PROLOGUE
━━━━━━━※✧O✧※━━━━━━━Nakakapagod maglipat, pero mas nakakapagod yung tatanggalin mo na yung mga gamit mo sa boxes at aayusin ito sa dapat nitong kalagyan. Kaya naman inabot si Dawson nang tatlong araw bago niya natapos ang huling box ng gamit niya.
As usual fastfood delivery na naman ang hapunan niya dahil wala na talaga siyang energy na magluto, as if din naman na marunong siyang magluto. Pagkatapos mag-order ay naligo na muna si Dawson para pagdating ng pagkain niya dire-diretso na ang pagrerelax niya sa kanyang sofa.Nagtutuyo siya ng buhok niya gamit ang towel nang mapahinto siya sa paglalakad, paglabas kasi niya ng kwarto niya ay nakita niya na may batang naka-upo sa sofa.
Napakunot-noo si Dawson dahil sinigurado niya na nakasarado ang pinto bago siya pumasok sa banyo kanina. So paano nakapasok ang bata sa unit niya?
"Excuse me, sino ka? Paano ka nakapasok?" malumanay na tanong niya sa bata, ayaw naman niya na matakot at umiyak ito bigla.."Nakikita mo po ako?" excited na sagot sa kanya ng bata.
Nanlaki ang mga mata ni Dawson at kinilabutan siya sa sinabi ng bata.
"B-Bakit? H-Hindi ba dapat k-kita nakikita?""TANG-INA!!! SHIT!!!" napasigaw bigla si Dawson nang sa isang iglap lang ay nasa harap na niya ang bata.
"Nakikita mo po talaga ako? At wag po kayong magsalita ng bad words.... Pero talaga po nakikita nyo ako?.....Ikaw pa lang po nakaka-usap sa akin, lahat sila ayaw po akong pansinin. Nakikita mo ako! Ang saya saya!!!" panay ang talon sa harap ni Dawson ng bata habang patuloy na nag-iisip si Dawson kung sisigaw ba ulit siya o tatakbo na lang palabas ng unit niya."M-Multo ka ba?" natatatangang tanong ni Dawson.
"Hulaan mo po..." nakangising sagot naman ng bata. Napa-antada naman sya.
"Please, wag mo akong patayin, hindi ako yung pumatay sayo. Please, kabibili ko lang ng condo na to, huwag mo akong patayin..." pagmamakaawa ni Dawson."Grabe ka naman po....hindi naman po ako pumapatay. Diyan talaga ako nakatira sa kabila kasama ng Papa ko."
"Shit!" Pasigaw na sabi nya.
"Again po don't say bad words po." anito at nakuha pa syang pangaralan. Shit talaga.
"Hindi pa ba nila nakikita ang katawan mo. Pinatay ka ba ng tatay mo tapos itinago ka sa freezer?! Huwag kang mag-alala, tatawag ako ng security at SOCO, hahanapin namin ang katawan mo, ipapalibing ka namin ng maayos." Paghihisterikal ni Dawson."Hindi ako pinatay ni Papa. Mabait ang Papa ko at mahal na mahal ako nun." may bittersweet na ngiti ang bata sa kanyang mga labi habang binabanggit niya ang Papa niya.
"So, bakit ka nandito?" natatakot pa ring tanong ni Dawson.
Kanina pa talaga dapat sya kumaripas ng takbo palayo pero infareness naman talaga dito sa batang multo, hindi siya yung tipo ng multo na talagang nakakatakot.
Nakapangbahay lang ito, wala ring dugo sa anumang parte ng katawan niya. Parang buhay na bata lang talaga siya, kung tititigan mo lang talaga siya saka mo lang mapapansin na may pagkasee-through siya."Wala naman, nakita lang po kita naglipat nung lunes. Tinitignan ko lang po tong bahay mo po." nakangiting sagot ng bata tapos ay tinitigan sya nito. Again di naman nakakatakot talaga yung stare nya. Tatanungin na sana ni Dawson yung pangalan nung batang multo pero biglang tumunog ang doorbell nya kaya naman napatingin sya doon pero paglingon nya muli sa batang multo ay wala na ito.
Nagpalinga-linga si Dawson pero wala na talaga ito. Di nya alam tuloy kung makakahinga sya ng maluwag or baka naman guni-guni lang nya yun? Pero ang tagal nyang nakausap ang bata eh. Hay... Dawson nakakaloko na.Napapailing na lang sya saka binuksan ang pintuan at nandoon nakatayo ang delivery boy. Kinuha nya ang pizza na di nya alam kung makakain pa nya after ng nangyari saka sya nagbayad at umupo sa sofa pero kahit anong gawin nya di mawala sa isipan nya ang bata.
..................................
VOTE
BINABASA MO ANG
Heaven Sent
Teen FictionThe last thing that Dawson needed right now ay isang batang namimilit sa kanya na pasayahin nya ang Papa nito. Gusto na lang talaga nyang mapailing pero ng palalabasin na nya ito sa apartment nya.... Bakit biglang nawala ang ba...