Chapter 10: Tears and Raindrops

197 2 0
                                    

Buboy's POV

      Nagsisisi ako na pinaubaya ko lang siya sa Alden na iyon! Kung ako na lang sana kasi ang pinili niya edi sana hindi siya nasasaktan ngayon... AYIIEESSH!!!! W*LANG HIY* TALAGA YANG ALDEN NA YAN! sinasabi ko na nga ba eh.. there is something fishy about him! sinasabi ko na nga ba eh... He's not worth it for Louise!!!! Dapat kasi ako na lang ang pinili niya!!! ASDFGHJKL!!!!!!

       Naglalakad ako sa may park kung saan sabi ni Alden naroroon si Louise... Naroroon nga siya... Sa may swing umiiyak... TT.TT Nasasaktan ako kasi nakikita ko siyang nagkakaganyan... Bakit pa kasi kinailangang siya ang masaktan... TT.TT

    Umuulan.. Pero hindi umaalis si Louise sa may swing... Lumuluha pa rin siya... :( Dala ko ang payong ko... Pinayungan ko siya... Tumingin naman siya sa akin nang mapansin na naroroon pala ako... Ngumiti siya pero alam kong malungkot siya... Mugto ba naman ang mata eh... Pero halata na umiyak siya... Inakay ko siya para ihatid sa bahay nila... 

"Louise... Wag mo namang sirain ang buhay mo para lang sa isang lalaki." sabi ko sa kanya...

"..." Hindi siya nagsalita... Ngumiti lang siya ng bahagya at bumalik sa sad face niya....

"Wag mong sayangin ang buhay mo para lang sa isang walang kwentang lalaki... Marami namang iba diyan eh... Malay mo yung hinahanap-hanap mo... Nasa tabi mo lang pala..." sabi ko uli...

Tumingin lang siya sa akin at tumigil sa paglalakad... Tinitigan niya ang mata ko... 

"Kung titingin ka lang sa tabi-tabi, makikita mo na mas marami ang magmamahal sa yo ng totoo... marami pang iba... tulad... tulad ko...." sabi ko...

"Alam ko naman yun Buboy eh... Alam ko nagkamali ako... Pero mali ba ang magmahal ng tapat sa isang taong inakala mo na mahal ka  niya?? Mali ba ang magmahal? Kasi... kasi... kahit anong gawin ko para malimutan siya hindi ko magawa eh... kahit anong gawin ko... siya pa rin ang laman nito eh... Sabihin  mo... gugustuhin mo bang maging panakip butas lang??? alam mo naman na hindi kita mahal eh... Ayokong masaktan ka kasi hanggang sa kapatid lang ang turing ko sa iyo... Sorry pero .... Hanggang dun na lang.--" sabi niya habang umiiyak. TT.TT

Nasasaktan na naman ako kasi nakikita ko siyang umiiyak... Nakikita ko siyang ganun... Dahil lang sa isang lalaki... Nagkaganun ang bestfriend ko... Pero mas lalo akong nagagalit kasi hindi niya ma-realize na nandito lang ako.. para sa kanya... para mahalin siya kahit walang kapalit...

"Kelan mo ba ma-rerealize Louise!? Wala akong pakialam kung gawin mo akong panakit butas pero... gusto ko na maging masaya ka... kahit yun man lang magawa ko para sa iyo!" galit kong sabi sa kanya.

"Ano ka ba? Hindi mo ba ako maintindihan!? Ayokong gawing panakit butas ka!!!! You deserve someone better... at hindi ako yun.." sabi niya.

"Bahala ka nga diyan!!! Kung gusto mong ma-stuck sa isang lalaki bahala ka na!" 

ALam kong mali pero iniwan ko siya...

Iniwan ko rin ang payong sa kanya... Inihagis ko sa harap niya... Hindi niya ba maintindihan na ayos lang na maging panakit butas lang ako!??? Hindi niya ba maintindihan na ayos lang sa akin ang maging malungkot basta masaya siya sa piling ko??? Hindi niya ba maintindihan na mas gugustohin ko pang mag-paka martyr kesa makita siyang magkaganun?? nang dahil lang kay ALden????!!!! Hindi niya ba alam na ganun ko siya kamahal?

Naglakad lang ako mag-isa!. I was so pissed at them! Louise at Alden... si Alden dahil sinaktan niya si Louise at si Louise dahil mas gusto niya pang masaktan at saktan ako...

Stay by My SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon