CHAPTER FOUR
PAST
━━━━━━━※✧O✧※━━━━━━━Kinabukasan ay tanghalian na bumalik si Dawson sa hospital, dala ang pagkain na kinuha na naman nya sa bahay ng parents nya. Gusto na nga ng Mama nya na doon na sya kumain pero sinabi nya na may pupuntahan pa sya. Niloko tuloy sya ng Daddy nya na baka may pinagdadalhan na sya ng pagkain na tinawanan lang nya. Sumilip sya sa pinto at napangiti siya nang makita sa loob si Sidney na gising.
"Hi..." bati ni Dawson, habang nakasilip lang ang ulo niya sa loob.
"Dawson, pasok ka. Salamat nga pala ulit sa kahapon."
"Ano ka ba, wala yun.... magkaibigan na tayo di ba." Nakangiting sagot ni Dawson. Pakiramdam nya ay nakukuha naman na nya ang loob ni Sidney. Napapalagay na ito na wala naman syang masamang balak, na gusto lang talaga nyang makipag-kaibigan.
"I was actually hoping na nandito ka kasi I brought extra lunch for you." isa-isang inilabas ni Dawson ang pagkain.
"Thank you pero hindi ka na dapat nag-abala."
"Okay lang, boring din kasing kumain mag-isa.""Thank you talaga, although hindi ko talaga magets bakit gusto mong tumambay dito sa hospital. Madami namang pwedeng pagka-abalahan sa labas." curious na sabi ni Sidney.
"Alam mo kahit na sinuntok mo ako nung unang meeting natin, hindi ko maexplain pero magaan pa rin pakiramdam ko sayo. Tsaka..." Tumingin si Dawson kay Drei.
"...gusto ko lang talagang makatulong. Nung nasa hospital yung Grandma ko, hindi ko siya masyadong naasikaso kasi and dami kong trabaho. At least kahit papaano nakakagaan ng loob... through Drei, feeling ko nakakabawi ako sa Grandma ko."
"Kamusta na GrandMa mo.." tanong ni Sidney habang binubuksan ang dalang pagkain ni Dawson.
"She passed away six months ago..."
"I'm sorry to hear that..."
"Ok lang, at least hindi na siya nahihirapan ngayon. Masaya na yun ngayon kasama na niya si GrandPa." nakangiting sabi ni Dawson. Totoo naman ang sinabi nya. Noon kasi naging busy sa trabaho ang magulang nya ang grandparents nya ang nag-alaga sa kanya kaya lang nung nagkatrabaho na sya di na sya nadadalaw sa mga ito at di na din nya naalagaan ng nagkasakit at tuluyang namatay."Buti ka pa, you can find happiness in your hardest time. Ako, hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko kung mawawala sa akin si Drei." napatulala na lang si Sidney sa anak niya.
"Nung una syempre masakit, si GrandMa kasi ang nagpalaki sa akin. Mas nakasama ko nga sya kesa kay Mama. Hindi ka siguro maniniwala pero nung nagpakita sila sa akin ni GrandPa na masaya na silang magkasama, naghabilin sila na alagaan ko ang magulang ko saka alaagaan ko sarili ko. Pagkatapos nun, narealize ko na siguro baka talagang time ups na talaga si GrandMa, at the very least masaya naman siya na kasama niya si GrandPa. Doon nagsimula ang acceptance."
"You mean nakakakita ka talaga ng multo?" manghang tanong ni Sidney.
"Well sabi nila guni-guni ko lang but that was the last time na masasabi kong nakakita ako after that wala na." kaya nga nagulat talaga syang makita si Drei noon sa apartment nya.
"Pero yung dun sa apartment mo, yung gumagaya kay Drei...di kaya talagang bad spirit yun?"Napatingin si Dawson sa bata sa kama, paano niya ba sasabihin kay Sidney na anak niya talaga ang nakikita niya.
"Kain na tayo, lumalamig yung pagkain..." pag-iiba ng topic ni Dawson buti na lang at hindi na din siya kinulit ni Sidney tungkol dito. Pareho na lang silang nagtuloy sa pagkain.
"Uhm, if you don't mind me asking, ikaw ang bearer nya di ba? So nasaan yung Daddy ni Drei?.....kung di mo mamasamain hah...." tanong ni Dawson after nila makakain. Kahapon pa siya nacu-curious pero ngayon lang siya nakatiyempo makapagtanong. Huminga naman ng malalim si Sidney saka sya tumingin kay Drei bago kay Dawson.
"I was a raped victim... Seven years ago." Sagot nito na ikinagulat ni Dawson.
"S-Sorry kung di ka pa----"
"No, it's fine... Matagal naman na." Napatango lang si Dawson saka nagpatuloy si Sidney."Patapos na din ako ng med school noon.... Umuulan at ginabi na din ako ng uwi noon because of the requirements.....Madilim ang daan pauwi sa amin dahil sa katatapos lang ng bagyo noon at di pa naibabalik ang kuryente kaya din nagmamadali ako kasi wala pang kasama si Nanay sa bahay, pero hinarang ako ng isang pulang kotse sa gulat ko di agad ako nakagalaw lalo na ng bumaba ang driver na di ko naman makita ang muka dahil sa dilim." ani Sidney. Nakatingin lang si Dawson sa kanya.
"Hinawakan nya ako ng mahigpit sa magkabilaang braso ko. Akala ko sisigawan or susuntukin nya ako pero nagulat ako ng ipasok nya ako sa kotse nya. I tried na lumaban pero mas malakas sya.... Amoy alak sya at ang hinala ko pa nga baka naka-drugs sya." Pagpapatuloy nito.
"Saan ka nya dinala?" Tanong ni Dawson. Di nya alam pero nakakaramdam sya ng sobrang galit ngayon."Hindi ko na din alam pero sa kotse nya ako ginahasa. Halos mawalan ako ng boses noon sa paghingi ng tulong pero walang dumating.... Tuluyan nyang sinira ang pagkatao ko." Sambit ni Sidney at kusang tumulo ang mga luha sa mata nya. Di naman na napigilan ni Dawson na yakapin si Sidney at pakalmahin ito.
"Galit na galit ako noon Dawson...dahil sa nangyari sa akin inatake si Nanay....dead on arrival sya sa Hospital.....at lalo akong nagalit ng malaman kong nagbunga yung kawalanghiyaan nya sa akin...pakiramdam ko pinagsakluban ako ng mundo." ani Sidney pinahid naman ni Dawson ang luha niya.
"Tama na....." Mahinang sambit nya. Tumingala naman si Sidney kay Dawson. Hindi nya din alam kung ano ang nag-tulak sa kanya para maglahad ng nakaraan nya sa isang taong estranghero pa din naman sa kanya. Basta ang pakiramdam lang nya. Mapagkakatiwalaan si Dawson. Marahan syang humiwalay dito."Alam mo ba.... I even tried na ipalaglag si Drei pero di nangayari... Malakas yung kapit nya. Di nya hinayaan na mawala sya. At ipinagpapasalamat ko iyon. Because the moment I gave birth to him nawala lahat ng galit sa puso ko. Ang anak ko pala ang maghihilom sa nasugatan kong puso." Nakangiting sabi nya saka nya sinulyapan ang anak saka sya bumaling kay Dawson na may malungkot na ngiti.
"But maybe....pinarusahan din ako ng Panginoon sa mga nagawa ko.... Sa mga pagtatangka kong ipalaglag sya. Kaya ng ipanganak ko sya mayroon syang congenital heart disease, and since baby sya nilalabanan na namin ang sakit nya, kaya naman ng medications. Recently lang talaga nagkaroon siya ng bad case ng pnuemonia, we all thought na pagaling na siya nung bigla siyang atakihin. It was actually fatal but we were able to bring him back kaso ganyan... he's been in a coma for two months now." sambit ni Sidney saka sya uminom ng tubig. Di naman alam ni Dawson ang sasabibin nya. Ang dami na palang pinagdaanan ng mag-amang ito."Ang tapang niya palang bata..." komento na lang ni Dawson. Ngumiti naman sa kanya si Sidney.
"Yes, kaya hindi din ako bumibitaw... hanggang lumalaban siya hindi din ako bibitaw." napangiti na lang si Dawdon dahil hindi man nararamdaman ni Sidney pero nakikita ni Dawson na nandoon si Drei sa tabi ni Sidney, hawak hawak ang kanyang kamay at nakangiti sa kanyang ama....................................................
VOTE
BINABASA MO ANG
Heaven Sent
Ficção AdolescenteThe last thing that Dawson needed right now ay isang batang namimilit sa kanya na pasayahin nya ang Papa nito. Gusto na lang talaga nyang mapailing pero ng palalabasin na nya ito sa apartment nya.... Bakit biglang nawala ang ba...