatay. Kundi baka mabaliw na ako sa kaiisip, nakakakonsensiya na hindi ko siya natulungan man lang. Pero ganun pa man,

Saludo ako sa katapangan ni Alia pero kung ako ang tatanungin, ayoko ko na siyang palabasin sa pamamahay ko. Pero alam kong imposible yun.

Narinig ko siyang nagsalita kahit nakapikit.

"Mom, Dad,??? I'm so sorry for being mean." may tumulong luha sa mata niya.

Dahan-dahan kong pinunasan ang luha niya. Nananaginip siya siguro. Tumawag ako sa mga magulang niya at sinabing nasa ospital siya, sinabi ko ring hindi naman yung sobrang nasugatan siya. Maya-maya sumugod na sila sa ospital.

"How is my baby????" agad-agad na dinaluhan ni mommy si Alia. Umiyak ito habang nakayakap kay Alia.

Si daddy ay pinagmasdan lang si Alia. Alam kong galit siya sa gumawa nito pero sinabi kong nahuli na sila. Nakuyom lang ang palad niya. Alamko ang nararamdaman ng isang magulang sa isang anak. Ikaw ba naman, aalagaan mo ng ilang taon tapos may isang tao na mananakit sa kanya, ang sakit nun. May dala rin silang mga prutas.

BRAT - Short Story ( FINISHED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon