CHAPTER SIX
BREAK DOWN
━━━━━━━※✧O✧※━━━━━━━After the meeting ay bumalik na agad si Sidney sa room ng anak niya, may scheduled surgery na naman ulit kasi siya ng 4 pm kaya gusto niyang makasama ang anak habang free pa siya.
Bahagyang bukas ang pinto ng kwarto nang dumating siya at rinig niya sa loob na may kinakausap si Dawson.
"Bakit ayaw mo na ng Peter Pan? Ang gaganda kaya ng mga adventures ni Peter Pan!"Tahimik na pumasok ng kwarto si Sidney na nagpipigil ng tawa dahil parang batang magsalita si Dawson pero nagtaka siya ng makita na si Dawson dahil sa may paanan ng kama siya nakatingin at hindi sa anak niya.
"Eh anong gusto mo?" patuloy pa ring pakikipag-usap ni Dawson sa hangin. Masyado siyang nakafocus sa kausap niya kaya hindi pa rin niya napapansin si Sidney.
"Little Prince? Nagiging choosy ka na ha... sige wait lang magdodownload ako ng ebook..." ibinaling ni Dawson ang atensyon sa Ipad niya at nagsimulang magpipindot."Dawson, sinong kausap mo?"di na napigilan ni Sidney ang magtanong at halatang nagulat sa kanya si Dawson dahil nabitawan niya ang hawak niyang Ipad at nalaglag sa kama.
"S-Sidney! Kanina ka pa dyan?" tarantang sagot ni Dawson. Hindi niya talaga napansin ang pagdating nito pero mukhang kanina pa siya napansin ni 'Drei' dahil humahagikgik ito dahil sa pagkataranta niya.
"Uhm... si Drei kausap ko, sino pa ba? Ahahaha?" Walang naitulong yung awkward na tawang ginawa niya.
"Pero hindi ka nakatingin kay Drei..." naguguluhan pa ring sabi ni Sidney."Ah! Wala, tinitignan ko lang kung gaano kalaki yung kama kaya kung saan-saan ako nakatingin." pagpapalusot pa rin ni Dawson pero mukhang hindi naniniwala si Sidney dahil halos nanginginig pa itong lumapit sa may paanan ng kama ng anak niya.
"Noong una tayong nagkita, nagsasabi ka ba talaga ng totoo noon? Nakikita mo ba talaga siya? Nandito ba siya? Si Drei ba talaga ang kausap mo?" malikot ang mga mata ni Sidney, pinilipit niyang hinahanap ang nakita ni Dawson na hindi niya makita.
"Sidney..." Napatingin si Dawson kay 'Drei' na nakangiti sa kanyang ama.
"Alam kong mahirap paniwalaan pero andyan siya sa may tabi mo, hinahawakan niya ang kamay mo." napasinghap si Sidney sa sinabi ni Dawson.Hindi niya talaga alam kung maniniwala siya kay Dawson o hindi pero mabilis ang tibok ng puso niya na para bang nagsasabing maniwala siya... pero yung Little Prince... iyong ang paboritong libro ni Drei at sigurado siyang hindi niya pa ito nababanggit kay Dawson.
"Drei....Andrei...anak?" Tumingin si Sidney sa space na itinuro ni Dawson.
"Anak, please bumalik ka na. Ayan yung katawan mo oh, bumalik ka na...bumalik ka na please. Gusto na kitang mayakap. Anak, huwag mo naman akong iwan...bumalik ka na please." umiiyak na pakiusap ni Sidney. Nangingilid na ang mga luha ni Dawson habang pinagmamasdan ang mag-ama. Umiiyak na rin si 'Drei' at panay ang tawag nito sa kanyang ama."Papa! Papa! Miss na miss na rin kita Papa! Mahal na mahal kita Papa!"
"Dawson, naririnig niya ba ako? Sabihin mo sa kanya bumalik na siya! Kung nandito siya bakit hindi na lang siya bumalik sa katawan niya. Dawson, sabihin mo sa kanya bumalik na siya sa katawan. May kailangan ba tayong gawin para matulungan siyang bumalik sa katawan niya? Drei, anak sabihin mo kung anong kailangang gawin ni Papa.. gagawin ni Papa ang lahat makabalik ka lang. Anak bumalik ka na. Dawson, sabihin mo sa kanya bumalik na siya!" Histerikal na si Sidney.
Lumapit naman agad sa kanya si Dawson at niyakap sya para aluhin.
"Dawson, bakit hindi siya bumabalik. Gusto ko na siyang mayakap. Gusto ko na siyang makitang nakangiti. Gusto ko na siyang makausap ulit. Dawson, sabihin mo sa kanya bumalik na siya sa katawan niya. Drei... Drei... Drei" Patuloy na pagsusumamo ni Sidney.
BINABASA MO ANG
Heaven Sent
Ficção AdolescenteThe last thing that Dawson needed right now ay isang batang namimilit sa kanya na pasayahin nya ang Papa nito. Gusto na lang talaga nyang mapailing pero ng palalabasin na nya ito sa apartment nya.... Bakit biglang nawala ang ba...