Hello.. I'm so sorry for the late update... Burial kasi ni lola kaya ayun, hindi ako makapag update ng maayos.. Eto na bawi ako sa two days kong absence..
JAIRUS'S POV
Ilang araw ko ring hindi nakita si Alia ah. Last day of registration ngayon kaya nakakapagtataka kung hanggang ngayon ay wala pang pumupunta dito para magpa register. Tsineck ko kase yung list eh wala pa ang name niya. Kasali rin kasi yun dito eh. Lahat sinasalihan talaga. May tumapik sa likod ko. Lumingon ako at nakita ang best buddy ko. Si Austin. Kababata namin ni Alia at kalaro rin pero nung 2nd year high school na kami, biglang nag-iba ang pakikitungo ni Alia sa amin. And until now, I still don't know the reason why.
"Hey dude, I thought you're in Davao?" tanong ko. Inasikaso kasi niya ang business nila dun.
"Dude naman, Of course, I don't want to miss this competition. Even if I can't beat you, I still want to join." tumawa ito.
At iginaya ko siya sa registration room. Motocross at fencing lang kasi ang laro nito. May alam din naman sa martial arts pero takot makipag compete. Tinalo kasi ni Alia nung high school kami kaya nawalan ng interest na sumali. Natakot siguro. Pero pagdating sa fencing, hindi ko siya matalo-talo.
Katatapos lang ng registration ng may dumating, sino pa bah? Walang iba kundi si Alia, lagi na lang last minute pag magpaparegister. Inirapan niya lang kami. Napangiting umiling na lang ako. Hindi mo talaga mabasa ang ugali.
"Just ignore her dude." pansin ni Austin sa akin. "Alam mo namang ganyan yan eh. Hayaan na natin siya sa gusto niyang gawin."
Nakisabay na lang ako sa kanya. Linagpasan kami ni Alia at tinapakan na naman ang paa ko.
Nakakapang gigil talaga ang babaeng toh. Wait ka lang ha at makita mo kung pano akong magalit. Kinuyom ko ang palad ko, napansin ata ni Austin kaya hinila ako.
"Dude, she's still a lady. Alam ko namang hindi mo kayang pagbuhatan ng kamay si Alia eh."
"Alam mo, hindi ko talaga alam kung pano ko siya bigyan ng aral eh." galit kong sabi.
"Nanadya siya eh, sarap sanang bugbugin kung lalaki lang siya."
"Bugbugin moh kaya ng halik moh, baka matauhan." nakangisi niyang wika.
"Gag*!" binatukan ko na lang siya.
ALIA'S POV
Sinadya kong apakan ang paa ni Jairus dahil gusto ko. Haha baka basag na ang balls nun sa galit. Ang pinaka ayaw niya kasi ay yung inaapakan ang paa niya. Nakita ko rin si Austin pero hindi ko na lang pinansin kahit na miss na miss ko na ang kulitan naming tatlo. Sayang, hindi ko na magawang lumapit sa kanila dahil kinakain ako ng pride ko. Ako tong nagsimula ng lahat kaya paninindigan ko na lang kung anong nasimulan ko. Hay buhay nga naman. Nakapagregister na ako para sa Friday. I hope I could win. Pero malabo eh, anjan si Austin at Jairus na laging nangunguna. Sumakay ako kay Nitch at binalik yung earphone sa tainga ko. I'm chewing a gum at pinaputok yun. Ganun lang ang routine ko. Laging may nginunguyang bubble gum at kung minsan, lolipop. Tsaka hindi rin mawawala yung earphone sa tainga ko. Nakikinig kasi ako ng music pag nakasakay sa motorcycle.
Pumunta muna ako sa bay walk, maglakad lakad lang at magmuni muni kung anong gagawin ko. Wala na kasi akong pasok kasi tapos na ang studies ko. Hindi ko pa trip magtrabaho eh. Nakikinig ako ng music habang naglalakad ng may bumangga sa akin na bata. ASAR naman toh. Natumba ito at bumangon, teka bakit parang pamilyar tong bata.
"Sorry po ate." sabi nito at tatakbo sana pero may humawak sa buhok nito. Isang lalaking payat na mukhang adik. Nakatingin lang ako sa kanila habang iniisip kung saan ko nga ba nakita ang batang toh. Yeah! Right! Si Jay.
BINABASA MO ANG
BRAT - Short Story ( FINISHED )
Historia CortaThis is a story about a girl who needs a love , attention and affection from those people around her. She had been an angel but because of jealousy, she transformed into a very furious, ruthless, rebellious, and an unfriendly person who trust no on...
