Louise POV
haaayy... nandito na naman ako, doing my daily tasks. Ako kasi ang panganay sa pamilya namin eh., so alam naman ng mga panganay na anak diyan ang nararamdaman ko di 'ba :) So babies pa lang ang mga kapatid ko at four years old pa lang ako nang iwan kami ni Papa, para sumama sa ibang babae sa Amerika. Sabi ni mama naiintindihan niya si Papa pero galit ako sa kanya. Kasi iniwan niya kami nina Mama para sumama sa iba., Para sa akin di ko na siya Papa. siya na lang si George Martinez, at delos Reyes ang ginagamit kong apelyido kasi apelyido yun ni mama, eh. Nilalagay ko lang ang Martinez sa mga documents pero pag casually delos Reyes ako. Kumbaga for formality na lang ang apelyido ng tatay ko... Nakakainis ang ama ko O_ONakakainis mang isipin pero ganun talaga ang buhay ko. kaya nga lagi akong nagsisikap para makatakas ako sa buhay na ito., sa buhay kung saan mahirap ang lahat. Mahirap lang kasi ako. kaya pagkatapos ng school pumupunta ako sa palengke para tulungan ang mama ko. Oo palengkera ako :) kawawa naman kasi si mama kung walang tutulong sa kanya eh. Kaya din ako nag-apply ng scholarship para
Kaya doing my daily duties, papunta ako nun sa palengke. At dala-dala ko ang mga sangkap na ginagamit ni mama sa pagluluto niya - ang bulalo. Syempre dito sa Tagaytay at Batangas, bulalo ang specialty ng mga tao. Iba talaga ang bulalo dito :> Pero mas masarap ang bulalo ng mama ko :) Syempre mama ko iyan eh...
Tinulungan ko na din si mama sa pagluluto niya. At inihanda na ang carenderia namin sa tapat ng palengke. At sinimulan kong gawin ang mga assignments ko. Syempre magaling akong student eh, at kelangan i maintain ang grade para i maintain ang scholarship.
Pagkatapos, bigla biglang may dumating na anim na maaangas na lalaki sa carenderia namin. Inignore ko sila at ginawa ko lang ang mga assignment ko. Nakita ako nung isang lalaki pero di ko siya pinansin.
Alden: Dito tayo mga 'tol (sabay turo sa carenderia namin)... mukhang may chicks oh! (sabay turo sa akin)
Derrick: Ay oo nga dre! mukang maganda ang chicks na yan ah!
naiinis akong pinag-uusapan, at naiinis ako sa mga maaangas na lalaki...
Elmo: O siya! lika na. Punta na tayo. nagugutom na ako eh.
Joshua: oo nga.!
Tapos pumunta sila sa Carenderia namin. at umupo sa harap ko. Yung Alden yung nasa tapat ko. kasi nakaupo nga ako sa loob eh ...
Alden: Miss, 6 nga na bulalo...
at pinakita nya sa akin ang dimples niya... :)
Grabe ang cute nung dimples... at napatitig lang ako sa kanya.
Derrick: Miss! *nag-snap sa harap ko si Derrick
Louise: Ah! ano ang gusto niyong bulalo?
Jhake: Edi bulalo!
Louise: hahaha nakakatawa naman kayo! bulalo lang hindi pa alam hahaha... kakain kain kayo dito di niyo man lang inalam kung ano gusto niyo... Hahahaha..
Joshua: Eh, ano nga ang mga bulalong available dito...
Louise: Oh, eto menu! (sabay bigay ko nung flyer este "menu" namen) Siguro naman marunong magbasa di ba.
Alden: Sorry na po miss! (tapos ngumiti na naman siya!)
Sinong hindi kikiligin sa kanya :)
Louise: Tawagin niyo na lang ako kung tapos na kayong pumili.
At pinagpatuloy ko ang assignment ko.
*Pagkatapos ng ilang minuto...
Alden: Miss Cute! eto na yung order namin..
Louise: Anong Cute?
Alden: Miss,. maghanda ka ah. Elmo Go!
(At biglang nag-rap si Elmo)
Elmo: Miss di namin alam kung bakit pa kami napunta sa palengkeng ito.
Para lang makatikim ng bulalo.
Gusto ko ng bulalo ng Bulalo Ispesyal
Gusto naman ni Josh at Jake ay ang Bulalo ni Aling Charing
At kay Derrick at Kris naman ang Bulalong Sinigang na Nilaga
kasi naman daw napaka-unique talaga
At kay Alden hindi naman magpapahuli
Espesyal na Bulalo na may isang halik.
(yung pagkakarap ni Elmo yung parang sa Look at me Now)
Louise: wala namang nakalagay sa menu na bulalo with kiss! wala naman ah!
Alden: Basta! yung order ko ha!
Louise: Sure!
(nagtawanan sila. Akala niyo hahalikan ko si Alden noh!) hindi ah.
at tumayo ako, at hinanda ang order nila.
Syempre nakikita nila kung paano ako magluto pero sanay na ako. Madami ding turista ang humahanga sa akin pag nagluluto ako, at syempre dagdag sa tip yan kaya ko din ginagalingan :)
Syempre may nakahanda nang sabaw. hiniwa ko na lang ang mga gulay. at nilagay ang iba pang mga sangkap.
Yung Bulalo nina Joshua at Jhake ay yung Kay Aling Charing. hindi si Aling Charing ang gumawa pero ang bakang ginamit yung bakla kaya Aling Charing ang Tawag
(Oo may bakang bakla)
Yung kay Derrick at Kris ay yung bulalong sinigang at nilaga - di na kailangang i-explain
Yung Kay Elmo at Alden yung bulalo na espesyal! - special talaga yan kasi original recipe namin yan eh
At binigay ko sa kanila ang bulalo na inorder nila.
At syempre yung kay Alden., inantay niya yung kiss ko :)
*kinilig naman ako kahit papaano... pero di ako pumapatol sa playboy.
Kumuha ako ng ulo ng baka, kasi lagi kaming may stock na ganon. (secret ingredient namin sa bulalo)
At yun ang pinahalik ko kay Alden
(biglang bigla si Alden sa ginawa ko.)
Pero natawa lang ako, at ang mga kaibigan niya :)
Louise: Bulalo with a kiss! Enjoy!
at kinindatan ko si Alden.
Kumain lang sila pero sa loob ko nakita ko na ang Prince Charming ko. pero parang fairy tale lang ito. hindi magkakatotoo...