CHAPTER ONE: A FRIENDLY GHOST?

1.4K 97 11
                                    

CHAPTER ONE
A FRIENDLY GHOST?
━━━━━━━※✧O✧※━━━━━━━




Kunot-noong pinatay ni Dawson ang alarm clock nya. Sa totoo lang di nya alam kung nakatulog ba talaga sya or hindi. Paulit-ulit kasing bumabalik sa isipan nya ang batang multo. Iniisip nya kung totoo bang nakita nya ito, totoo bang nakatira ito sa kalapit nyang unit? Napailing si Dawson saka sya umupo ng maayos at kinuha ang cellphone nya, may mga message sya from his Mom pero di nya muna ito sinagot sa halip ay lumabas na lang sya ng kwarto pero nagmasid muna sya baka kasi nandyan na naman ang batang multo pero wala naman syang nakita tahimik ang paligid. Kaya naman nakahinga sya ng malalim at malayang ginawa ang mga dapat nyang gawin.
At isa lang ang naiisip nyang way para maalis sa isipan nya ang batang multo ay ang mag-work out na lang sya. Tamang-tama meron syang nakitang gym di kalayuan kung saan sya lumipat ngayon.

Agad na kinuha ni Dawson ang gym bag nya na laging nakahanda pero paglabas nya ng kwarto ay nagulat na naman sya ng makita ang batang multo. Naka-upo na naman ito sa sofa at nakatingin sa kanya. Habang nakangiti at kumakaway.
"Hello po... Kamusta po ang unang gabi nyo dito?" Tanong nito sa kanya.
"Restless thanks to you." Sagot nya. Ewan ba nya mula kahapon dapat nag-fi-freakout na sya dahil for Pete's sakes multo itong kinakausap nya pero hindi eh. Kalmado pa din sya na para bang normal na nyang gawin ang makipag-usap sa isang multo.
"Ang galing po noh... Talagang nakikita po nyo ako...." anito ulit. Napakamot naman sya sa ulo.
"Bakit gaano ka na ba katagal na multo at walang pumapansin sayo?" Tanong nya.
"Matagal-tagal na din po....mahirap po pala ang ganito... Walang nakakakita sayo.... Walang pong nakikipag-usap." Sagot nito.

Nakaramdam naman ng awa si Dawson para sa bata. Napakabata pa nito para mamatay at magpagala-gala ang kaluluwa nito.
"Di po ba friend na tayo?" Maya-maya ay tanong nito at isang iglap ay nasa harapan na nya. Di maiwasan ni Dawson na magulat. Okay kung laging magpapakita ang batang ito dapat masanay na sya sa mga biglaang pagsulpot at pagkawala nito.
"Pwede naman, bakit ba?" Tanong nya. Ngumiti naman ng husto ang bata.
"Pwede po makipag-kaibigan kayo kay Papa Sidney...para po di na sya malungkot." anito. At sa pagsabi nito sa pangalan ng Papa nya ay may lungkot na dumaan sa muka ng bata. Napahinga tuloy sya ng malalim.

"Sige wala naman sigurong masama na makipag-kaibigan ako sa Papa mo." Sagot nya. Nagtatalon naman sa tuwa ang batang multo.
"Teka ano nga pala---" pero di na nya naituloy ang sasabihin nya dahil naglaho na naman ito. Napailing na lang si Dawson, ano ba itong pinapasok nya pero sa tingin naman nya harmless ghost naman ang bata para bang si Casper, the friendly ghost.
Pupulutin na sana nya ang bag nya ng tumunog ang cellphone nya kaya naman kinuha nya ito sa bulsa nya. Ang Mom na naman nya ang tumatawag. Napahinga sya ng mamalim bago sinagot ito
"Mom?"
"Finally you answered my call....dahil kung hindi... Pupuntahan na kita dyan." Sabi nito natawa naman sya sa sinabi nito.

"Nagiging paranoid ka na naman Mom." Sagot nya. Di naman ito tumawa.
"You know why Dawson.... Ayoko lang na maulit yung dati." Sagot nito. Napahinga tuloy sya ng malalim, six years ago he had a car accident. Halos malumpo sya noon but thanks God at gumaling pa din sya but may malaki pa ding epekto sa kanya ang nangyari, he also suffered a partial memory loss. Nawala lahat ng recent memories nya.
Kung bakit sya nasa probinsya ng araw na naaksidente sya, kung ano ba ang hinahanap nya doon? Wala ng nakakaalam dahil mismong isipan nya ay nalimot na iyon.
"Anak alam mo naman na I'm just being protective.... Ang tagal mo din bago ka naging fully recovered ayoko lang na may mangyari sayo.... Even yung pagsasarili mo ngayon ayoko nga din pero ano pang magagawa ko sinuportahan ka na ng Dad mo." Sabi ng Mom nya.

Naiintindihan naman nya ang Mom nya. Actually kahit sa tingin ng iba fully recovered na sya para sa kanya ay hindi pa, hangga't siguro di nya pa naaalala ang mga nakalimutan nya mananatili syang di buo.
"Naiintindihan kita Mom.... Just trust me.... Magiging okay ako." Assurance nya sa Mom nya.
"Ano pa nga bang magagawa ko... Pero dadalawin kita sa weekend dyan hah."
"Okay.... Love you Mom." anya.
"Love you too son... Take care always." anito bago nawala sa linya saka naman ibinaba ni Dawson ang cellphone saka sya napatingin sa kaliwang bahagi ng unit nya.
"Ano kayang hitsura ng Papa Sidney ng batang multo?" Mahinang tanong nya sa sarili.





.............................................






Kinabukasan na lang itinuloy ni Dawson ang pag-gi-gym. Agad nyang kinuha ang gym bag nya at lumabas na ng unit nya. Kalalock pa lang nya ng pintuan ng nakita na naman niya yung batang multo.

"Papa..." tawag ng batang multo sa lalaking nagsasarado din ng sariling niyang pinto pero hindi siya naririnig nito. Napatingin kay Dawson ang batang multo, tinitigan nito ang kamay ni Dawson pagkatapos ay tumingin naman sa kamay ng Papa niya, ngumiti ang bata pagkatapos ay niyakap ang kanyang Papa nya saka siya muling naglaho.

Di naman maiwasan ni Dawson ang maawa sa batang multo dahil halata namang namimiss na nito ang kanyang Papa at kita din sa mukha ng tatay ng bata yung lungkot.
"Ahm....Hi, good morning... ako nga pala si Dawson, kalilipat ko lang dito nung isang araw." Hindi na napigilan ni Dawson na magpakilala sa kapit-bahay niya nang mapadaan na ito sa harap niya.
"Sidney..." tipid na sagot ito kay Dawson.
"Ahm... Condolences nga pala. Alam kong mahirap pero binabantayan ka niya. Mahal na mahal ka ng anak mo." maingat na sabi ni Dawson pero tinaasan siya ng kilay ni Sidney.

"Gago ka ba? Anong pinagsasabi mo? Look, wala akong time sa mga trip mo sa buhay ok? Ingat ka baka matokhang ka dyan sa labas sa lakas ng tama mo." sinamaan niya ng tingin si Dawson.
"Sidney, alam kong mahirap paniwalaan pero nakikita ko siya... kanina nga niyakap ka niya bago siya nawala." paliwanag ni Dawson, naiintindihan niya kung in denial pa rin si Sidney sa mga nangyayari.

"Tang'ina pala neto eh!" sigaw ni Sidney kay Dawson sabay taas ng kamao niya diretso sa mukha ni Dawson na napasandal sa sarado niyang pinto.

"HINDI PA PATAY ANG ANAK KO GAGO!" galit na sigaw ni Sidney kay Dawson bago siya naglakad paalis.
"Aray...." ungol ni Dawson na napabalik na lang sa loob ng unit niya para gamutin ang nagdurugo niyang ilong.

..............................

VOTE.

Heaven Sent Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon