CHAPTER EIGHT: THE TRUTH

948 94 13
                                    

CHAPTER EIGHT
THE TRUTH
━━━━━━━※✧O✧※━━━━━━━




Nagising si Dawson at ang puting kisame ng hospital ang una nyang nakita, kasunod ng mga nag-aalalang muka ng magulang nya.
"Son....finally you're awake." Nakangiting sabi ng Mama nya. Tinapik naman sya sa balikat ng Papa nya.
"A-ano bang nangyari?" Tanong nya.
"Aris called us. Itinakbo ka daw nya dito sa hospital dahil daw sa pananakit ng ulo mo...halos isang araw ka ng tulog.... And don't worry naipagawa naman na namin ang mga test... Hinihintay na lang natin ang result." Sagot ng Papa nya. Napatango naman sya.

"Tell me anak, ano bang nangyari? Bakit sumakit ang ulo mo?" Tanong ng Mama nya.
"I don't know... Bigla na lang sumakit ang ulo ko then may mga blurred na parang mga eksena ang pumapasok sa isipan ko.... At di ko na kinaya ang sobrang sakit ng ulo ko." Sagot nya. Nagkatinginan naman ang magulang nya parehong may pangamba ang mga muka ng mga ito para sa kanya, ng bumukas ang pintuan, at di inaasahan ni Dawson na makita si Lance. Professional na lumapit ito sa kanila.
"Good morning Mr and Mrs Licauco... I'm Doctor Salvador... And hawak ko na po ang result ng test na isinagawa namin kay Dawson." Tumingin ito sa kanya na akala mo ay di sila nag-away.

"Ano nga ho ba talaga ang nangyari sa anak namin?" Tanong ng Papa nya. Tiningnan naman ni Lance ang hawak na mga papel.
"According po sa inyo.... Your son suffered a recent memory loss. Wala naman ho kaming nakita na diperensya sa kanya sa mga test kaya we concluded na ito ang dahilan. Maybe may nangyari kahapon that may triggered your lost memories." Sagot ni Lance sa mga magulang nya. Napatango naman ang mga ito saka tumingin sa kanya.
Hindi alam ni Dawson kung anong mararamdaman nya. Matutuwa ba sya na pwede pang magbalik ang mga nawala nyang ala-ala? Or matatakot dahil di nya alam kung tama pa bang maalala nya ang mga iyon.

"Salamat Doc...." ani ng Papa nya. Tumango naman si Lance saka sya nito tinapik sa balikat. And somehow alam nyang way na iyon ni Lance ng paghingi ng tawad sa nagawa nito sa kanya. Tumango lang sya saka ito lumabas ng hospital room nya. Tumingin naman sya sa mga magulang nya.
"Bakit ganyan kayo Ma, Pa? Di ba okay nga iyon kasi... Finally magiging fully okay na ako dahil maaalala ko na yung mga nakalimutan ko." Sambit nya. Umupo naman sa tabi nya ang Mama nya saka nito hinawakan ang kamay nya.

"Masaya ako anak.... Di ko lang alam kung ano ang magiging aksyon mo sa malalaman mo sa sarili mo." Sagot nito. Naguguluhan naman syang tumingin sa mga ito.
"Basta anak.... Nasa likod mo lang kami sa kung ano man ang matutuklasan mo sa sarili mo." Dagdag naman ng Papa nya. Naguguluhan sya pero mas pinili nya na wag na lang magsalita. Dahil di man nya aminin ay natatakot na din syang malaman kung ano ang mga nakalimutan nya.

.................................



Marahang inayos ni Sidney ang kumot ni Drei saka sya umupo sa tabi nito at hinaplos-haplos ang pisngi nito. Katatapos lang nyang punasan ang muka at katawan nito.
"Anak... Miss na miss na kita....sana gumising ka na... Mahal na mahal kita anak..." Nakangiting sabi nya ng marinig nyang bumukas ang pintuan.
"Dawson..." Sambit nya saka sya lumingon para lang madismaya dahil si Lance ang dumating. Tumango ito sa kanya saka sya tumayo mula sa pagkaka-upo.
"Mukang di ako ang hinihintay mong dumating ah." Biro nito. Napakamot naman sa ulo si Sidney.
"Hindi naman... Nasanay lang ako na lagi syang dumadalaw." Sagot nya.

Dalawang araw na kasi mula ng huling dumalaw si Dawson at aminin man niya o hindi na-mimiss din nya ang presensya ni Dawson sa loob ng hospital room ni Drei. Namimiss din nya ang mga corny na jokes nito na tinatawanan din naman talaga nya. Sige na, namimiss nya ito. Kumunot naman ang noo ni Lance sa kanya.
"Hindi mo ba alam?"
"Ang ano?" Tanong nya.
"Na-confined si Dawson dito sa hospital do to severe headache." Sagot nito. Bigla naman syang nakaramdam ng kaba para sa bagong kaibigan.

Heaven Sent Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon