CHAPTER TWO
THE BOY IS.....?
━━━━━━━※✧O✧※━━━━━━━Halos buong araw yatang hinintay ni Dawson na magpakita sa kanya ang batang multo pero mukang nakita din nito ang ginawa ng Papa Sidney nito sa kanya kaya ayun namuti na ang mata nya pero walang batang multo ang lumitaw.
Kaya ngayon ay napapa-isip sya. Kung di totoo na patay na ang anak ni Sidney, eh sino ang nakikita nya in two days na. Naiinis na tumayo sya ayaw pa naman nya ng ganitong feeling yung naku-curious sya about one thing at alam nyang di nya iyon titigilan hangga't di nya nalalalaman ang totoo.Kaya naman the very next day ay maaga ulit gumising si Dawson, hindi para mag-gym or mag-jog at hindi din para hanapin ang batang multo kundi para palihim na sundan ang kapit-bahay nya. Ang Papa Sidney ng batang multo. Marahan nyang binuksan ang pintuan nya ng makarinig sya ng yabag sa labas. Nakita nya si Sidney na may dalang bag at ni-lock na ang pintuan ng bahay niya saka naglakad papunta sa elevator. Pagpasok ni Sidney sa elevator ay agad na lumabas ng unit nya si Dawson at ini-lock ang pintuan saka sya nagmadaling sumakay sa katabing elevator para mahabol pa sa baba si Sidney.
Hindi naman nabigo si Dawson nakita pa nya sa baba si Sidney at masusundan pa nya. Maingat na sinunadan ni Dawson ang naglalakad na kapit-bahay ng lumiko ito sa unang kanto at ganun din ang ginawa nya pero nagulat na lang sya ng di na nya ito makita.Nagpalinga-linga si Dawson, sigurado siyang nasa may unahan lang kanina si Sidney. Iniisip niya kung saan kaya maaring lumusot si Sidney nang may biglang kumalabit sa kanya.
"Sinusundan mo ba ako? Mangti-trip ka naman? Gusto mo pa ba ng isang sapak?" Nakataas ang kilay ni Sidney na naka-umang na ang kamao sa kanya at handa nang manapak.
Itinaas agad ni Dawson ang kanyang mga kamay para pigilan si Sidney.
"Gusto ko lang sanang magsorry..." mabilis na sabi ni Dawson.
"...pero totoo yung sinasabi ko, nakikita ko siya..." mahinang sabi ni Dawson.Kumunot na naman ang noo ni Sidney at akala ni Dawson ay sasapakin siya ulit nito pero hinawakan ni Sidney ang wrist niya at hinila or much better kung sabihin natin na kinaladkad siya. Medyo nabigla naman si Dawson sa init ng kamay ni Sidney pero nawala ang attention nya doon ng lumiko sila at papasok na sa isang hospital na nasa pangalawang kanto lang pala nila.
Tahimik na sumunod na lang si Dawson kay Sidney hanggang sa makarating sila sa isang private room at nanlaki talaga ang mga mata ni Dawson nang makita niya ang bata sa kama na may iba't ibang aparatong nakakabit sa katawan.Siya yung batang multo!
"Hindi pa patay ang anak ko." May inis na sabi ni Sidney pero kita ni Dawson sa mga mata ni Sidney ang lungkot habang tinitignan ang anak niya.
"Nakita mo nang hindi pa patay ang anak ko, baka ginagaya lang ng multong nakikita mo ang mukha ng anak ko. Marami naman ganoon magtanong ka na lang sa mga paranormal expert.
Buhay pa ang anak ko, buti pa magsimba ka para layuan ka ng mga maligno!" itinulak palabas ng kwarto ni Sidney si Dawson. Hindi na nakapalag pa si Dawson dahil litong-lito na rin siya sa nangyayari.Umuwing naguguluhan si Dawson sa unit niya at halos mapatalon siya sa gulat nang pagsara niya ng pinto ay nakita na naman niya ang batang multo na nakaupo na naman sa sofa niya.
"Alam mo bang sinapak ako ng Papa mo?!" nakapamewang na lumapit si Dawson sa bata pero humagikgik lang ito ng tawa. Di nya talaga alam kung bakit nya kinakausap ito. For all he knows baka bad spirit nga ito na niloloko sya like what Sidney said.
"Aba't talagang tinawanan mo pa ako, lokong batang 'to! Hindi ka pa pala patay eh, nakita ko buhay ka pa teka baka tama si Sidney.... ginagaya mo ang anak niya! Sino ka ba talaga?" itinaas ni Dawson ang dalawang kamay niya na parang mangangarate siya.
"Wala po akong kinokopya, ako po talaga ang anak ni Papa Sidney." pa-inosenteng sabi ng batang multo,
"So ano? Nag-gagala yung kaluluwa mo habang comatose ka?" curious pa ring tanong ni Dawson.
"Teka mamamatay ka na ba?" biglang habol niya.Hindi umimik ang bata, tikom ang bibig nito na may pilit na ngiti na para bang nanghihinayang siya. At ayun na naman nakaramdam na naman sya ng awa para sa bata. Ilang minuto pa ang lumipas bago siya tuluyang nagsalita.
"Tulungan mo na lang po akong pasayahin si Papa... please po?" nakangiting sabi ng bata.
"Alam mo bumalik ka na lang sa katawan mo. Gumaling ka... yun ang magpapasaya sa papa mo." payo ni Dawson sa bata. Muling natahimik ang bata at halatang-halata na ikinukubli lamang niya sa kanyang mga ngiti ang kalungkutan niya.
"Hindi na ba talaga pwede?" naawang tanong ni Dawson sa kanya.
Umiling ang bata habang pinipigilan niyang mapaiyak.Napabuntong-hininga na lang si Dawson, naawa na talaga siya sa bata pero hindi niya alam kung paano siya makakatulong.
"Okay... pero asar nga sa akin ang Papa mo. Hindi ba pwedeng sa iba ka na lang humingi ng tulong?" umiling na namang muli ang batang multo.
"Eh bakit nga ako?" nakukulitan nang tanong ni Dawson.
"Kasi ikaw lang po nakakakita sa akin?" parang namimilosopong sagot ng bata. Napakamot naman sa ulo si Dawson. Akala naman nya may mas significant na sagot ang batang multo.
"Hindi ko sure ha, pero sige susubukan ko pa ring makipagkaibigan sa Papa mo."
"Ok po, salamat po. Huwag ka pong mag-alala mabait talaga si Papa..." nakangiting sagot ng bata.
"Mabait? Sabihin mo yan sa ilong ko na sinapak niya kahapon..." bulong ni Dawson sa sarili na narinig pa din ng batang multo kaya humagikgik na naman ito na medyo nakakatuwaan na ni Dawson na marinig.
Ang cute kasi parang tawa ng anghel sa halip na sa multo.....................................
VOTE
BINABASA MO ANG
Heaven Sent
Teen FictionThe last thing that Dawson needed right now ay isang batang namimilit sa kanya na pasayahin nya ang Papa nito. Gusto na lang talaga nyang mapailing pero ng palalabasin na nya ito sa apartment nya.... Bakit biglang nawala ang ba...