CHAPTER NINE: FAREWELL

905 93 6
                                    

CHAPTER NINE
FAREWELL
━━━━━━━※✧O✧※━━━━━━━




Marahang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Dawson. Halos buong araw na syang di lumalabas dito. Di pa din nya magawang tanggapin na nagawa nya nga ang mga ganoong bagay. Pagkaalis ni Sidney kanina ay nagsimula na din ang Mama nya na ipaliwanag kung bakit nya nagawa ang masamang bagay na iyon.
At unti-unti mas luminaw ang lahat. Kung paano sya nasama sa mga bad influence na kaibigan noon sa kolehiyo. Kung paanong sila ang nag-udyok sa kanya na subukang gumamit ng ipinagbabawal na gamot and eventually nalulong sya dito that led him to do those things. Ang pagdukot kay Sidney at panggagahasa dito.
"Anak.... Di ka pa kumakain.... Gusto mo bang magdala ako ng pagkain----"
"Dapat akong makulong Ma.... I did a terrible thing." Sambit nya. Napayuko naman ang Mama nya saka ito umupo sa tabi nya.

"Hindi ko kakayaning makita kang naghihirap sa kulungan anak...."
"Kaya ba pinatakas nyo ako nung araw na huhulihin ako ng mga pulis? Kaya naaksidente ako." Tanong nya. Nakayukong tumango naman ang Mama nya. Niyakap nya ito.
"Ma... Thank you for loving me unconditionally but I have to face kung ano man ang consequences ng mga nagawa kong pagkakamali.... Kailangan ko yung pagbayaran sa batas at kay Sidney." Sambit nya. Nakaka-unawang tumango naman ang Mama nya.
"I'm sorry anak... Kung di dahil sa ginawa ko baka matagal ka ng napatawad ni Sidney at malamang nakasama mo ang anak mo.... I'm sorry." Paghingi ng tawad ng Mama nya. Tumango naman sya saka nya hinagkan sa noo ito bago sya tumayo.

"Sasamahan ka na namin anak." Ang Papa nya paglabas nya ng pintuan. Umiling sya.
"Hindi na Pa....masyado ko na kayong nasaktan dahil sa mga mali kong desisyon noon hayaan nyo na akong harapin ito ngayon ng mag-isa.... At isa pa may pupuntahan pa ako bago isuko ang sarili ko." Sagot nya. Tumango naman ang Papa nya saka sya nito niyakap bago sya nagtuloy palabas ng bahay nila.

Kagaya nga ng sinabi nya bago sya tumuloy sa presinto ay nagpunta sya sa apartment nya. Bago pa sya makapasok sa unit nya ay di nya maiwasang di tingnan ang katabing unit. Kung saan nakatira si Sidney at Drei. Si Drei na anak nya.
Nilapitan nya ito saka nya sinibukang ipihit ang doorknob at di nya inaasahan na nakabukas ito kaya naman nagtuloy na sya sa loob. Pinagmasdan nya ang loob ng unit. Simple lang ang mga gamit pero ang nakakuha ng attention nya ay ang mga pictures na naka-display. Mga pictures ni Drei, mula baby hanggang ngayon. Di maiwasan ni Dawson na maluha. Sino bang mag-aakala na ang batang multo na nanggulat sa kanya sa paglipat nya sa apartment na ito ay isa pa lang malaking bahagi ng pagkatao nya. Pakiramdam nya ang daya-daya ng tadhana para sa kanya, para sa kanila.

"Daddy...." Isang maliit na tinig ang narinig nya kaya naman agad syang humarap sa likod nya at nakita nyang nakatayo doon si Drei. Agad na nag-unahan ang mga luha nya sa pagtulo mula sa mga mata nya. Nais nyang yakapin si Drei, hagkan ang anak nya pero alam nyang imposible iyon.
"Anak....." Ngumiti ito sa kanya.
"Masaya po akong makilala kayo... Masaya po akong malaman na kayo ang Daddy ko." Nakangiting sabi ni Drei. Walang panunumbat at galit sa boses nya. Ang tanging nararamdaman ni Dawson ay magkahalong saya at panghihinayang.
"Ako din anak... Masayang masaya akong malaman na may anak ako at ikaw yun." Sambit nya pero di nya mapigilan ang pag-iyak nya saka sya lumuhod para magkapantay sila ng anak nya.

"Kahit ngayon ko lang po kayo nakilala... Mahal ko po kayo." Nakangiting sabi ni Drei saka nito inangat ang kamay papunta sa pisngi nya at nakaramdam ng malamig na hangin si Dawson sa kanyang pisngi.
"Anak... Mahal na mahal din kita.... Bumalik ka na please?" Sambit nya. Ngumiti ng malungkot si Drei.
"Daddy... Nandito lang po ako para tuluyang magpaalam....sana po wag nyong sukuan si Papa." Sambit nito at nakikita ni Dawson ang kakaibang liwanag na lumalabas sa espiritu ng anak.
"Wag anak.... Please...." Umiiyak na sabi nya pero ngumiti lang si Drei at naglaho ito sa harapan nya.

Heaven Sent Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon